Chapter 2

79 10 1
                                    

Chapter 2: Drunk

Katherine's POV
Kumatok ako sa pintuan ng resort nila Coby sa Q.C.

Agad naman itong binuksan ni Yaya Wendy. Na nag-aalala.

"Kath kath!",sigaw niya at agad naman niya akong niyakap.

"Manang,Ano po Ang nangyari?",sabi ko Kay Manang.

"Ma's mabuti po siguro Ma'am si Coby na lang Ang tanubgin niyo",sambit niya.

"Nasaan po ba siya?",tanong ko.

"Nasa may baybayin po. Puntahan niyo po siyang uminom. Kanina pa po kasi siyang inom ng inom. Eh Hindi naman po nakikinig saakin. Ranging sinasabi niya lang ay ang pangalan niyo",awsusss. Kung hindi lang Sana kami nasa seryosong sitwasyon siguradong kinikilig na ako. HAHAHA tawagin ba naman pangalan ko.

Tumango na lamang ako at dumiretso na sa baybayin. Paglabas ko sa lobby. Matatanaw mo Ang napakagandang baybayin at may iba't-ibang pool din. Tapos sa may bay nakatayo Ang isang infinity pool. Sa gitna din ng mga pool may bar and shakes or snack bar.

Si Coby Ang maghahandle nito kapag nakagraduate na kami.

Tumakbo ako sa baybayin. Ngunit Hindi ko siya makita. Ang tanging nakita ko doon Ang jacket ni Coby.

Pinulot ko ito. Siyempre nag-aalala ako. Pero siyempre sumingit ako ng kalandian HAHAHA. Inamoy ko yung jacket niya. Mabango pa din.

Nilingon ko Ang paligid. Ngunit Hindi ko siya makita. Nasaan na kaya siya?Ehhh hanuba naman...

"COBY!COBY!",tawag ko sa pangalan niya. Naglakad-lakad pa ako. Maya-maya nakita ko yung tsinelas niya.

Pinulot ko ito. Alam ko na kung nasaan si Coby.

Tumakbo ako sa may likod ng resort. Sa secret garden na para saamin lang ni Coby kami lang Ang nakakaalam nito.

Nakita ko siya doon. Nakababad Ang paa niya sa pool. Umiinom pa din siya.

Nilapitan ko siya at tinabihan.

Niyakap ko siya

"Bes?Anong nangyare?",tanong ko. Pagkatapos inalis ko na Ang pagkakayakap ko sakanya.

Tumingin siya saakin. Namumugto Ang kanyang mga Mata sa sobrang iyak.

"Ewan. Bullshit!",sabi niya sabay lagok sa alak.

"Tumigil ka na nga sa kaka-inom lasing ka na oh",sabi ko.

"Huh?Shino?Lashing?",sabi niya. Hindi daw...sus

"Halika na nga. Pasok na tayo sa loob. Pahinga ka na. Saka na natin pag-usapan yung nangyari",sabi ko.

Not Until NowWhere stories live. Discover now