I REALLY want to cuddle.
Paulit-ulit 'yon sa isipan ko na parang mantra habang nakahiga ako sa sofa at nakatingin kay Tray na pinupunasan ng basahan ng coffee table.
May lagnat kasi ako kaya after ng class niya, dinalaw niya ko sa condo ko para ipagluto ng soup. Katatapos niya lang akong pakainin at ngayon nga, nagliligpit na siya.
Tumigil si Tray sa pagpupunas ng mesa nang maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya. "Uhm, do you need anything, Bomi?" tanong niya sa mahinang boses, saka siya nag-iwas ng tingin. "Are you still hungry?"
Umiling ako, saka ko hinila ang comforter ko hanggang leeg. Nilalamig ako kasi ang lakas ng AC. Hindi ko naman mahinaan kasi alam kong madaling mainitan si Tray. Super rare niyang bumisita sa condo ko kaya ayokong sirain ang ambiance. "No, I'm not hungry. Gusto ko lang sabihin na hindi mo kailangang maghugas ng pinagkainan natin. Papunta naman na si Mommy dito, eh."
Conservative ang mommy ko kahit na boto naman siya kay Tray. Ayaw niyang nag-o-overnight ang boyfriend ko sa condo ko at mas lalong ayaw niya kapag ako ang nagpupunta sa condo ni Tray. Kaya no'ng nalaman ni Mommy na inaalagaan ako ng boyfie ko, nag-decide siyang dito matulog sa place ko. My mother is a high school principal, and since it's Friday, she decided to spend the weekend with me.
But to be honest, Mom doesn't have anything to be worried about. Sa one year na pag-de-date namin ni Tray, ito pa lang ang second time niya rito sa condo ko. And it's not like something "rated SPG" will happen.
"Nah, I'll wash the dishes," tanggi ni Tray sa offer kong huwag na siyang maghugas. "Ayokong madagdagan pa ang trabaho ni Tita Brenda pagdating niya."
Nag-pout ako. If you have time to wash the dishes, why don't we just cuddle?
Medyo kumunot ang noo ng boyfriend ko habang nakatingin sa'kin. "Bomi, you okay?"
Tumango ako. "I'm fine. Pakikuha na lang si Baby TJ sa room ko after mo maglinis sa kitchen."
"Alright," sagot niya, saka siya tumayo at dumeretso na sa kitchen.
Si Baby TJ ang medium-sized white teddy bear na regalo niya sa'kin last Valentine's Day. No'ng araw na 'yon, sinabi kong gusto kong may ka-cuddle. Kaya siguro binigyan niya ko ng teddy bear. Hindi niya siguro naisip na siya ang gusto kong kayakap.
But it's okay. Baby TJ is very cute. Siya ang first child namin ni Tray.
Nang tumagilid ako ng higa para mas maging comfortable ang higa ko, sakto namang bumalik na sa sala si Tray dala ang Baby TJ namin.
Umupo siya sa sahig, sa harap ko, saka niya pinatong ang teddy bear sa tapat ng mukha ko.
"Hey, I can't see your face," reklamo ko naman. "I want to– "
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang pagyakap ng braso niya sa baywang ko. Nakita at naramdaman ko ang isa naman niyang braso sa edge ng sofa, kaya siguro, nakayukyok ang mukha niya ro'n.
"As much as I love looking at your face, hindi ko kayang tumingin ng matagal sa'yo ng ganito kalapit. I'm embarrassed," bulong ni Tray. "Plus, your sweet scent is driving me crazy. For now, I'm hoping this will do."
Napangiti naman ako, saka ini-stretch ang isa kong braso para yakapin ang teddy bear. Naramdaman ko ang pagdikit ng ilong niya sa balat ko, saka niya dinikit ang pisngi niya sa braso ko. "Ang init ng cheek mo, Tray," natatawang komento ko. "Parang ikaw ang may lagnat sa'ting dalawa, ha?"
"My whole body is burning hot right now," parang nahihiyang pag-amin naman ni Tray. Pagkatapos, marahan niyang pinisil ang baywang ko. "Sorry."
Napangiti lang ako, saka ako pumikit. Understatement kung sasabihin kong masaya akong naintindihan ni Tray ang gusto ko kahit hindi ako nagsabi. Saka mas nakakakilig na siya ang nag-initiate na ganitong klase ng physical contact. Ayokong i-pressure siya o puwersahin na gumawa ng mga bagay na hindi pa niya napaghahandaan kaya sumasabay lang ako sa pace niya. And I have to say that even though the progress of our relationship is slow, I'm still loving every baby step we make together. "Thank you for taking care of me, Tray."
BINABASA MO ANG
My Super Shy Boyfriend
RomanceMy boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.