RELIEVED na ko dahil assured na kong makakarating sa classroom kung saan ako mag-e-exam. At dahil 'yon kay Tray na kahit halatang antok at pagod na eh nag-volunteer pa rin na ihatid ako.
"Ang suwerte ko na nakita kita kahit super aga pa," pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan namin. "Ano ang position mo sa college paper niyo?"
"I'm a lay-out artist," sagot niya. "Minsan, nagdo-drawing din ako ng comic strips para sa entertainment page."
"That's cool, Tray!"
Ngumiti siya na parang nahihiya. "T-Thanks, Bomi." Huminto siya sa tapat ng isang classroom. Hindi pala ako ang nag-iisang early bird dahil meron nang isang female student at dalawang male students sa loob. Sa kabilang entrance siguro sila pumasok kaya hindi ko sila nakita kanina. "Ito na 'yong classroom na hinahanap mo."
"Oh." Tumayo ako sa harap niya at tumingala sa kanya. "Thank you, Tray."
"You're welcome." Nagkamot siya ng kilay at nag-iwas ng tingin. "P-puwede kitang samahan while waiting for your proctor."
"Thank you sa offer but I have to turn you down." Tinuro ko ang mga mata niya kaya siguro napilitan siyang tumingin sa'kin. "You need to sleep na, Tray. You look so tired na, eh."
Sumimangot siya. "I can manage."
"No, you look like you're about to collapse anytime," natatawang sabi ko, saka ko kinuha mula sa bag ko ang wallet ko. "Let me give you a thank you gift first before you go home." Nilabas ko mula sa wallet ko ang five hundred peso worth of gift certificate from my favorite coffee shop na bigay sa'kin ng ninang ko. "Here. Ngayon na ang expiration date niyan so please use it na, ha?"
"Nakakahiya naman–"
"Please take it, Tray," sabi ko naman nang naramdaman kong isosoli niya ang GC. Nagpaawa pa ko ng mukha sa kanya. "Please?"
Lalo yatang nag-blush si Tray, saka siya napalunok. "O-okay. If you insist."
Ngumiti naman ako. "Good. Anyway, pasok na ko sa loob, ha? Mag-re-review pa kasi ako. Thank you talaga, Tray. I owe you one."
"Don't mention it, Bomi," halatang nahihiya pero masayang sabi naman ni Tray. "Good luck sa exam mo."
***
☻ TRAY
NAGHIKAB ako habang nakaupo sa hagdan kung saan kami nagkita ni Bomi almost three hours ago. Umuwi lang ako sa bahay kanina para umidlip saglit. Pagkatapos, naligo at nagbihis na ko (ng pinakabago kong Iron Man shirt at pants) at bumalik agad dito.
I will ask Bomi to have coffee with me.
Pero siyempre, hindi ko gagamitin 'yong GC na bigay niya sa'kin kanina. First gift niya 'yon sa'kin kaya ipapa-frame ko 'yon at idi-display sa kuwarto ko.
Seryoso.
I've liked Bomi for a long time now. Pero dahil likas akong introvert at mahiyain, nakuntento na kong tumingin lang sa kanya sa malayo. Alam kong maraming nanliligaw sa kanya at aware din akong wala akong pag-asa sa kanya kaya hindi na ko nag-a-attempt lumapit sa kanya. Takot kasi ako sa rejection.
But Bomi has been nice and patient to an awkward person like me. Mas lalo akong na-fall sa kanya dahil sa personality niya. Kaya this time, maglalakas-loob na kong maging close sa kanya. I promise myself.
Tumingin ako sa watch na suot ko. Nang makita kong 9AM na, tumayo ako at inayos ang nagusot kong polo. Susunduin ko si Bomi sa classroom at aayaing magkape. Sa bahay pa lang, pina-practice ko na ang line na sasabihin ko sa kanya mamaya.
Bomi, as a thank you gift for the GC you gave me, please have coffee with me.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong lumabas na ng classroom si Bomi (marami siyang kasabay lumabas pero nag-zoom in agad sa kanya ang paningin ko). Pagkatapos, ipinatong ko ang kamay ko sa dibdib para pakiramdaman ang nagwawala kong puso.
Calm down.
Humugot ako ng malalim na hininga at tatawagin na sana si Bomi. Pero natigilan ako nang may nakita akong matangkad at may hitsurang lalaki na lumapit sa kanya at tinapik siya sa balikat.
That's Gardner.
Kilala ko si Gardner dahil sikat siya sa buong university. Ex-GF din niya ang classmate ko. And according to the rumors, medyo playboy din siya.
Bakit niya sinundo si Bomi? Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize ako. They're probably going out.
Sobrang cute ni Bomi kaya hindi nakakagulat na ang isang tulad ni Gardner ang boyfriend niya. The guy looks so confident and strong– my total opposite. I'm awkward and shy and... I lost even before the fight begins.
Nalaglag ang mga balikat ko, saka ako tumalikod sa kina Bomi at Gardner bago pa nila ko makilala.
I should have known; an awkward person like me is a loser.
This is probably my first heartbreak.
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.