20: Tissue

61 2 0
                                        


Warning: This isn't edited yet. Please bear with the mispelled words and shortcomings in grammar. Thank you.

...🌹🌹🌹...

Have you ever loved a rose,
and watched her slowly bloom;
and as her petals would unfold,
you grew drunk on her perfume.

-Lang Leav

...🌹🌹🌹...


Cassi


Matapos ubusin ang French fries na isinawsaw sa sundae ay nagmamadali ring umalis si Khami dahil mali- late na daw ito sa klase niya. I enjoyed her company. Maingay siya pero natutuwa ako sa pagiging outspoken niya. Kahit na jolog siya sa pananalita at pagkilos ay hindi naman sa paraang nakakairita. I just wished her success towards Rumi’s elusive heart.

And speaking of which, I should go talk to Kalidasa. And perhaps, this time, I should be the one to apologize for not hearing him and jumping to conclusion. Somehow ay gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, I’m new to this kind of relationship and I also have trust issues but it shouldn’t be an excuse for me to judge him right away without hearing his side.

That’s it, Cassi. Learn to put down your pride.

Tatayo na ako ng makaramdam muli ng discomfort hatid ng makirot na paghilab ng lower abdomen ko. Nasapo ko ang puson at napapikit sa kirot. I hurriedly rummaged my bag and looked for my pain reliever only to remember that I left it in my locker! At nanlaki ang mga mata ko ng wala akong makitang extra pad sa hygiene bag ko. Just when I felt something squishy down there and I instantly knew that I’m doomed.

Bahagya kong iniangat ang pang- upo at sinilip ang kinauupuan ng muling mapapikit sa sobrang frustration. I just stained the seat and I have no extra pad and undies with me! Muli kong inilapat ang pang- upo sa upuan bagaman hindi ko na iniipon doon ang buo kong bigat sa takot na bumaha na doon ng dugo!

I dialed my phone trying to connect with Abi but it just kept on ringing. Ganoon din ang kay Lia. Malamang ay nasa klase pa rin ang mga ito kaya hindi sumasagot. Mangiyak- ngiyak na ipinatong ko ang mga siko sa mesa at tinakpan ang namumulang mukha gamit ang aking mga palad. Anong gagawin ko? I’m wearing a blue jeans kaya malamang na halatang- halata ang mansta ng dugo sa likuran ko. Wala rin akong dalang jacket o cardigan man lang para sana pantakip! I can’t go out this eating establishment with shameless stains of freakin’ blood behind me! Muli akong inatake ng menstrual cramps at nakadagdag pa iyon sa frustrations ko kaya’t hindi ko na napigilang mapaluha.

Damn hormones!

“Ma’am, okay lang po kayo?”

Gulat na iniangat ko ang tingin sa nagsalita at ang nagaalalang mukha ng isang lalaking service crew ang sumalubong sa akin. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha sa aking mga mata at pilit na ngumiti.

“O- Opo. Salamat.”

Magalang na umalis ang service crew bagaman halatang hindi naman kumbinsido. Natatarantang palingon- lingon ako sa labas habang nagiisip ng gagawin nang mag- ring ang cellphone ko at nag- flash sa screen ang numero ni Mama. I shakily swiped the answer button.

“Ma?”

Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!” Mataas at galit ang tinig na bungad sa kanya ng ina mula sa kabilang linya. “Bakit nandito na naman ang makulit na doctor na ‘to? I told you that I’m not crazy, Cassidy! Depressed ako pero hindi ako nababaliw!”

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon