Chapter 1

141 9 0
                                    

Chapter1:The Start

Katherine's POV
"Mahal na mahal kita,pangako hindi kita iiwan",sabi ni Troy.

"Mahal na mahal din kita. Kaya lang. May mahal na akong iba. Patawad. Ngunit paalam",sabi ni Angela habang naglalakad palayo Kay Troy.

"Maaahaaaaall wag mo akong iiwan".

Ang huling katagang sinabi ni Troy. Bago tila lumisan na sa lugar kung saan iniwan siya ng taong mahal niya.

Ngunit...

Isang malaking batok ang ibinigay ko Kay Coby ng patayin niya ang TV.

"Ano bang problema mo ha?!Bakit mo pinatay ang TV?!Sira ulo ka ba?!Gusto mong paulanan kita ng Suntok na ala pacman?!HA!?",Sigaw ko sa katabi ko.

"Hahaha ang corny naman kasi ng pinapanood mo bes",sabi ni Coby.

Si Coby Anthony Barrameda nga pala ang best friend ko. Since Elementary hanggang ngayon na College na ako.

"Walang corny sa pinapanuood ko. Ang ganda kaya ng story",pagsimangot ko sabay tapon sakanya ng popcorn.

"Anong maganda diyan?",sabi niya sabay tapon ng popcorn saakin.

Hayst...

"Nagmamahalan sila!",paliwanag ko.

"Bes,makinig ka saaking gwapo at super cute mong bestfriend. Kung totoong nagmamahalan sila hindi Sana iniwan ni Angel si Troy",sabi niya with matching Dab.

"Pero-",hindi pa nga ako nagsasalita at agar na siyang sumingit.

"Tyaka duwag naman palan tong si Troy eh. Kung mahal niya talaga si Angel hindi niya ito papakawalan at ipaglalaban niya ito at hindi hahayaang maglakad papalayo sakanya. Gagawa siya ng paraan upang mapasakanya ang babaeng pinakamamahal niya",paliwanag nito.

Not Until NowWhere stories live. Discover now