Cassi
Huling araw ng community service namin ni Kalidasa sa library. This time we were in charged of of doing an inventory on the History section. Malapit ng magsara ang library pero nakapagtatakang hindi na ako inimik pa nito matapos ng matipid na pagbati niya sa akin kaninang pagdating niya, and that was almost an hour ago. Hindi ako sanay na hindi ito dumadaldal. At lalong hindi na yata ako sanay na hindi siya nagpapapansin! Gosh! I hate myself for feeling this but I hate him more for making me feel this way!
Pasimple ko siyang sinilip sa peripheral vision ko. Abala ito sa pagtipa sa keyboard ng kaharap na computer habang patamad na nakasandal sa kinauupuan. Aaminin ko na. Napakagwapo niya sa suot na simpleng plain white t- shirt at kayumangging fitted cargo pants. Nakalitaw ang suot nitong military tag at bumagay sa mapusyaw niyang balat ang suot na itim na relo at kahit pa sa distansya naming ay nanunuot sa akin ang banayad na bango niya.
Kailan ko lang nalaman na Dentistry pala ang kurso niya at siya ang ipinagmamalaki ng College of Medical Technology. At ng maalala ko ang pakikipaglandian niya sa mga cheerleaders kanina ay bumalik agad ang inis ko. Wala tuloy sa sariling napaismid ako. Kailan lang ay parang maamong tuta na buntot ng buntot. Ngayon ay parang hindi na ako nakikita.
“Miss Alquon, may kailangan ng assistance sa Literature Section. Pwede bang ikaw muna doon?” Tanong sa akin ng assistant librarian.
“Sige po.” Nakangiting tugon ko pero bago pa man ako makatayo’y nakapagsalita na si Kalidasa.
“Tapos ko na po dito. Ako na lang ang po ang maga- assist.” Pagpriprisinta nito.
“Sige Mr. dela Cuesta, mabuti pa nga ng matapos na ni miss Alquon ‘yang pagiinventory niya.” Sagot naman ng assistant librarian.
Umalis ang magaling na Kalidasa ng hindi man lang ako nililingon. Nakakainis! Ano bang problema ng lalaking ‘yon? Kung umasta parang ako pa ang may atraso sa kanya a?
Mabilis kong tinapos ang pagiinventory at pasimpleng sinundan siya sa Litarature section. Nakakainis talaga! Bakit ako naman ngayon ang parang tuta na bumubuntot sa kanya? Pero hindi talaga ako matahimik hangga’t hindi ko nalalaman kung anong problema sa akin ng engot na iyon!
Nadatnan ko siyang tila modelong nakasandal sa dulong shelf habang binabasa ang hawak na libro. Pasimple akong lumapit, kunwari ay iniinspeksyon ang mga librong naroon habang nagpapanggap na nagsusulat sa hawak kong notebook. Pero nakalapit na ako sa kanya ay hindi man lang siya ni minsang nag- angat ng mukha upang tingnan ako! It’s so annoying! I’m so annoyed with myself! Hindi ko na napigilan ay kinapalan ko na ang mukha ko at hinarap siya. Pero nang iangat niya ang mukha para tingnan ako ay tila nalulon ko naman ang dila ko.
Shit! I’m so stupid!
“You need something?” Walang siglang tanong niya. Nasaan na ang malambing niyang boses? Nasaan na ang endearment niya sa akin?
Gusto kong magpapadyak sa inis. Nafru- frustrate ako sa sarili ko. Sinanay niya ako sa atensyong hindi pala niya kayang panindigan. My throat parched and my breathing labored. But no, I won’t show him that I’m affected with his sudden change. I still have to consider the margins between us. We’re not close. I don’t even like him.
“Kailangan ka ni Miss Capinpin.” I said. Gosh, I’m such a liar!
Umayos siya ng tayo at tiniklop ang binabasang aklat upang ibalik sa shelf.
“Thanks.” Matipid niyang sagot bago ako lampasan.
Lumunok ako ng maramdaman ang paghapdi ng gilid ng aking mga mata. So he probably realized that I wasn’t worth his time. Marahil ay nagsawa na siya sa pangungulit sa akin.

BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Novela JuvenilBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...