Chapter 17

46 7 4
                                    

Chapter 17:The Night

Katherine's POV
Uwian na Ang iba ngunit kaming squad ng Boys and Girls at natura dahil may pabonding saamin si Miko.

Pinayagan naman kami ni Prof dahil sabado naman bukas at walang pasok. Tyaka si Miko naman may-ari ng resort kaya wala na man daw na problema sa safety namin.

Naghahanda na kaming girls para sa show mamaya. Manunuod kami ng pagtugtog nila ng Boys Squad mamaya para sa grand opening ng bagong bar dito.

Nakasuot ako ng white sweater at short na white. Naka- flat sandals din ako na puti

Kasalukuyan kaming nasa kwarto at hinihintay namin na tawagin kami ni Sam upang kumain.

Lumabas ako at pumunta sa baybayin,umupo ako sa buhangin.

Iniisip ko,Na Ang saya ko.

Pero paano kung yung ikinasasaya ko Ang magdudulot ng pinakamasakit at pinakamalungkot na pangyayari.

Maya-maya,umupo sa tabi ko si Coby.

"Ano ginagawa mo dito?",Tanong niya

"Naghihintay akong may dumaan na alien",sabi ko sakanya.

"Huh?Bakit ka pa maghihintay eh ikaw na mismo yung alien Hahaha",sabi nito.

"Gago,Malamang nakaupo. Bakit?Mukha ba akong nagtitinda dito?",sabi ko.

"Okayyy,tama na tayo ng pagiging pilosopo",sabi nito sabay ngiti.

Tumango ako,besides miss ko na talaga best friend ko kaya okay na tong may oras kami para mag-usap.

"Bakit ka nga nandito?",tanong niya.

"Gusto Kong magpahangin at makapag-isip isip",sabi ko.

"Ikaw?nag-iisip?wehh",biro nito

Tiningnan ko siya nag maigi ng may halong inis.

"Sorry na,nagiisip ka?tungkol saan?baka matulungan kita",sabi nito.

Huminga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Naramdaman Kong hinawakan niya Ang kamay ko. Tiningnan ko siya at nakangiti ito saakin na para bang sinasabi niya na mag-open up ako sakanya.

"Natatakot kasi ako",panimula ko.

"Takot?saan?",tanong nito.

"Natatakot akong magmahal",saad ko.

Tumingin ako dito at tiningnan niya ako na para bang gusto niyang ipahpatuloy ko lang Ang mga sinasabi ko.

"Natatakot akong magmahal kasi pakiramdam ko sasaktan lang ako,natatakot ako na baka yung taong ikasasaya ko yun pa yung mananakit saakin ng sobra,natatakot ako na baka yung taong pinasaya ako ay siya din pala Ang magdudulot ng sobrang lungkot,natatakot ako,takot na takot,Na baka hindi ako sapat,Na baka hindi ako worth it. Na baka ipagpalit ako,natatakot ako Coby",sabi ko. Sabay punas ng luha na hindi ko namalayang tumulo na pala.

Not Until NowWhere stories live. Discover now