EXTRA 5: Breakfast in Bed

1.4K 78 6
                                    

[Happy]

WHEN I woke up that morning, Gardner was already gone.

In-e-expect ko na 'yon pero medyo sad pa rin ako. Nang bumangon ako, na-realize ko na suot ko pala ang T-shirt niya kagabi. Well, hindi naman nakakapag-worry 'yon kasi may mga damit nman si Gardner sa condo ko.

I'm hungry.

Dahil mag-isa lang naman ako, tumayo ako at lumabas ng bedroom ko na oversize shirt lang ang suot. Dumeretso ako sa kitchen island para magtimpla ng coffee. Gusto ko ng fancy breakfast pero tinatamad akong magluto. Ayoko ring kumakain ng mag-isa.

Kaya habang nagko-coffee ako, tinawagan ko si Bomi. 9AM naman na at wala kaming pasok kaya alam kong hindi ko siya maiistorbo. Saka dahil BFF ko siya, sigurado akong hindi pa siya nagbe-breakfast. She lives alone, too, and she's really slow at cooking.

"Good morning, Bomi," masiglang bati ko sa kanya nang sumagot siya sa tawag ko. "Let me guess. Hindi ka pa nagbe-breakfast 'no?"

"I'm about to," natatawang sagot naman ni Bomi. "Dumating kasi si Tray, eh. Alam daw niya na napuyat ako kagabi sa research kaya dinalhan niya ko ng breakfast. Special service pa nga kasi dinala niya 'yon sa bed ko."

Hindi na ko nagulat kasi alam kong may extra keycard ng condo ni Bomi si Tray, kaya malayang nakakapasok ang lalaki sa condo ng BFF ko. Gano'n di naman ang setup namin ni Gardner.

Pero heto na naman ako, naiinggit. Ni minsan kasi, hindi pa ko dinalhan ni Gardner ng breakfast sa kama. Madalas din, ako pa ang nag-aaya na sabay kaming kumain.

"Why, Happy?" tanong ni Bomi mayamaya. "Gusto mo bang sabay tayong mag-breakfast? Then, come over. Maraming dinalang food si Tray, eh."

"Yeah," sagot naman ni Tray sa background. "You can bring Gardner, too, if you want."

"Nah, it's fine. Thank you na lang," nakangiting tanggi ko. "Anyway, I need to hang-up. Enjoy your breakfast."

Bago pa makakontra si Bomi, pinutol ko na ang tawag.

Argh, I feel awful.

Ewan ko ba naman kung bakit ngayon ko pa naalala 'yong isa sa mga conversation namin ni Gardner noong nililigawan pa lang niya ko...

"Gardner, I know that you don't really do relationships," nag-aalalang sabi ko. "But you asked me to be your girlfriend. Do you just want to get into my pants?"

"I'd lie if I say I don't think about that," sagot naman ni Gardner na gaya ng madalas ay walang emosyon ang mukha. "If you're okay with that, of course I'd want to sleep with you. Pero kung hindi naman, I don't mind."

"What does it mean?"

"It means I'm willing to practice abstinence for you, Happy."

"Why?"

"Because I seriously like you, duh."

At dahil marupok ako, bumigay din agad ako. Pero anong magagawa ko? Marupok ako, eh. Kapag nagmahal ako, todo-todo.

"Tama na nga 'yan," saway ko sa sarili ko habang marahang tinatapik-tapik ang mga pisngi ko. Pagkatapos, tumayo ako at dumeretso sa ref para tingnan kung may mailuluto ako. Natigilan ako sa pagbubukas niyon nang makita kong may iniwang note si Gardner. "This is rare."

Binasa ko naman agad ang sulat: "Happy, I left one of my credit cards in your wallet. Sorry, I don't know what you fancy for breakfast but use my card to buy it. Let's have dinner later. I'm just really busy right now."

At dahil marupok nga ako, bumigay naman agad ako.

Napangiti ako, magaang na ang loob. Iyong sulat lang na 'yon ang kinailangan ko para ma-realize ko na hindi ko dapat i-compare si Gardner sa ibang lalaki. His love is the kind of love that I need. Mas mahalaga naman ang "need" kesa sa "want," 'di ba?

Also, that letter reminded me of what Gardner used to tell me before.

"Don't be too clingy."

"We're together, but we're still different individuals."

"May sarili pa rin tayong buhay na hindi kailangan ng involvement ng isa't isa."

Yep, he's definitely reminding me of those things...

... right?

***

Meanwhile...

[Bomi]

"TRAY," pagtawag ko sa boyfriend ko habang magkatabi kami sa kama at kumakain ng dinala niyang iba't ibang klase ng bread. Meron din kaming tig-isang mug ng hot chocolate. He's been this sweet and thoughtful since day one.

Tumingin sa'kin si Tray. "Hmm?"

"This feels like we're on honeymoon."

Gaya ng inaasahan ko, namula agad ang mukha niya. "H-Honeymoon?"

"Yes," nakangiting sagot ko naman. "This is how imagine waking up in the morning after you take my virgini---"

"I NEED TO WASH THE DISHES!" halatang natatarantang sabi ni Tray, saka siya mabilis na tumayo at naglakad palabas ng bedroom. "Finish your breakfast, Bomi."

Natawa ako sa reaksyon niya. "Bebe boy, I was just teasing you!"

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon