18: Jollibee🐝

66 0 0
                                    



Cassi


✉️Yabang:
Dyosa ko, kain tayo sa labas, please?
Okay lang ba kung ako na magbabayad?
Please?🤗🙏



‘Di ko mapigilang mapangiti sa nabasang message ni Kalidasa lalo na sa emoji na ginamit niya. Yesterday’s lunch break didn’t sail smoothly but it ended up well and I must admit that I enjoyed his company. Naramdaman ko ang tensyon niya kahapon sa 7 Eleven at sa maikling sandali ay muli kong nakita ang Kalidasa na kapareho ng nasa QC Memorial Circle noon kaya labis ang relief ko ng kumalma din naman siya agad. Maybe, I was just starting to know him. Gaya nga ng sinabi ko noon ay marami pa siyang sides at hindi ako natatakot na makita lahat iyon.

✉️Cassi:
Jollibee near school.
Let’s meet after 15 minutes.
And please don’t forget to bring lower bills.


I pressed send and a smile automatically curved myl lips when SEEN immediately popped below my message to him. Pero agad ding nalukot ang mukha ko ng maramdaman ang makikirot na spasms sa lower abdomen ko. Just then, another message from him popped my screen.

✉️Yabang:
Sunduin na lang kita, please.😣🙏🙏



I immediately composed a reply.



✉️Cassi:
‘Wag na.
Be there in 15. Bye.



Muli kong naramdaman ang pagkirot pagtayo ko. First day ng Red day ko kaya napaka- uncomfortable ng nararamdaman ko idagdag pa ang dysmenorrhea ko. Hindi rin naman ako nmaka- attend ng training namin dahil sa sprain ko.

Dinahan- dahan ko ang paghakbang. Dadaan muna ako sa ladies room para magpalit. Ayaw kong magpasundo kay Kalidasa dahil hindi ako komportable sa sasakyan niya. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang upuan ang mamahaling upholstery ng luxury car niya lalo ngayong mayroon ako. Paano na lang kung mamantsyahan ko iyon? Baka kulang pa ang sweldo ko sa café para ipalinis iyon kung sakali.

Hinintay ko munang makaalis ang mga kasabay ko sa ladies room bago ko inilabas ang compact powder at lipgloss na binili ko sa Watsons kahapon. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ‘to pero nanood pa talaga ako ng make- up tutorial sa Youtube para malaman kung paano ia- apply ang mga binili ko sa mukha ko.

I pressed a small amount of powder on my face and applied a pink lip gloss on my lips. Sinipat ko ang repleksyon ko sa salamin at hindi ko malaman kung may nagbago ba sa itsura ko. Frustrated na inilabas ko ang hairbrush sa bag at sinuklay ang shoulder- length kong buhok. Hindi naman ako threatened o nagseselos pero hindi ako komportable sa atensyong nakukuha ni Kalidasa sa mga babae gaya ng nangyari kahapon. I was awakened from my trances by the notification sound of my phone. A small smile formed my lips as I read the message.



✉️Yabang:
Will wait for you at Jollibee.
Please take care.❤



Masiglang isinuksok ko ang cellphone sa bag at nagmamadaling lumabas ng ladies room upang magtungo sa Jollibee kahit pa tumitindi ang spasms ng lower abdomen ko.



*******



Kinagat ko ang ibabang labi upang mapigilang mapangiti nang makita si Kalidasa na nakasandal sa hood ng kotse niya na naka- park sa parking space ng Jollibee na nasa mismong harapan din lamang ng establisyemento. Napaka- outgoing nito sa suot na puting lose round neck t- shirt na may print na Alaska sa harapan. Nakasuksok ang harapang bahagi ng t- shirt nito sa suot na ripped jeans na ipinares sa puting old school sneakers.

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon