[DECEMBER 2018]
I JUST feel like crying tonight.
Ngayon ko lang natapos ang pag-o-organize ng bedroom ko. Inayos ko kasi ang mini walk-in closet ko para magkaro'n ng space si Yuni kapag lumipat na siya rito. Pinalitan ko rin ang bedsheet ko at ang mga punda ng unan, pati ang mga kurtina. Siniguro ko rin na wala siyang maipipintas sa banyo at kusina ko. Ayun, pagod na pagod tuloy ako.
Kaya heto ako ngayon, patagilid na nakahiga sa kama habang nanonood ng AnoHana. Ilang beses ko na 'tong napanood pero naiiyak pa rin ako sa ending.
"Baby girl, tahan na, please?" malambing na sabi ni Tray, saka siya umupo sa edge ng kama ko para iabot sa'kin ang Kleenex. "Here."
"But I want to cry," parang batang sabi ko naman, saka ako suminga sa tissue. "My period is messing up with my emotions."
Yes, meron akong period ngayon. First day ko pa kaya masakit talaga ang puson ko. Buti na lang, weekend ngayon kaya puwede akong mag-stay sa condo all day.
"B-Bomi?"
"Yes, baby boy?" tanong ko sa kanya nang hindi inaalis ang tingin ko sa laptop.
"D-Do you want to... cuddle?"
Mabilis akong bumangon at tiningnan siya. Like what I expected, he's blushing. Halatang nahihiya siya sa tanong niya pero bago pa magbago ang isip niya, hinila ko na siya.
Halatang nagulat ang boyfriend ko pero wala na siyang nagawa nang paghiga niya sa kama, ginawa kong unan ang braso niya. Saka ako sumiksik sa tabi niya at niyakap siya sa baywang. Ang bango-bango niya kaya hindi ko napigilang singhutin siya nang isubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Yep, nakalimutan ko na ang pinapanood kong movie.
"B-Bomi?"
"Hmm?"
"You... y-you're not wearing b-bra."
Napasinghap ako sa gulat. Oo nga pala! Hindi naman kasi ako nag-ba-bra kapag mag-isa lang ako sa bahay. Nakalimutan kong isuot uli 'yon kanina dahil nang dumating si Tray (na may sarili namang extra key card ng condo ko), eh nakadapa na ko sa kama at nanonood.
"Sorry," nahihiyang sabi ko. "Nakalimutan ko..."
"Uhm, it's fine," sabi naman ng boyfriend ko na ikinagulat ko. "Your body, your choice. But for the sake of my sanity, please be extra careful when it's just the two of us here."
Tumingala ako sa kanya. Namumula pati ang mga tainga niya at hindi siya makatingin ng deretso sa'kin kaya sure ako na siya naman ang Tray ko. I just can't believe he said that. Sinubukan kong humiwalay sa kanya para sana tingnan kung may lagnat siya or what, pero bigla-bigla, tumagilid siya ng higa para yakapin ako.
Thus, my soft breasts were suddenly pressed against his solid chest making both of us turn bright red.
"I-I'm still a man, Bomi," determinadong sabi ni Tray at kahit nag-stutter siya, ramdam ko kung ga'no siya kaseryoso. "I like being this close to you."
Napalunok ako at aminin ko man o hindi, na-excite ako sa mga sinabi niya. In fact, buong katawan ko na yata ang nag-init. I'm sure na gano'n din ang nararamdaman niya ngayon. "Tray..."
He licked his lips without breaking our eye contact and dammit. That was so hot. When his eyes darkened, I immediately realized what he wanted to happen. "Bomi..."
"Tray," pigil ko sa kanya bago pa kami parehong mawala sa sarili. "May period ako, remember?"
"Oh," halatang nanghihinayang na comment naman ni Tray nang matauhan siya. "Then, can we just– mmm!"
Yes, I pulled him by the nape and kissed him hard on the lips.
That night, na-realize ko na hindi santo si Tray at thankfully, unti-unti nang nababawasan ang pagiging shy niya. Wow, may progress na kami!
One baby step at a time and our relationship will be fine.
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.