Kali
“Nalawayan ko na ‘yan, ininuman mo pa! ‘Langya mo talaga, makata!” Inis na pagrereklamo ni L ng agawin ko ang iniinom niyang tubig. Pasalampak akong naupo sa pangtatluhang sofa sa quarter at humihingal na sumandal doon.
“’Di pa ba tapos ang death march?” Tanong sa akin ni Heaven na ibinato sa akin ang isa pang bote ng malamig na tubig. Binuksan ko iyon at inilang lagukan lang.
“Saludo talaga ako sa Captain ng Soccer team.” Natatawang komento ni Ceyx na ikinasamid ko.
“Ang sabihin mo, saludo ka sa kanya dahil malapit niya na akong mapatay!” Inis na sabi ko rito na muli lamang nitong ikinatawa. Katatapos ko lamang tumakbo ng sampung kilometro paikot sa oval. At dahil nga mabait ang Captain ko, pinagpahinga naman niya ako ng labinlimang minuto bago pinasipa ng dalawang daang bola! Parusa ko daw iyon sa pagtakas sa training namin kahapon. One week mula ngayon ang intercollegiate competition kaya’t puspusan ang training ng team. Pero alangan namang unahin ko pang sumipa ng bola kaysa dalhin sa ospital ang girlfriend ko?
Ang dyosa ko! Naaalala ko pa lang siya ay pawi na agad ang pagod ko.
“Nasaan sina Ten at Cloud?” Tanong ko sa tatlong ugok ng mapansing wala ang dalawang pinaglihi sa silent mode. Sigurado naman kasi akong si Kross ay kasama ni Nisha at itong si Rumi ay malamang na kinukulit ng bago nitong manliligaw.
“Nararamdaman kong malapit na ring magka- lovelife ang dalawang iyon.” Si Ceyx.
“Oo nga. Para si dark Lourd na lang ang mapait dito.”Pangaasar ko kay L na agad akong sinamaan ng tingin. The asshole must have woken up on the wrong side of the bed. Lately ay madalas itong sumpungin at madalas rin naming nahuhuling nakatulala. And I’m more than sure that the reason was more than him screwing his last match against a competing school.
A lightbulb suddenly flashed my genius brain. I fished out my phone from my practice uniform and opened Spotify. I quickly typed the title of the song and flashed it forward. Soon, the chorus was playing in no time.
🎶Bakit mahal pa rin kita?
Bakit ba lagi mong nasasaktan ang
puso ko?
Bakit mahal pa rin kita?
Kahit pareho tayong mayro’n ng iba?🎶
I swear I could laugh my ass off with L’s priceless expression! Sinasabi ko na nga ba, babae ang dahilan ng pagsusungit ng loko. At hindi lang basta- basta babae, I swear with my handsome face that it has something to do with his ex girlfriend Heleina!
It’s not that I’m rubbing salt to my friend’s wound but hell, I want him to open up and put his moods back to normal! Sinabayan ko ang humuhugot na kanta ni Erik Santos.
🎶‘Di ko maamin na nasasaktan pa rin ako
Ayokong malaman mong nagkukunwari lamang sa’yo
Hindi ko mapigilan ang aking damdamin
Bakit mahal pa rin kita?🎶
“’Lul!” Inis na sinipa ako ni L. “Maiiyak na sana ako kung hindi mo sinabayan, hayop ka!”
“Hell, dude! Saang sulok ng extinct na braincells mo nakuha ‘yang tapang mong kumanta? You sounded like a gay stork!” Ceyx irritably rubbed his ears. Aba! Hiyang- hiya naman ako sa ganda ng boses ng isang ‘to?!
“’Di ka na nahiya ‘langya mo!” Inis na binato ako ng throw pillow ni Langit. Bwisit na ‘to!
“Pakialam niyo! ‘Di kumanta rin kayo, mga insecure!” I remarked.
“Saya mo a? Suminghot ka ng rugby noh?” L retorted with raised brow and stoic expression.
“Inggit ka? Gusto mo share tayo?”Nakangising tanong ko sa kanya na lalong kinapikon ng loko. He grouchily tsked and threw me an empty water bottle. Mga gag*ng ‘to! Mukha ba akong bunga ng puno at kanina pa ako binabato?!
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Novela JuvenilBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...
