Thank you po sa mga nagbabasa. Hope you'll stay all throughout Helix U's journey.
❤❤❤
Cassi
"KALI!"
Nabitin sa ere ang pagsubo ko ng pansit ng marinig ang nakaiiritang boses ng babaeng parating-Leila. Pinanindigan na nito ang pagiging modelo sa suot na pulang sleeveless blouse na nakapaloob ang laylayan sa isang asymmetry grid flap skirt. Paano niya kaya nailalakad 'yang mukhang barko nitong sandals? Mukhang barko kasi ang kapal na nga ng takong e ang taas-taas pa.
Iniiwas ko na lang ang tingin at lihim na napaismid sabay subo ng pansit nang tuluyan siyang makalapit sa amin ni Kalidasa. Nandito kami sa school cafeteria at sumaglit si Kali mula sa practice para samahan akong magmeryenda.
"Leila." Kalidasa acknowledged briefly then put an egg sandwich on my plate. Napangiti ako at pinulot iyon sa plato ko upang kumagat. Grabe, wala ng mas sasarap pa sa kumpletong meryenda. Muli akong sumubo ng pansit at napatikwas talaga ang kilay ko nang mapatingin ako kay Leila na nakaawang ang labi habang nakatayo sa harapan namin ni Kali at nakatingin sa mga pagkaing nasa mesa. Bukod kasi sa kinakain kong pansit at egg sandwich ay binilhan din ako ni Kali ng fruit salad, minatamis na saging at extra large na watermelon juice.
"Kain tayo." Yaya ko sa kanya at lalo pa siyang napangiwi dahil may laman pa ang bibig ko ng magsalita. Tss! Ang arte- arte! Kinuha ko ang watermelon juice ko at sumimsim doon. Nakakasira ng appetite ang babaeng 'to.
"Uhm, Kali, ipinasa na sa akin 'yong mga pictures sa photoshoot ko last week para sa endorsement ko ng make- up." Pasimple pa ako nitong tiningnan bago naupo sa upuang katapat ni Kali. Inilabas nito mula sa louis Vuitton handbag ang latest model ng iphone, nag- scroll sandali saka nakangiting iniabot iyon kay Kali. Itinigil naman niya ang pagkain ng pansit at kinuha ang iniaabot na cellphone nito.
Pinili ko na lang na ipagpatuloy ang pagkain habang ini- scroll ni Kali ang mga pictures sa cellphone.
"Maganda ba?" Expectant na tanong ni Leila, halata sa ngiti na gustong mapuri. Pasimple kong nilingon si Kalidasa, tumango- tango ito at nakangiting ibinalik kay Leila ang phone.
"Maganda." Nakangiting sagot niya na ikinalawak pa lalo ng ngiti ng babae. Lihim akong napaismid. 'Di siya na'ng maganda.Pero ang hindi ko inaasahan ay nang ipakita sa akin ni Leila ang isa sa mga pictures niya.
"Cassi, maganda ba?" Nakangiting tanong nito sa akin at sandali akong natigilan. She was wearing a white flowing dress in the picture, nakalugay ang mahaba at alon- along buhok nito at wala man akong alam sa make up ay napakaganda talaga ng pagkaka- apply ng make up sa mukha nito. Parang natural lang. Tuloy ay napipilitan akong tumango. Tila super satisfied itong napangisi. Kailangan niya pa bang ipamukha sa aking maganda siya?
"Kali, may simple akong party mamayang gabi sa house. Punta kayo ni Rumi, please." Paglalambing na anito kay Kalidasa.
"Sorry but I'm sure that Rumi won't come." Sagot ni Kalidasa.
"'Di ikaw na lang ang pumunta," tila mas natuwa pang sabi nito, "May mga friends akong darating galing Japan. Akala kasi nila boyfriend kita."
Sa narinig ay sumabit sa lalamunan ko ang pansit na kinakain dahilan upang mapaubo ako. Mabilis namang inabot ni Kalidasa ang watermelon juice sa akin saka banayad na hinagod ang likuran ko.
"Leila, I'm sorry but it's inappropriate to talk about things like that in front my girlfriend." Mahinahon ngunit may halong sermon wika niya sa kinakapatid. Inabutan niya ako ng tissue, inabot ko naman iyon upang punasa ang labi ko.
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
JugendliteraturBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...
