2: Dyosa

123 2 5
                                    

Kali

“Huwag kang mag- alala, dude.” Si Heaven na tinapik- tapik pa ang balikat ko. “Hindi ka namin mami- miss, tingnan lang namin ‘yang mukha ni Rumi parang kasama ka na rin namin.”

What the hell! Naiinis na pinagpag ko ang kamay ng ulol na Langit na ‘to at lumapit sa kabilang upuan kung nasaan si Ten na nagbabasa ng makapal na aklat. Lalo pa akong nainis ng marining ang nangaasar niyang halakhak.

Matapos ng nangyari sa parking lot ay hindi na ako nakapag- concentrate pa sa klase ko. Kaya nga kailangan ko pang magkunwaring may sakit para makapag- cutting class ako! Ang ending, nandito ako ngayon sa quarter namin kasama ang hambog na Heaven Jeon na ‘to. Buti na lang ay naroon din sina Kross, Ten at Rumi. Kung nagkataong narito pa ang mga kupal na sina Lourd at Ceyx ay hindi ko na lang alam. Si Cloud naman ay may sparring pa sa taekwondo.

“I heard that Lucia’s brother is involved in the black market.” Ayuda pa ng magaling kong kakambal.

Hanep! Ang bait noh? Concerned na concerned sa akin. Kita na nga niyang humuhulas na ng kaunti, as in slight lang, ang kagwapuhan ko sa kaba ay ginatungan pa niya!

“Bakit ba alalang- alala ka d’yan?” Singit ulit ng epal na si Langit. “E, kung sakali libre na pagamot sa’yo kasi may hospital naman kayo.”

Sa inis ay ibinato ko kay Heaven ang nahagip ng kamay kong cushion. Sapul sa mukha. Buti nga!

“Kung ‘di ka pa tatahimik d’yan papadala na talaga kita sa langit.” I hissed in annoyance and he shot back by hitting me on the face with the cushion, too!

Bago ko pa maibato pabalik kay Heaven ang unan ay naagaw na ito na Ten sa akin ng ‘di man lang tumitingin sa direksyon ko.


Damn! Ayaw ko mang aminin pero ang cool talaga ng ungas na ‘to e. Mukha namang tamad pero bakit halos magpatayan ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya e hindi naman sila pinapansin?


“Hindi unan ang solusyon sa problema mo.” Anito na hindi pa rin iniaangat ang paningin sa aklat na binabasa. Nakakainis! Kailan pa naging cool ang pagiging nerd?


“Ano?” Curious kong tanong.


Tumingin naman si Ten sa akin. Seryosong- seryoso. Ito na ‘yun e! Mukhang may solusyon na siya sa problema ko. Ang cool talagang kaibigan nitong si Sampu!


“Utak.” Anas niya. Napanganga ako. Ano daw?


Tapos bigla pang humalakhak itong GG na Langit na ‘to!



“Kaso wala siya n’un!” Heaven exclaimed, laughing his heart out.


Ibinalik ni Ten ang tingin sa binabasa. “Patay tayo dyan.” Anito na mukha namang walang pakialam.


Walanjo! Pati itong sina Rumi at Kross ay napapangiti na rin, halatang pinipigilan ang pagtawa.


“Sige lang.” Inis kong sabi sa mga ito. “Mga wala kayong puso!”


“Mabuti na ‘yon kesa naman maraming puso gaya mo.” Si Heaven na naka- recover na sa pagtawa. “D’yan ka napapahamak e. Kung makapagpalit ka kasi ng girlfriend para ka lang nagpapalit ng damit.”


Aba! At nanermon na ang banal na Langit!


“Limang beses ‘yan magpalit ng damit sa isang araw.” Ayuda ni Rumi.


What the heck!


“Do you think the woman’s serious?” Asked Kross. Sa wakas ay may matino na din akong makakausap! Kaya itong si Kross ang paborito ko sa kanilang pito e.


Helix University 2: Kalidasa dela CuestaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon