This chapter is dedicated to all who had added Kali's story to their library. Maraming salamat po! Kung hindi po kalabisan ay paki-hit naman po ang star sa ibaba. Malaking bagay rin po sa akin ang comments niyo. Thanks😊
********
Kali
"Lodi ka, dude! Petmalu ka, 'langya mong hayop ka!"
Napapalatak na lang ako sa sunod- sunod na pang- aasar ni Panginoong L. Bahagya kong idiniin ang cold compress likod ng ulo ko upang maagapang magkabukol. Sa sobrang overwhelmed ko kanina ay napasama ang bagsak ko. Pero magkabukol man, sulit pa rin. Damn! Kami na ng dyosa ko!
Hindi ko na lang pinansin ang halakhakan ng mga hunghang kong kaibigan. Tumawa sila hanggang gusto nila, basta ako masaya dahil official na kami ng dyosa ko!
"Lakas mong mang- asar kay Kross noong nagtapat siya kay Nisha, sumunod ka naman pala sa yapak niya, dude!" Panggagatong pa nitong magaling na si Ceyx.
"Ang bakla mo, Kali. Kadiri ka!" Palatak pa ng bwisit na Langit.
"Ang dami niyong sinasabi. Umuwi na nga kayo, mga hayop!" Pagtataboy ko sa 3 idiots pero tinawanan lamang ako ng mga ito.
Dahil gamit ng dyosa ko ang private room ko dito sa hospital ay nandito kami sa isa sa mga executive suite na nasa kaparehong floor kung nasaan ang girlfriend ko.
Girlfriend! Ang sarap pala sa pakiramdam kapag pinaghirapan.
"Sana naman ay magtino ka na." Komento ni Cloud kaya agad na nagbago ang timpla ng mukha ko.
"Huwag mo ng gagamitin ang dyosa ko para pagselosin 'yong future girlfriend mo. Makakatikim ka na talaga sa akin." Pagbabanta ko rito na nginisian lang ng loko. Bwisit!
" Ipagdarasal kong maging mapayapa 'yang buhay pag- ibig mo." Biglang singit ni Ten.
"Tirikan mo na din ng kandila, Ten!" Pahabol pa ni L sabay halakhak. Nakitawa na rin ang iba. Mga ungas!
"I'm happy for you, Kali." Tapik ni Kross sa balikat ko. Salamat naman at may natitira pa akong matinong kaibigan.
"Thanks, dude!" Masayang sagot ko rito. "Pero mas magiging masaya ako kung babawasan mo na 'yang pagi- ingles mo. Lodi ka, nakaka- nose bleed ka na!" Biro ko na ikinatawa lamang nito.
"Saan ang first date?" Tanong ng usyoserang si L.
"I'm thinking about Top of the Citi or La Cocina De Tita Moning pero mas matutuwa ako kung mapapa- reserved ko ang Holly Flavour." I wiggled my brows to Kross sending him a hint to help me ask his sister Ate Holly to give me a reservation to her exclusive fine- dining restaurant in Makati.
"Sure." Mabilis na sagot ni Kross na halos ikatalon ko sa tuwa ngunit agad na nalaglag ang mga balikat ko sa sunod niyang sinabi, "But they got it fully reserved this month. Sa susunod na buwan pwede."
Inis na napabuga ako ng hangin ng magsimula na namang magtawanan ang 3 idiots.
"Cassi isn't comfortable with fine dining." Cloud remarked while nonchalantly flipping the pages of the magazine he was holding. I threw him a deadly glare.
"Alam ko!" 'Di papatalong sabi ko. "Kumain na kami minsan sa Jollibee."
"Does it matter kung saan kayo kakain?" Tanong ni Rumi habang patamad na nakahilata sa kamang dapat ako ang nakahiga. "Ang mahalaga magkasama kayong kakain."
❄❄❄❄❄❄❄❄
Cassi
"Hoy, babaita! Anong nangyari kahapon?" Pagsalubong sa akin ni Lia sabay hampas sa balikat ko. "Pinuntahan ka namin sa Café Uno pero sabi ng gwapong manager mo nagpaalam ka daw na 'di ka muna makakapag- duty!"
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Novela JuvenilBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...
