To you who's reading this, THANK YOU. Salamat sa pagtyatyga ng ka-cornihan ni Kalidasa at bonggang pagpapakipot ni Cassidy. If it's not too much, please hit the star below and leave a comment. That would be so much appreciated. Thanks😊
🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁
Kali
“Kuya! Pwede po magpapicture?”
Napahinga ako ng malalim at napapikit sa frustration. That was probably the fourth or fifth time that some group of high school girls nagged me for a picture. Kanina ko pa rin nahahalata ang palihim na pagkuha nila ng pictures ko pero nagpapanggap lang akong ‘di ko napapansin iyon. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay matutuwa ako pero iba ngayon. Kaya nga ako pumunta dito para makaiwas sa stress pero bakit hanggang dito ay sinunsundan ako ng pressure? Alam kong gwapo ako pero nai- stress din ang mga gwapo!
Mabuti na lang ay nakatagilid ako sa kanila kaya may panahon pa akong magpaskil ng pekeng ngiti sa aking mga labi at pasimpleng inilabas sa bulsa ang cellphone ko. Nagkunwari akong sinagot iyon maski ‘di naman nagri- ring saka humarap sa kanila.
“Oo, babe.Promise, ‘di ako titingin sa ibang babae. Magpa- practice lang talaga ako ng kicks ko rito. Napakaselosa talaga ng misis ko. Uuwi na ako mamaya. I love you!”
“Girls, may asawa na si kuya!”
“Mission abort na dali!”
Ibinaba ko ang cellphone at nakangiting tumingin sa kanila.
“Ano ulit ‘yong sinasabi niyo kanina, girls?” Nagkukunwaring tanong ko sa mga ito.
“A… w- wala po, kuya. Ang gwapo mo po! Alis na po kami, bye!”
Nagmamadaling umalis ang mga dalagita na nagtutulakan pa.
“Sayang! Taken na talaga lahat ng gwapo!” Narinig ko pang sabi ng isa sa kanila.
Relieved akong bumuntong- hininga ng makaalis sila at ibinato ang cellphone ko sa bag kong nakalapag sa damuhan ng football field. Tamad kong tiningala ang tower ng Quezon City Memorial Circle. Papadilim na ang langit pero wala pa rin ang buwan o ni isa mang bituin. Ibinaba ko ang tingin sa bola kong si Haylee na katabi lamang ng bag ko sa damuhan. Pinulot ko iyon.
Marami ng kabataang nakatambay sa paligid ng dancing fountain. May mangilan- ngilan ding nagbabike at nagjo- jogging sa paligid ng circle. Sa ilalim naman ng mga puno ay maraming nagdi- date. Pero maigi na ‘to kaysa sa Luneta ako napadpad. Mas maraming nagdi- date doon at ayokong magmukhang single na bitter. Isa pa ay Friday ngayon, traffic sa Quiapo. Ayokong ma- stuck sa traffic habang nage- emote, nakakabakla.
Dang!
Pinatalbog ko si Haylee, ang soccer ball ko, saka sinimulang sipain. Sinundan ko ang paggulong niyon. Wala na akong pakialam sa bag kong naiwan. Ang mahalaga nasa bulsa ng jogger pants ko ang susi ng kotse ko. Do not leave your belongings unattended daw pero siya, hindi pa akin ay naaagaw na yata ng iba. Ang masakit, kaibigan ko pa!
I continued running around, dribbling and kicking my soccer ball. Nakita niya ako kanina pero mas ginusto niyang pagtaguan ako. Ni hindi man lang niya ako na- miss sa dalawang araw na ‘di ko pagpapakita sa kanya. E ano ba kasi ang aasahan ko ay mukhang hindi talaga niya ako gusto!
Napamura ako ng napalayo ang sipa ko sa bola at hindi ko iyon nahabol. Parang siya lang, mahirap na habulin.
Wala sa sariling pinanood ko ang paghinto ng paggulong ng bola. At ilang sandali pa’y isa- isa ng nag- uunahan ang patak ng ulan.
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Roman pour AdolescentsBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...
