"I MISS you, Tray," bulong ko sa kanya habang nakayakap ako sa braso niya na para bang bigla siyang aagawin ng kung sino. Magkatabi kaming nakaupo sa steel bench sa food court habang hinihintay si Yuni. Kaya heto, inaamoy-amoy ko rin siya kasi ang bango-bango niya. "Puwede ba kitang masolo next time?"
"You can look forward to our first anniversary celebration, baby," bulong ni Tray sa'min, saka niya hinalikan ang sentido ko. "I prepared well."
Napangiti ako sa kilig kasi alam ko namang matagal na niyang pinaghahandaan ang first anniversary namin. We don't celebrate monthsaries.
"Argh," reklamo ni Krey na kababalik lang dahil nag-volunteer siyang bumili ng lemon juice bilang apology daw sa pakikisakay niya sa panunukso ng sales staff kanina. "Love birds," reklamo niya, saka siya umupo sa tapat namin at nilapag sa harapan namin ang kanya-kanyang tall cup ng lemon juice na libre daw niya sa'min ng boyfriend ko. "There you go."
"Ano pala 'yong sasabihin mo sa'min?" tanong ni Tray pagkatapos naming magpasalamat kay Krey para sa panlilibre niya. "Nakipagkita ka sa'min kasi may sasabihin ka, 'di ba?"
"Yeah," sagot ni Krey, saka siya sumipsip muna ng lemon juice bago nagpatuloy. "Tinawagan ako ni Hendrick kagabi. Nasabi kasi sa kanya ng mommy ko kung saan ako nakatira ngayon. Gusto raw niyang pumunta sa condo ko kasi may gusto raw siyang makilala."
Napasinghap ako at napaderetso ng upo. "Ako ba 'yon?"
Tumango si Krey. "I think so."
Naramdaman ko ang kamay ng boyfriend ko sa baywang ko, saka niya ko hinila palapit sa kanya na para bang gusto na niya kong ikandong. "What did you tell your cousin?"
"Sinabi ko na may photoshoot ako ngayon," sagot niya. "Saka hindi rin naman ako papayag na lapitan niya si Bomi."
I was supposed to feel relieved but...
Parang biglang may sumuntok sa sikmura ko nang makita kong dumating si Yuni na mabilis ang lakad na para bang sinusundan siya ng lalaki sa likuran niya. The guy is walking so close behind her.
"Baby, that guy seems to be chasing Yuni," sabi ko kay Tray habang tinatapik-tapik ang hita ng boyfriend ko.
Mabilis namang tumayo si Tray para salubungin si Yuni na halatang na-relieve nang makita kami. Then, she hid behind my boyfriend who faced Hendrick.
This is getting instense!
Tumayo ako at napansin kong tumayo rin si Krey pero magkaibang direksyon ang pinuntahan namin. He went to to his cousin while I stood beside Yuni. Maraming tao sa food court kaya wala namang nakatitig o nanonood sa grupo namin. Saka kung titingnan naman kami, mukha lang kaming squad na nagkita-kita ro'n.
"What happened, Yuni?" pabulong na tanong ko sa kanya. "He followed you?"
"Hindi ko alam kung kelan pa siya sumusunod sa'min," sagot ni Yuni sa pabulong din na boses. "I was surprised when he suddenly showed up here. He tried to talk to me but I just walked as fast as I could."
Marahan kong hinagod ang likod ni Yuni dahil naramdaman ko sa boses niya ang stress. Pagkatapos, sinilip ko 'yong lalaking katabi at kinakausap ni Krey sa mahinang boses.
That's Hendrick, huh?
Since Yuni mentioned that Hendrick is a model, I already expected him to be tall. Pero sa disgust sa boses niya kapag nagkukuwento siya, hindi ko in-expect na guwapo pala ang lalaki. Plus, he looked slender but the way his dress shirt hugs his body told me that he has toned body underneath.
"I'm not here to scare Yuni," deklara ni Hendrick sa boses na sapat para marinig nila nina Tray at Yuni. Pero ang tingin ng lalaki, deretso lang sa boyfriend ko. "You're Tray, aren't you? I can tell by the way you glare at me that you already know who I am."
"You just proved to us that Yuni is telling the truth," sabi ni Tray sa boses na may kaunting iritasyon. Bihira lang mainis ng ganito ang boyfriend ko kaya kahit ako, kinakabahan na. "Hendrick, we're the same age and Yuni is just a senior high student. Will you please stop bothering her? Kapag hindi ka pa tumigil, magsasabi na talaga kami sa authority."
"I begged them not to do that, Hendrick," sabi naman ni Krey na nakahawak sa balikat ng pinsan niya. "Cousin, please. Stop this now."
"I'll only give up once I confirm that Yuni is really with someone else," giit naman ni Hendrick. This time, he's looking and talking straight to Yuni. "Yuni, as long as you don't have someone special in your life, I still have a chance–"
"I'm serious when I said I'm in love with someone," deklara ni Yuni. "Do I look like I'm lying just to get rid of you?"
Kumunot ang noo ko dahil kabaligtaran iyon ng sinabi sa'min ni Yuni kaya binigyan ko siya ng nagdududang tingin. Girl, ang sabi mo sa'min, sinabi mo lang na in love ka na sa iba para tantanan ka na ni Hendrick, 'di ba?
Narinig kong ngumisi si Hendrick bago siya magsalita. "Yuni, I don't believe–"
"I'm in love with Tray," deklara ni Yuni, saka niya tinuro si Tray na napatingin sa kanya. And boy, my boyfriend looks as shocked as I am. "I've always been in love with Tray."
Bigla kong inalis ang kamay ko sa likod ni Yuni na para bang napaso ako sa confession niya. It doesn't make sense, I know. But so was this turn of event. Girl, anyare?!
"I knew it. If it's Tray, then I believe you since he's always been by your side," sabi ni Hendrick sa malungkot na boses habang iiling-iling. "Alright– I give up now, Yuni."
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.