26: the Dyosa vs. the Baby

58 1 0
                                    

Warning: This one's raw and uneditted. You may encounter mispelled words and geammar flaws.


...⚽⚽⚽...

Kali

“Ibang klase din talaga ang kamandag mo, Heaven. Langit na langit!” Nangaasar na bulalas ni Panginoong L na mukhng nasapian na naman ng sampung ligaw na kaluluwa sa pagiging hyper. Kailan lang noong nagdradrama, ngayon ay nangunguna na naman sa pangaalaska.

“Sira ulo ka, dark Lourd! Ni hindi ko nga kilala ang babaeng ‘yon, ‘langya mo!” Nagngingitngit namang asik ni Heaven rito. Nasa bahay nila ngayon ang tinulungan naming babae kahapon ng dyosa ko na nagsasabing asawa daw nito si Heaven.

Speaking of kahapon. I was still in cloud nine, dude! Cassidy kissing me beside my lips really got me in a nerve- wrecking surprise—in a good way! And I really don’t know what got into me for kissing her but I wasn’t really regretting it. It was our first kiss, damn it! Our first kiss, hands down to that! Akala ko ay sisipain ako o sasapakin ni Cassidy pagkatapos pero hindi na niya muling binuksan pa ang topic. Sa katunayan ay halos magdamag pa nga kaming magka- text. Kaya nga natulog ako ng nakangiti, nagising ng nakangiti, pumasok sa school ng nakangiti at nandito ngayon sa quarter na nakangiti!

“Pero mukhang kilalang- kilala ka naman niya. Baka kasal nga talaga kayo.” Nabitin ang pagbabalik tanaw ko ng umayuda si Ceyx na lalong ikinalukot ng mukha Heaven.

“I also have my freaking signature in that freaking marriage certificate, damn it!” Heaven exclaimed in frustration making us laugh. Mukhang aburidong- aburido ang loko samantalang ako ay pwede ng lumipad sa pagka- high. Pagkahigh sa irog kong si Cassidy!

“Yeah, yeah. Heaven be damned.” I lazily muttered as I slouched on the sofa hugging my Haylee. God, I miss hugging this damn soccer ball! But a big part of me was hoping that it was my Cassidy who’s in my arms right now. Pinukol ako ng matalim na tingin ni Heaven at kung nakamamatay man iyon ay tiyak kong byuda na si Cassidy ngayon.

“This is your entire damn, fault, damn you!” He snapped.

“Hey!” Pagrereklamo ko at kung hindi lang si Haylee ko ang hawak kong bola ay malamang na naibato ko na ito ngayon sa mukha nito, “it’s not my fault that she accidentally met me! Tsaka dude, man up! Panagutan mo na lang siya!”

“What the hell are you talking about?!” Halos sumabog na sa pamumulang anito, “Ni wala namang nangyari kaya bakit ko pananagutan ang may sapak na babaeng ‘yon?!” Visible na ang mga litid sa leeg na anito dahil sa kunsomisyon.

Lumapit si L dito at umakbay na akala mo naman ay may matinong sasabihin, “Kaya nga panagutan mo na lang, dude, para may mangyari na.” Seryosong pang sabi ng gago. Natawa naman kami sa sinabi nito. Tila nawalan ng lakas na naihilamos ni Heaven ang mga palad sa namumulang mukha.

“You remember signing that paper?” Tanong ng ingliserong si Kross na katatapos lamang mag- shower. Tinutuyo pa nga ng tuwalya ang basang buhok. Psh! Feeling hot ang coño e mas hot naman ako isang porsyento sa kanya. Sa totoo lang nahahawaan nga lang ‘yan ng pagiging hot ko e.

“Hell, no!” Aburidong sagot ni Heaven, “kaya nga sigurado akong hindi ko pirma ‘yon. Mom already sent it to our family lawyer to assess its legality. Ngayon pa lang I want that freak out my life.”

“Nakakaawang babae. Nagpakasal sa isang walang pusong gaya mo.” Umiiling kong sabi rito. Muli niya akong pinukol ng masamang tingin. Nginisian ko siya and the mongrel raised his middle finger on me. Hayop na ‘to!

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon