Special Extra 1

98 3 0
                                        

This happened during Kalidasa's courtship with Cassidy.

.......🌻

Kali

“Shit! Bakit ba walang signal dito?” Inis kong anas habang iniaangat ang hawak na cellphone para makahanap ng magandang reception. I knew right the moment that I sneaked bringing an extra phone that I had already bet my beautiful  life against death. Nasa isang training camp kami ng team para sa isang rigid training. And when I say rigid, I mean to say suicide.

Sa school pa lang kahapon bago umalis ang bus ay kinolekta na ni Captain Mino ang mga gadgets namin. Hinalungkat niya rin ang bawat bag para kumpiskahin ang mga pagkaing hindi kasama sa ‘diet’ ng team at iba pang bagay na makakaistorbo daw sa focus namin sa training. Pati magazine na dinala ni Kiko ay nakumpiska rin. And who would bring a magazine in a traning camp in the first place? Lahat tuloy kami ay nasigawan na naman pero dahil gwapo ako, syempre cool lang ako kahit pa nagawa kong manginig ng kaunti sa pagtatago ng isa ko pang cellphone sa secret pocket ng duffle na ipinasadya ko talaga kay tita Heleia, ang designer na mommy ni Heaven.

I need an extra phone, okay? Kung wala akong extra ay paano ko naman tatawagan o ite- text man lang ang dyosa ko? Paano na lang kung ma- miss niya ako ‘di ba? Hindi ko kakayaning isipin na nagungulila siya sa akin kasi sigurado akong ikawawasak ‘yon ng puso ko.

“Damn! What kind of place is this? Pati signal pinagdadamot! Paano na lang ang love life ko!” Yamot kong anas. Natapunan ko ng tingin ang isang puno na ni hindi ko alam ang pangalan na may mga mga sanga iyon na maaaring tungtungan para makaakyat. Kahit sobrang dilim ng gabi dahil new moon ay twenty- twenty naman ang vision ko kaya’t tiwala akong kaya kong akyatin ‘yon dahil kahit paano ay may naaaninag pa rin naman ako.

Syempre, kapag nagmahal ka, hindi ka lang magiging makata, magiging si Tarzan ka rin. Isinuksok ko sa bulsa ng suot na jogger pants ang iphone saka nagpakadalubhasa sa pagakyat ng puno. Gusto ko pa nga sanang sabayan ng kantang In The Name of Love kaso ayaw ko namang marinig ni Captain Mino ang pang-Tawag ng Tanghalan kong boses kaya pass na muna mga dude. Mahirap na, baka pasipain niya pa ako ng bola hanggang madaling araw. Nakakhiya naman sa handsome cells ko ‘di ba?

Kahit batak sa training, hindi naman ako sanay sa mga akyatan kaya medyo hiningal ako nang marating ko ang isang matabang sanga kung saan ako pwedeng maupo. Nagulat pa ako at muntik ng nahulog ng magulat sa isang insektong bigla na lang dumapo sa braso ko. Nandidiring pinitik ko iyon saka nagmamadaling inilabas ang cellphone sa bulsa ngunit nais ko na lang mapamura ng malakas ng makitang wala namang pinagbago sa signal no’n.

Paano na ‘yan? Baka hinihintay na ng dyosa ko ang text ko? Paano kung mapuyat siya sa kahihintay? Ayaw ko pa naman talagang nami- miss niya ako. Tsk!

I dialed Cassi’s number, hoping that my call would go through but I only hard the annoying recorded voice message from the telecommunications company. Darn it! Pati ba naman signal walang pakisama sa panliligaw ko?!

Cassidy, dyosa ko, don’t miss me yet. I’ll do everything so I could reach you out tonight.

Ininangat ko ang cellphone at umaasang makakatulong iyon makakuha ng signal ng makarinig ako ng mga paparating na yabag at bulungan.

Hoy Kiko! Bilisan mong maglakad hayop ka! Mamamatay na ako sa gutom!”

Jeez! I’m so sure that it’s Cairo!!

Ang ingay- ingay mo talagang Egypt ka! ‘Wag mong pahalata ‘yang pagiging patay- gutom mo!”

Sigurado akong si Brix iyon.

Malayo na ‘to sa camp. Pwede na dito.” Si Orix iyon na may dala- dalang kaserola. Shit! Kaserola? Tahimik ko silang pinanood. Si Brix ay may dala namang 6 liters na bote ng Wilkins. Huminto sila sa ilalim ng mismong punong kinaroroonan ko at naaninag ko ang paglapag nila ng isang lutuan. What the hell? Ano ‘yan? Plano ba nilang mag- bonfire?

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon