10: Harana ng Makata🎤

76 2 0
                                        


Author's Note:

If you happened to pass by and read this story, please stand by and check out my other works. This is the second book of Helix University Series. The first book centers around the Helix U's Volleyball Court Asassin Kross Yuna Ibarra.

If you want stories with more matured themes, please read Men in Colors Series and Once Upon 1,2,3.

I also have a Science Fiction story entitled Twelve to Midnight. But if your interest is in supernatural, I hope Tres Dioses Caidos: Kiss the Blood will fit your liking.

A modern Cinderella story will be given by Rheico Ayumi Sunihara to you in the story Ang Sapatos ni Prince Charming.

Thanks😊

Kali

“Hindi ko kayo tinawag dito para lang kumain ng Boy Bawang at uminom ng C2.” I grouchily said while watching my damn friends munching their cornicks and drinking their C2. Nasa sa inyo na lang kung maniniwala kayong C2 nga ‘yon.

“Mahiya ka naman, Kalidasa.” Si L na nakahiga sa mahabang sofa habang ngumangata ng Boy Bawang na adobo flavor. “Boy Bawang na nga lang kaya mong ipameryenda nagrereklamo ka pa.”

“Damn! Ang tanga- tanga naman ng Nintendo na ‘to!” Pagrereklamo naman ni Heaven na nakasalampak sa kama ko at padabog na binagsak ang aking Nintendo Switch. Malamang ay natalo kaya’t umuusok na naman ang bumbunan. Nasa tabi nito si Rumi na naghihilik na naman.

“Hoy, Ulap! Maka- tanga ka naman sa Nintendo ko! Mas tanga ka dahil ikaw ‘tong naglalaro, 'langya mo!” Naiinis na sabi ko rito.

“And Ceyx goes for three!” Ceyx stated as he shoot my Haylee at the basketball ring beside my large floor- to- celing window much to my irritation.

“Hoy Si-yeks! Hindi bola ng basketball ang Haylee ko, hayop ka!”

At lalo pang sumakit ang ulo ko ng makita si Ten na itinatapon sa trash bin ang paborito kong babasahin.

“What the hell, Sampu! That’s my favorite book!” Reklamo ko dito, umuusok na ang ilong ko sa kunsumisyon dahil sa magagaling kong kaibigan.

Tumaas ang isang kilay niya. “A magazine?” He asked, mocking me.

At napa- face palm na lang ako ng makita si Cloud na hawak ang isa sa mga Transformer figure collections ko na si Bumble Bee na ngayon ay wala ng isang paa. Pakiramdam ko ay nasipsip na nilang lahat ang enerhiya ko.

“Kross,” Tawag ko sa kaisa- isang matinong kaibigan ko sa nanghihinang tinig habang minamasahe ang nananakit na sentido ko, “tell me why I invited all of you here again.”

“Dahil nabasted ka.” Tuloy- tuloy na sagot nito sa paraang sapul talaga ang kawawa kong puso. Minsan na nga lang managalog ay gano’n pa ang sasabihin!

At itong mga kaibigan kong pinaglihi sa magagaling ay may gana pang tumawa sa ‘di naman nakakatuwang joke ni Kross.

“Titigil kayo sa pagtawa o tatalon na ako sa bintana?” Banta ko pa pero ang mga linsyak mas tumawa pa ng malakas. Mga walang puso! Mga walang hiya!

“Dude, tigilan mo na kasi ‘yang mga galawan mong gasgas na.” Ani Panginoong L ng makarecover na mula sa pagtawa. “Nakailang girlfriend ka na pero manligaw lang hindi mo pa alam.” Sa huli ay pangangantyaw nito na ikinaasim ng mukha ko.

“Cassi is a tough girl.” Si Cloud. Awtomatiko kong pinukulan ito ng masamang tingin ng banggitin ang palayaw ng dyosa ko. “Flowers wouldn’t soften her.”

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon