Welcome to the beautiful province of Isabela!
🔹🔹🔹🔸
Kali
It was the second day of the excursion and I just went out of the Andrea Hotel where I am staying together with the school faculty and medical team. Actually ay doon din nakacheck- in sina Lourd at Heleinna pero syempre ay sa magkahiwalay na rooms. From what I heard, two of the buses had gone to Santiago City and one of the buses went to Ilagan City. So dalawang bus ang naiwan dito sa Cauayan City at swerteng dito ako na- assign kasama ng dyosa ko.
My task wasn’t really stressing. What I’m really stressed about is that I haven’t seen my girlfriend for 24 damn hours! Akala ko pa naman ay hindi ako mahihiwalay sa kanya sa pagsama ko ng excursion na ‘to pero matapos naming maghiwa- hiwalay kahapon dahil sa ibang hotel sila naka- check in ay hindi na kami nagkita pa ulit. Gustong- gusto ko na siyang puntahan sa Casa Rosa Bed and Breakfast kung saan siya nakacheck- in kasama ng mga kaibigan niya pero syempre ay ingat na ingat ako sa mga galaw ko. Ayaw kong mapagtsismisan siya dahil lang sa atat akong makita siya.
I was on my way to the bakery shop beside the hotel when I received a text from my dyosa. Shit! Kulang na lang ay magtatalon ako sa tuwa ng mabasa ko ang message niya. Free time na daw niya at tinatanong niya kung gusto kong mamasyal. Alas- singko pa lang ng hapon. Ilang oras ko rin siyang makakasama dahil alas- otso ang curfew namin. I was still typing my reply when another message from her arrived telling me that she’s already in SM and she’s going to wait for me at Jollibee. I immediately typed a reply saying that I’ll be there and to take care. Mahirap na lalo’t hindi naman naming kabisado ang lugar na ‘to.
But what I noticed about this city was that the hospitable people. They always smile and I can say that they are really happy people. Kaya nga hindi na ako nagdalawang isip na magtanong ng makita ang grupo ng mga estudyanteng daraan sa kinatatayuan ko. Hindi naman na ako nahirapang kunin ang atensyon nila dahil nakatingin na sila sa akin. They are a group of four female students whom I think is in high school based from their uniform.
“Uhm, miss…” Pagtawag ko ng atensyon ng isa sa mga ito at napatigalgal na lang ako ng magsimulang maghagikgikan ang mga ito at tila ba’y hindi mapakali habang tinutulak- tulak ang babaeng tinawag ko.
“A- Ako po, kuya?” Tila nahihiya at natataranta pang tanong ng babae. Tumango ako at ngumiti. Halos alugin naman ng mga kasamahan ito na sinabayan pa ng impit na pagtili. Ang isa sa kanila’y naglabas na ng cellphone at nagkukunwaring nagte- text pero ang phone ay nakatapat naman sa akin. Alam ko na ang mga modus na ganyan.
I cleared my throat and smiled again, “Saan ang SM dito?”
“Pupunta ka doon, kuya? Pupunta din kami doon. Sabay ka na sa amin?” One of the girls beamed at me and I groaned inwardly. Ang pinakainiiwasan ko ngayon ay makita ako ni Cassidy na may kasamang ibang babae kahit sabihin pang high school lang sila.
Alanganin akong napangiti at napakamot sa sentido gamit ang hintuturo, “Ano bang sasakyan papunta doon?” I asked, dismissing their offer.
“Dayo ka po?” Tanong pa ng isang babae at tumango lamang ako, “tricycle lang po ang sasakyan. Sabay ka na sa amin.” Yakag pa nito.
“Hindi,” Mabilis kong pagtanggi, “M- May hinihintay pa kasi ako.” And as if on cue, I heard someone calling my name and my shoulders sag in frustration.
“Kali, where are you going?” Tanong sa akin ni Clarisse na kasama ko sa medical team. Siya ang pinakakilala ko sa mga kasama ko sa team dahil classmate ko ito sa isa sa mga subjects sa school.

BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Roman pour AdolescentsBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...