7: Virus

80 1 0
                                        

Kali


“I advise you to take a one- day complete bed rest. No physical activities. Avoid straining your muscles. Your nurse will check up on you after every four hours.” Mahabang habilin ni daddy sa akin na para bang nasa kritikal naman akong kondisyon.

“Dad!” I whined. “I wouldn’t ditch my practice tomorrow. Hindi mo kilala ‘yong senior ko, bubugahan ako ng apoy n’on!”

“I’m not your daddy right now, Mr. dela Cuesta. I am your doctor.” Matigas na sabi ni daddy. Lalong nalukot ang mukha ko ng marinig ko ang pagtawa ni Rumi na nakahilata sa mahabang sofa ng executive room ko dito sa hospital-hospital na pagmamay- ari ni daddy.

“Gusto mo bang ako naman ang bugahan ng mommy mo ng apoy?” Balik- tanong ni daddy sa akin. Frustrated akong napabuntong- hininga.

“Dad!” Isinipa ko ang isang paa sa frustration. “Nabugbog lang ‘tong muscles ko. Pain reliever lang katapat nito. I’m an athlete, remember? Mas matindi pa nga dito ang nakukuha ko ‘pag actual game ko ng soccer ‘di ba?”

Sasagot pa lang si daddy ng biglang bumukas ang pintuan at iluwa niyon ang napakagandang mommy ko na hindi pa man nakakalapit sa akin ay maluha- luha na. Balak pa yatang talunin si Kathryn Bernardo sap ag- acting pero alam kong genuine tears ‘yan. OA kasi minsan ‘yang si mommy.

Napabunsangot ako. Oo na, aaminin ko, madalas. Kaya nga tumigil na sa sebisyo ng maaga si daddy dahil sa kaiiyak daw ni mommy tuwing nadedestino si dad sa Mindanao. At lalo pang OA si mommy pagdating sa amin ni Rumi. Maselan kasi niya kaming ipinagbuntis, and she almost died when she delivered us so dad didn’t let her ger pregnant again. Ang ending ay bini- baby pa rin kami ni Rumi ngayon dahil kami lang daw ang foever babies niya.

“My god!” Sapo nito ang dibdib. “What happened to my baby Kali?” Anito habang palapit sa akin.

I groaned in frustration. Wala na talaga akong takas. Nginitian ko si mommy, nagbabakasakaling gumana ang charm ko sa kanya.

“Mom, talk to dad please. Sabihin mong uwi na tayo.” Sabi ko kay mommy kahit na alam kong naririnig naman ni daddy iyon.

Ngumiti din si mommy na para bang bata pa ang kausap. “Baby, ako ang may gustong i- confine ka.”

Laglag ang balikat ko. Tatlo kaming lalaki sa bahay, panay athletic pero hindi naman makapalag pagdating kay mommy. Simply because she is our queen. Hindi ko kayang saktan si mommy. Tama na ang makabasag ako ng mga vase niya. Pero ‘yong suwayin ang gusto niya, ‘yon ang ‘di ko kayang gawin.

“One night lang naman, anak e. Kapag lumala ‘yang strains sa muscle mo mas hindi ka makakapag- training.” Mahinahong paliwanag ni mommy.

Natigilan ako. May point si mom, well, lagi naman e.

“Okay na dito ang mga anak mo, honey.” Si daddy kay mom. “Si Rumi na ang magbabantay sa kakambal niya.”

“Wala ka ng duty?” Expectant ang ngiti ni mom kay dad. Gusto ko tuloy manginig.

“The house is all ours, honey.” Dad said huskily.

“Dad!” Sabay pa naming sabi ni Rumi na ikinahagikgik ni mommy. Tatawa- tawa lang si daddy, halatang inaasar kami ng kakambal ko.

“My Rumi, ikaw na bahala sa kakambal mo huh?” Bilin ni mommy sa magaling kong kakambal.

“Yes, mom. Itatali ko paa niya para ‘di makawala.” Sagot nito.

Kita niyo na? Ang galing talaga di ba!

Matapos kaming halikan ni mommy sa noo at ng mahabang bilinan ay naiwan kami ni Rumi sa kwarto. Ipinasadya talaga iyon ni daddy para sa amin kaya ang interior ay parang sa bahay lang. Rumi and I hate hospitals since we we’re a kid and it was so ironic that my dad owns a hospital. Si mommy naman ay isang anthrolopogist. Kung saan- saan ito nakararating para makahanap ng mga relics pero nag lie- low siya para alagaan kami nina daddy. Kaya nagpatayo na lang si daddy ng antique shop niya.

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon