Kali
“’Langya mo, Kalidasa!” Inis na inis na sita ni Heaven sa akin. “Pinagsayaw- sayaw mo kami doon ng parang tanga ni L tapos palpak ka din naman pala!”
Idiniin ko na lang ang bulak sa ilong ko na kanina lang ay nagdurugo at pinili ng ‘wag magsalita. Nakakapanghina mabasted aba! Itong si Panginoong L ay tawa lang ng tawa. Dang!
Nandito na naman ako sa clinic for the second time! Ngayon- ngayon lang talaga ako naipasok sa clinic na ‘to samantalang hindi ko ito pinapasok magka- injury man ako sa pagpapractice noon.
“Sinabi ko kasing kumain ka ng maraming nuts para maging sharp memorya mo e!” Tumatawa pa ring komento ni L.
“Hindi makakatulong ang nuts dahil matagal na siyang nuts.” Rumi remarked impassively and my button triggered.
“Guys! Malungkot ako ngayon. Can I have a moment of silence, please?” Inis na sabi ko sa mga ito at tumahimik naman sila. For five seconds. Tapos nag- ingay na naman. The heck!
“I think we should enroll you to Cloud’s Taekwondo class.” Maya- maya’y komento ni Ten at lalong nalukot ang mukha ko. “So you could defend yourself once she punched or kicked you again.”
“Bago ka pa sagutin no’n ay baka distorted na ‘yang ilong mo.” Nakahalukipkip na sabi ni Langit, sambakol pa rin ang mukha dahil hindi makaget over sa pagiinterpretative dance kanina.
Kung normal na araw lang siguro ay hindi ako papatalo dito pero pakiramdam ko ay drained na drained ako. Buti sana kung mukha lang ang masakit sa akin, ang matindi pati puso ko (my pathetic heart! Buti na lang ay wala pa itong si Ceyx dahil kinasal daw sila kanina ni Selene sa marriage booth at walang nakakaalam kung saan na sila nagsusuot. Si Cloud naman ay missing- in- action din dahil tinataguan ang artistang stalker niya at itong si Kross na tanging pag- asa ko ay wala din dahil may LQ sila ng bestfriend niyang si Nisha na kani- kanina lang ay nag- public confession pa sa Radio Broadcasting Room ng school.
“May ospital naman si daddy, ‘di magpapasurgery na lang ako.” Nakasimangot na sagot ko at narinig ko ang pagpalatak ni panginoong L.
“Parang mas gusto ko pa yatang nambababae ka kaysa ganyang nagpapabugbog ka, dude.” Sabi na nito, may halong humor.
“Imagine what happens when you became official,” Si Heaven iyon, inis pa ring nakahalukipkip na nakasandal sa isang poste roon, “Would she always resort to violence everytime both of you encounters a conflict? Hindi ka ba naaawa sa mukha mo? There are lots of fish in the ocean, Kali.” Seryosong anito at natigilan ako. Tinawag niya ako sa palayaw ko, ibig sabihin ay naguusok na ang bumbunan niyan.
Oo. Lagi kaming nagtatalo nitong si Langit pero hindi iyon umaabot sa puntong isinusuka na namin ang isa’t- isa. At sa nakikita kong ekspresyon ng sambakol na mukha niya ngayon ay alam kong hindi na ito natutuwa sa nangyayari sa akin. Kross is my favorite among the eight of us but if there is someone I call my best buddy to them, it’s Heaven.
Pero ano ngang magagawa ko kung tinamaan na ako ng pana ni Rumi? Bulls- eye- as in it hit me right exactly on the center! Kasalanan ko bang si Cassidy na lang ang nakikita ko sa lahat ng babae? Pati nga sa mga pagmumukha nila si Cassidy pa rin ang nakikita ko.
“Aanhin ko naman ng maraming fish kung siya naman ang ocean ko?” Sabi ko na ikinatahimik nila. Napakamot ako sa batok at naihilamos ang mga palad sa mukha. Desperate right? Well, desperate na talaga ako! Dalawang beses na akong nababasted ng iisang babae sa loob lang ng isang linggo!
“Had it ever occurred to you that the girl might not really like you?” Suddenly asked L.
“Dude! That’s below the belt!” I yelped.
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Novela JuvenilBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...
