31st Chapter: Assurance

2K 98 5
                                    

GROGGY pa ko nang magising ako sa passenger seat ng kotse ni Tray. Hindi ko nga alam kung nananaginip ako o talagang puro bundok ang nakikita ko. Masakit ang ulo ko dahil sa hang-over pero mas matimbang ang confusion ko. "Where are we?" Nilingon ko si Tray na nagda-drive ng mga sandaling 'yon. "Baby boy? Sa'n mo ko dadalhin?"

"Good morning, baby girl," nakangiting bati sa'min ni Tray. Nag-park muna siya sa tapat ng isang establishment. Pagkatapos, tinanggal niya ang seatbelt niya para dumukwang at i-kiss ako sa lips. "We're in Batangas."

Napakurap-kurap ako. "Huh?"

Natawa siya ng mahina habang iiling-iling. "Bomi, ikaw ang nagsabi na gusto mo ng bulalo. Kaya nagpunta ako kaninang 4AM sa condo mo para sunduin ka? You don't remember?"

Napakurap-kurap lang uli ako habang inaalala ang mga nangyari kanina. Hanggang sa bumalik na nga sa isipan ko ang pagsundo niya sa'min no'ng madaling-araw. Hindi na ko naligo kanina at nagbihis na lang dahil nakaligo naman ako bago natulog kagabi. "I remember now." Kumalam ang sikmura ko kaya nag-init ang mga pisngi ko. "Gutom na ko, bebe boy."

"Alright," sabi niya, saka siya dumukwang para tanggalin ang seatbelt ko. "Meron na rin pala kong biniling aspirin at bottled water d'yan para sa hang-over mo."

Napangiti ako sa closeness namin ngayon kasi amoy na amoy ko ang boyfriend ko. I like his smell. Hindi ko tuloy napigilang yakapin siya at i-kiss sa leeg. Halatang nagulat siya kasi nag-freeze siya, pero nag-relax din eventually.

"Thank you, Tray," sincere na sabi ko. "Thank you kasi nag-drive ka ng ilang oras para lang sa cravings ko. Salamat din for taking care of me while I was wasted."

"You don't have to thank me for it, Bomi," bulong naman ni Tray. "I like taking care of you because you are my baby girl." Kumalas siya sa'min para halikan ako sa noo. "I love you."

"I love you, too."

"Uhm... Bomi, may question ako."

"What is it?"

"Ako lang naman ang boyfriend mo, 'di ba?"

Natawa ako sa tanong niya kahit hindi ko masyadong gets 'yon. Disoriented pa kasi ang thoughts ko ngayong kagigising ko lang at masakit pa ang ulo ko. Pero for sure, may nasabi akong katangahan no'ng lasing ako. "Tray, ikaw lang ang nag-iisa kong boyfriend."

Ngumiti lang si Tray pero napansin kong bigla rin siyang naging seryoso. "Bomi, about Yuni's confession yesterday..." Napakamot siya ng pisngi. "I didn't expect that. I swear, hindi ko alam na gano'n ang feelings niya for me."

Ah, naramdaman din pala niya na seryoso si Yuni sa confession nito kahapon at hindi lang 'yon para itaboy si Hendrick. "How do you feel, Tray?"

"Of course I'm a bit flattered," pag-amin niya. "But mostly, I feel sorry for her. Alam ko naman kasing alam na niya na ikaw lang ang mahal ko. I don't know how to face her now."

"'Wag mo na lang sanang ipakita na naaawa ka sa kanya kasi hindi niya 'yon kailangan," advice ko sa kanya sa maingat na boses. "Yuni is a strong girl. Nag-usap kami kagabi at relieved siya na wala na siyang itinatago sa'tin. Kahit hindi siya direktang nag-confess sa'yo, alam na niya ang magiging sagot mo. She doesn't need to hear it." Ipinatong ko ang kamay ko sa pisngi niya. "Still, I know that you can't act like nothing happened. Kaya kung makakagaang sa loob mo ang pagkausap sa kanya, ayos lang sa'min 'yon."

"Thank you, Bomi," nakangiting sabi niya. "You're the best girlfriend ever."

"Ako lang naman ang girlfriend mo," natatawang biro ko sa kanya. "'Di ba?"

And Tray laughed heartily. "You're my one and only girl, Bomi."

My Super Shy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon