7th Chapter: Closer [NEW]

5.1K 187 14
                                    


I WAS kicked out of the tent like I expected.

Natawa na lang ako kahit sinabi ni Tray na kailangan niyang mapag-isa para kumalma pagkatapos ng heavy makeout session namin na tumagal din ng half an hour. Alam ko naman kasi kung anong klaseng pagpapahinga ang gagawin niya.

"Good night, Tray," malambing na sabi ko sa kanya habang naka-squat ako sa labas ng nakasara nang tent.

"G-Good night, Bomi."

Natawa uli ako. Wala lang. Kilig na kilig lang ako dahil sa matagal at mahaba naming pag-ki-kiss kanina. Tatayo na sana ako para pumunta sa kuwarto ko pero natigilan ako nang nakita at narinig ko ang pag-vibrate ng phone niya sa ibabaw ng coffee table.

Kinuha ko ang phone niya para iabot sa kanya dahil baka mamaya, ang mommy niya ang tumatawag. Pero natigilan ako nang makita ko ang name at picture ng tumatawag sa caller ID.

YUNI.

Tumaas ang kilay ko. Bakit ba umeextra na naman sa picture 'tong "childhood friend" ng boyfriend ko?

Bumaba ang zipper ng tent at lumabas si Tray mula ro'n. Halatang may sasabihin siya pero natigilan siya nang makita niyang hawak ko ang phone niya.

"Here," nakangiting sabi ko kahit na hirap na hirap akong ngumiti. "May tumatawag sa'yo."

Kinuha niya mula sa'kin ang phone niya. "Thanks, Bomi."

"No problem," sagot ko, saka ako tumayo. "Good night again, Tray."

Ngumiti lang si Tray, saka siya bumalik na uli sa loob ng tent.

Hala, hindi man lang nag-explain kung bakit tumatawag sa kanya si Yuni!


***

ANG PETTY pero aaminin kong hindi ako nakatulog masyado kakaisip kung bakit tumawag si Yuni kagabi. Heto nga't nakatitig lang ako sa kisame at tamad na tamad pang bumangon. Siyempre, nag-o-overthink na naman ako.

Senior year ko sa SHS nang nakilala ko si Tray na college freshman naman. No'ng time na 'yon, madalas niyang kasama si Yuni no'ng sa St. Patrick pa rin nag-aaral ang babae. During that time, she was in Grade 10 that's why at first, I thought they were siblings.

They were really close then, literally.

Pero no'ng nag-senior high si Yuni, lumipat ito ng school dahil wala sa St. Patrick University ang strand na gusto niya.

It's not that I hate Yuni. Ako naman ang mahal ni Tray romantically, eh. Pero I will admit na kinakabahan ako sa kanya kasi alam kong abangers lang siya na mag-break kami ni Tray. In a way, I see her as a threat.

Natigilan lang ako sa pag-iisip ng mga nakakatakot na scenario nang makaamoy ako ng bacon. Mabilis akong bumangon, saka ako tumayo at lumabas ng kuwarto.

Pagdating ko sa kusina, naabutan ko si Tray na nagluluto ng breakfast. Katatapos niya lang magprito ng bacon. May nakahain na rin sa mesa na fried rice, sunny side up eggs, hotdogs, at spam. Meron ding toast break at nilabas pa niya ang bote ng jam at jar ng Nutella.

Aww, ang sweet.

"Sorry, nangialam na ko sa pantry mo without your permission kasi ayokong istorbohin ang tulog mo," gentle na paliwanag sa'kin ni Tray nang makita niya ko, saka niya ko binigyan ng nahihiyang ngiti. "Good morning, Bomi."

"Good morning, Tray," nakangiting bati ko sa kanya, saka ko siya niyakap mula sa likuran habang inaayos niya ang mga plato sa mesa. As usual, nag-freeze na naman siya. But eventually, nag-relax din siya. "Okay lang na nangialam ka sa pantry ko. Thank you sa pagluluto mo ng breakfast."

"No problem," sagot naman niya, saka niya marahang inalis ang mga braso ko sa baywang niya dahil humarap siya sa'kin. Pagkatapos, pinatong niya ang mga kamay niya sa mga balikat ko. "Bomi, half day lang ang class mo today, right?"

Mabilis akong tumango. "Rest day mo today, right? Aalis tayo?"

Napangiti siya na parang natuwa sa excitement ko. "Oo sana." Tumabingi ang ngiti niya at nang magsalita uli siya, halata na sa boses ang hesitation. "Kung papayag kang sumama sa'kin."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "What do you mean by that?"

"Yuni wants to see us," sagot ni Tray na ramdam kong kabado dahil humigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat ko. "Okay lang ba na makipagkita tayo sa kanya later?"

Uhm... wait.

 wait

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon