34th Chapter: Silent Treatment

2.3K 119 8
                                    

SO, IRRITABILITY is one of the symptoms during recovery period after a concussion, huh?

'Yon ba ang reason kung bakit iritable ang boyfriend ko ngayon?

Nag-Google ako gamit ang phone ko ng tungkol sa concussions kahit nasa ospital ako at puwedeng magtanong sa mga doktor o nurse. Nagpapalipas lang naman kasi ako ng oras habang nakaupo sa couch dahil hindi kami nag-uusap ni Tray.

He's acting like a child.

Pagkatapos magdala ng early dinner nina Tita Trina sa'min, umuwi siya ng bahay kasama si Trish. Pero babalik daw sila mamaya para magdala ng mga damit at iba pang gamit ni Tray. Sina Patrick at Happy naman, umuwi na pagkatapos naming kumain. Nagpaiwan si Gardner dahil halos kasabay lang niya. Sasamahan daw muna niya kong magbantay sa boyfriend ko.

Speak of the handsome devil...

"Yo," bati sa'kin ni Garnder nang umupo siya sa tabi ko. Lumabas siya kanina nang tawagan niya si Happy para siguraduhing naihatid ito ni Patrick sa bahay ng maayos. "Still not talking to Tray?"

Pasimple kong sinulyapan si Tray na patagilid pa rin ang higa habang nakatalikod sa'kin. "He's not yet done throwing tantrums."

"I'm not throwing tantrums," reklamo naman ni Tray. "You're just being unreasonable."

"See?" frustrated na sabi ko kay Gardner. "He's so cranky."

"He probably doesn't feel well," pagtatanggol naman ni Gardner sa boyfriend ko. "I had a concussion, too, when I was in high school. I still remember na konting liwanag o ingay lang that time eh enough na para mairita ako."

"But you're always grumpy, Gardner," biro ko sa kanya.

"Ha-ha," sarcastic na "pagtawa" naman niya. "Funny."

May sasabihin pa sana ako pero natigilan ako nang makita ko si Tray na bumangon at tumingin sa'min ni Gardner. I can easily tell that he's jealous. Hanggang ngayon, nagseselos pa rin siya kay Gardner gaya ng pagseselos ko kay Yuni paminsan-minsan. Siguro may mga tao lang na sadyang nakakapagpaselos sa'min kahit alam naman naming baseless ang selos na 'yon.

"I'm thirsty," sabi ni Tray. "Bomi, water please."

I rolled my eyes at my boyfriend. Pero tumayo rin naman ako at naglakad papunta sa night table na nasa tabi lang ng kama niya. May bottled water na do'n pero alam ko namang inutusan niya lang ako para lumayo ako kay Gardner. "Here," sabi ko pagkatapos kong iabot sa kanya ang bottled water na wala ng lid. "Big baby."

Kinuha ni Tray ang bote. "Thank you."

Halatang may sasabihin pa sa'kin ang boyfriend ko pero nawala sa kanya ang atensiyon ko nang bumukas ang pinto. Pagkatapos, pumasok sina Yuni at Krey. "Oh, you're here."

"Yeah," sagot ni Yuni, saka siya tumingin kay Tray. Kitang-kita ko ang guilt sa mukha niya nang mapatingin siya sa benda sa ulo ng boyfriend ko. "I'm so sorry, Tray," paiyak na sabi niya, saka siya lumapit kay Tray. Pagkatapos, umupo siya sa gilid ng hospital bed para yumakap sa boyfriend ko. "This is my fault..."

"It's not your fault, Yuni," pag-console sa kanya ni Tray habang tinatapik-tapik ang ulo niya. "Hindi mo na dapat sinubukang i-confront si Hendrick. What you did was dangerous."

Humikbi-hikbi si Yuni. "I'm so sorry..."

Napailing-iling na lang ako sa pag-iyak ni Yuni, saka ko tiningnan si Krey na halatang na-gi-guilty na para bang siya ang nahihiya para sa mga posibleng ginawa ng pinsan niya. "Krey, do you think Hendrick is capable of physically hurting people like what happened to Tray?"

"This is hard for me to admit but... yes," nakangiwing sagot ni Krey. "I think Hendrick is capable of being violent. He used to be part of our university's infamous frat. Their frat was in the national news just a few years ago for alleged gun shooting outside our university. Freshman lang siya no'n kaya hindi siya nasama sa mga nakulong. Saka wala ring evidence na may baril siya or nagpaputok ng baril. And he told our family na pinilit lang siya ng frat members niya na sumama ro'n. Of course, we believed him. But now..." Tiningnan niya si Tray nang may guilt sa mukha. "Ayokong mag-isip ng masama sa pinsan ko pero malakas din ang kutob ko na siya ang may gawa niyan sa'yo, Tray."

"Bakit hindi ko alam 'yan eh sa same university naman tayo pumapasok?" sita ni Yuni kay Krey. "Saka bakit hindi mo agad sinabi sa'kin 'yan?"

"It happened years ago," katwiran naman ni Krey. "Saka kumalas na rin siya sa frat niya at nakita naman naming hindi na siya nagha-hang out with the bad kids in the university. Sinusuportahan namin ang nakikita naming pagbabago kay Hendrick kaya nga nakiusap ako sa inyo na 'wag siyang isusumbong sa mga pulis. Ayoko kasing masira ang future niya lalo na't nakikita namin ngayon na kalmado na siya. Well, not until this happened."

"He almost ruined my boyfriend's future," giit ko naman. "Gets ko ang concern mo sa pinsan mo pero kung mapapatunayan ng mga pulis na si Hendrick nga ang assailant ni Tray, I'm sorry pero there's no way na hindi magdedemanda ang family nila."

"I know that," sagot naman ni Krey na laglag na ang mga balikat. "Sinamahan ko si Yuni kasi gusto kong makausap si Hendrick. Iko-convince ko sana siya na sumuko na lang kung aamin siya na siya nga ang assailant ni Tray. But we can't find him."

"Let the police do their job, kids," sermon ko kina Yuni at Krey na mukha namang wala nang planong kumontra sa'kin. "Anyway, I want you to stay with Tray for the meantime. Kailangan ko munang umuwi sandali."

Napatingin sa'kin si Tray na parang nagulat sa sinabi ko. "You're leaving me here?"

"I'll be back," pag-a-assure ko naman sa kanya. "Tatawagan ko si Mommy since hindi ko pa nasasabi sa kanya ang nangyari sa'yo. I'm sure mag-wo-worry 'yon kapag nalaman niya 'to. Siguradong magpipilit si Mommy na dumalaw sa'yo mamaya kaya uuwi muna ko para makapagbihis muna. Nandito naman na sina Yuni at Krey para magbantay sa'yo."

Halatang ayaw akong paalisin ni Tray pero hindi naman niya ko pinigilan. "Okay."

Well, I have to admit that I'm disappointed in his response. Pero kasalanan ko rin naman. May paalis-alis drama pa kasi akong nalalaman.

"I'll drive you home, Bomi," offer naman ni Gardner na tumayo na at lumapit sa'kin. "Dadaanan ko rin naman si Happy sa kanila." Tumingin siya kay Tray at ipinatong pa ang kamay sa balikat ng boyfriend ko. "I'm glad to know that you're okay now, brother. Magpahinga ka muna. Babalik kami nina Happy bukas."

"Thank you, Gardner," sabi naman ni Tray. "Please safely bring my baby girl home."

I blushed at Tray's cheesy request.

Okay, baby pa rin niya ko.

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon