Kali
“Ano? Tatawag na ba kami ng ambulansya?” Nagaasar na untag ni Heaven sa akin. Padapa akong nakahiga sa mahabang sofa sa quarter namin. Puno ng Salonpas ang likuran ko.
“Tch! Lumayas ka nga dito!” Binato ko siya ng unan. Tumawa lang ang hudas dahil hindi ito tinamaan.
“You get enough of women in dresses, eh?” Si Ceyx. “Doon ka naman ngayon sa babaeng mas maton pa sa’yo?” Natatawang anito.
“Black belter ‘yon, man.” L intercepted, playing with my Haylee. “E di ba orange belter ka lang?” Ngisi nito.
“Damn you, L! Stop toying with my baby!” I barked and the latter just laughed. Pasalamat siya at hindi ako makakilos, kung nagkataon ay pepektusan ko talaga ang dark lourd na ‘to!
“May baby ka na nga kasi mambababae ka pa.” Natatawang sabi ni L na yakap na ang bola ko.
“Mahilig naman kasi ‘yang mambola!” Si Heaven.
Nagtawanan ang tatlong kumag. Nakakapikon! Pero tuwing naaalala ko ‘yong nangyari kanina, ‘yong pagdidikit ng katawan namin ng dyosa ko ay may bumabangong parang kuryente sa katawan ko na hindi ko maipaliwanag. ‘Yon ba ang tinatawag na kilig? ‘Yong tipong gusto mong manuntok sa excitement?
“Lumulutang na naman ‘yong 2 grams na utak niya.” Heaven sneered stirring me up from my reverie.
“Nadagdagan na. 3 grams na ‘to, ulol!” Sinamaan ko siya ng tingin at humalakhak ang gago. Tuwang- tuwa sa sinabi ko.
Ganyan ‘yan e, hindi nakukumpleto ang araw ng ‘di ako binibwisit. Crush siguro ako niyan. Papansin e. Hindi ko nga maintindihan kung paano ko ‘yan naging kaibigan. Pero sa panahon ng pangangailangan, maaasahan naman ‘yang koreanong hilaw na ‘yan. Kung wala si Kross ay sa kanya ako lagi kumokopya sa Stat. Sa kanya din ako nagpapa- drawing ng mga project ko sa Visual Arts. Malamang na hindi ‘yan kukuha ng Architecture kung hindi marunong. Makati lang talaga dila niyan, hindi nakukumpleto araw ng hindi nakakapambwisit ng gwapo.
Maya- maya pa’y dumating si Kross sukbit ang bag ni Nisha na nasa likuran niya.
“Nandito na ang kambal sa uma!” Anunsyo ko sa kabila ng pananakit ng aking likuran. Nginitian lang ako ni Kross. Hindi ‘yan madaling mapikon. ‘Yan din ang pinakamabait sa amin… at pinaka- under(standing) sunod kay Ceyx.
“Shut up, Kalidasa!” Inis na sigaw ni Rumi mula sa isang sulok ng silid kung saan siya natutulog. Mantika naman kasi ang kakambal kong ‘yan. Kayang matulog kahit saan. Balang araw ay isasama niya sa special skills sa resume niya ang sleeping. Palibhasa antukin.
“Hey, Nisha.” Sabay- sabay na bati nina L, Heaven at Ceyx sa dalaga na ginantihan naman nito ng ngiti.
“Kumusta na, Nisha?” Pasigaw kong tanong, and I heard my twin groan in annoyance. Haha!
“He’s just in front you, Kali. You don’t have to raise your voice.” Nakakunot ang noo na sabi ng kaibigan kong inglisero. Kahit gaano pa kabait si Kross, madali ‘yang nagagalit pagdating kay Nisha. Overprotective. Ang sweet niya noh? Kaso torpe naman, hindi kayang magtapat na mahal niya ang bestfriend niya.
Honestly speaking, si Kross ang pangalawa sa pinakagwapo sa aming walong magkakaibigan. Sino ‘yong nauna? E ‘di syempre ako! Magtatanong kayo kung bakit hindi pangalawa si Rumi kasi magkamukha naman kami? Masungit kasi ‘yan, laging kunot ang noo kaya pumangit na ng 20%. Bale pangpito na lang siya sa pinakagwapo, si Heaven ang pangwalo!
“Naubusan ba ng tubig at naligo ka sa pintura?” Biro ko pa rito ng mapansing may mga mantsa ng pintura ang damit nito pati na ng mukha. Ngumiti lang ito sa akin.
Nisha Ara Leto, Kross’ bestfriend is a beauty. Maraming umaaligid- aligid diyan mula pa noong high school kami kaya gawain na namin ni Kross na manakot ng mga manliligaw nito noon. Lalo pa ngayon, alagang- alaga ba naman ni Kross. Kulang na lang ay igiban niya ng gatas na pampaligo si Nisha e. Halata namang mahal nila ang isa’t- isa, kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagpapabebe pa sila.
May inabot na t- shirt si Kross sa dalaga. Malamang ay na- bully na naman ito ng mga seniors nitong malaki ang pagkakagusto kay Kross. Nagtitimpi lang ang huli dahil ayaw niyang makita siya ni Nisha na beastmode.
“We’ll have a practice game at 3 with St. Anthony.” Sabi ni Kross na naupo sa sofa na kaharap ko. Si Nisha ay nasa shower room na namin at naliligo.
“St. Anthony?” I snorted. “Panis naman ‘yung mga ‘yon e.”
“They have a new player.” Anito, ayaw paawat sa pagi- ingles.
“Ikaw pa ba?” Ceyx breaks in. “As long as Nisha is there, I’m sure that you’d win.”
“’Yun o!” L cheered. “Basta nandyan si Nisha, wala pa ring tatalo sa Alaska.” Kinanta nito ang huling linya. Hunghang talaga e. Ito namang si Kross ay napangiti lang. Santo yata kasi siya noong past life niya kaya hindi napipikon.
Tumingin si Kross sa direksyon ng banyo kapagkuwa’y sa akin at biglang napakunot ang noo.
“I can see that you got yourself into trouble again.” Puna niya.
“A real big trouble, man.” Heaven said, holding a bowl of pop corn. Pambihira. Akin ‘yon a! Gusto kong magreklamo pero biglang sumiksik sa utak ko ang dyosa ko kaya parang na- detoxify ang sistema ko.
Those eyes. Damn! Ngayon lang ako pisikal na nasaktan dahil sa isang babae. Maski nga mommy ko ay hindi pa ako napagbubuhatan ng kamay, pero ang babaeng iyon, kakaiba. Dapat ay mainis na ako sa kanya ngayon dahil sa ginawa niya pero hindi talaga. Shit! Hindi ko muna lalabhan ‘tong jacket ko na nahawakan niya!
Bumangon ako at umayos ng pagkakaupo. Salamat sa Salonpas at bahagyang naibsan ang pananakit ng likod ko. Naupo si Heaven sa tabi ko at agad akong nangupit ng popcorn ko na ninakaw niya.
“Minsan kinakabahan na ‘ko sa taong ‘to e.” Si Heaven. “Mukhang luma na ang baterya.” Komento nito pero walang epekto sa akin iyon. Yakap ko ba naman ‘yong jacket na hinawakan ng dyosa ko kanina.
“Overhauling na kailangan niyan.” Came Lourd’s rant. “Look at him sniffing his jacket. Geez, he’s giving me goosebumps.”
“Noong nagsaboy kasi ang kalangitan ng utak, sa kanilang dalawa si Rumi lang ang gising.” Si Ceyx.
“Langya niyo, 3 idiots! Mga insecure!” I barked at them and I heard Kross laugh. Nagtawanan lang din ang tatlong kumag na tila ba aliw na aliw pa sa akin. Mga baliw. Niyakap kong muli ang jacket ko, stress reliever.
“Dude, stop doing that. You’re scaring us.” ‘Di na mapigilang sita ni Ceyx.
“Dude, iba na ‘to e. Tinamaan na talaga ako.” Seryosong sabi ko.
“Matagal ka ng may tama, ulol.” Si Heaven. Itong si Panginoong L naman tagatawa. Sarap kalampagin.
“Seryoso ako, dude.” I said seriously. “Iba siya e. She’s the one.”
Natahimik silang lahat at napatingin sa akin.
“Seryoso na talaga ‘yan, men. Ngayon lang ‘yan nagsabi ng ganyan.” Si Heaven.
“Liligawan mo? Marunong ka ba n’on?” Tanong ni L sa akin.
Nginisian ko ito. “Wala kayong bilib sa akin, e. Watch and learn.” Kampante ko pang saad.
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Teen FictionBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...
