☻ TRAY
"IN FACT, I'm very much single."
Hanggang ngayon, nag-iinit pa rin ang mga pisngi ko dahil sa sinabi ni Bomi kanina. It made happy and hopeful. Mabilis akong nag-give up noon at ni hindi nga ako nag-effort na i-confirm kung totoo ang tsismis tungkol sa kanila ni Gardner dati. Kasi alam ko naman na kahit hindi totoo 'yon eh wala pa ring magbabago sa sitwasyon ko.
Pero ngayong nagkita kami kahit iniiwasan ko siya sa university at naramdaman ko ang kaunting interest niya sa'kin, bigla akong nabuhayan ng pag-asa.
"Kuya Tray, please allow me to court Trish."
"Huh?" nagtatakang tanong ko sa sinabi ni Patrick dahil sobra ang pag-i-space out ko. Mukhang napansin 'yon nina Trish (na nag-gi-grill ng beef at chicken barbecue) at Yuni (na nasa gitna ng pag-picture sa gimbap niya) kaya sabay silang napatingin sa'kin. "What?"
"Uhm, I want to court Trish," pag-uulit ni Patrick sa sinabi niya kanina. "Sinabi sa'kin ni Trish na papayagan niyo lang daw siyang mag-boyfriend kapag eighteen na siya. I'm willing to wait and while doing so, I intend to woo her the proper way. Gusto ko siyang ligawan sa bahay niyo, Kuya Tray."
Nawala kay Bomi ang isipan ko nang maalala kong pinilit ako ni Trish kagabi na i-meet ang "friend" daw niyang na-meet niya online. Apparently, her sister and this dude got closer while playing an online game every night. Dahil din sa game na 'yon ay gabi-gabing nag-uusap ang dalawa hanggang sa nag-decide daw silang mag-meet last week lang. Siyempre, kasama si Yuni at sa isang fast food chain lang ang meeting place para sa kaligtasan ng kapatid ko.
Anyway, that's how they developed feelings for each other.
"Mukha namang seryoso ka sa kapatid ko kaya wala akong nakikitang reason para hindi ka payagan," sagot ko sa sinabi ni Patrick kanina. Kung may lakas siya ng loob para humarap sa'kin at deretsang sabihin ang intensiyon niya sa kapatid ko, masasabi kong disenteng lalaki siya at walang masamang plano kay Trish. I can see it in his eyes, too. "Siguradong wala ring magiging problema sa parents ko kung sa bahay mo liligawan si Trish."
Plus, I can trust Bomi's friends.
Ang liit talaga ng mundo kasi 'yong manliligaw ng kapatid ko, kaibigan pala ng crush ko.
"Thank you, Kuya Tray!" nakangiti at halatang relieved na sabi ni Patrick.
Hindi nagsalita si Trish pero nakita ko sa mukha niya ang relief nang ngumiti siya. And I can also tell that my little sister is grateful to me.
"That's great," masayang komento naman ni Yuni, saka siya tumingin kina Trish at Patrick na nagtitinginan na. "Congrats, love birds."
Nawala sa kanila ang atensiyon ko nang makita kong tumayo na sa mesa nila sina Bomi at Gardner. Mukang paalis na sila. Nakaramdam ako ng pagpa-panic at bago ko pa maisip ang ginagawa ko, nakatayo na ko at naglalakad palayo ng mesa namin.
"Kuya?" pagtawag sa'kin ni Trish. "Where are you going?"
"Excuse me for a while," nagmamadaling sagot ko, saka ako naglakad-takbo para maabutan si Bomi na palabas na ng Korean restaurant. Sinayang ko na ang chance ko noon no'ng nagpa-intimidate ako sa tsismis na may boyfriend na raw si Bomi. I don't want to make the same mistake and this time, I'm sure that I'm ready to get closer to her. "Bomi!"
Huminto sina Bomi at Gardner sa paglalakad, saka sila sabay na humarap sa'kin. Of course, I'm a nervous wreck as my gaze focused on her. But Patrick's bravery inspired me to gather my courage to get closer to the girl I can't shake off my mind.
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.