Love is a rare rose, the perfume intoxicating---
picked by fingers oblivious to the thorns.
-Lang Leav
❤❤❤❤❤❤
Kali
“Warning o, danger zone!” Nangaasar na sabi ng ka- team kong si Haru ng lampasan ako nito. Our team was having our intensive training for the upcoming intercollegiate football match and this intense training started in a 10 kilometer jog around the oval but I was so much busy tapping on my phone than minding running around. Kung noon ay halos pakamatay talaga ako sa intensive training before ng mga match namin, ngayon ay halos magpakamatay na rin ako dahil sa intense na kabang nararamdaman dahil kay Cassidy.
“Tch! Lumayas ka nga sa harap ko!” Napipikon na taboy ko rito pero nginisian pa ako lalo ng ungas. He jogged backward as he kept nagging me.
“Huwag mo na kasing i- text. ‘Di ka naman mahal n’on e!” Sabi pa nito at sa iritasyon ko ay pumalatak ako sinipa ito sa hita na tinawanan lamang ng timang.
“Nababading ka na naman sa akin, ‘langya mo! Lumayo ka nga!” Pagtataboy ko pa ulit rito ngunit hindi ito tuminag sa halip ay tinawanan lamang ako.
Frustrated kong isinuksok sa bulsa ang cellphone ng wala pa rin akong mapala matapos magtext, tumawag at mag- stalk sa facebook ni Cassidy.
Sabog ako. Hindi ako nakatulog magdamag kakaisip kung paano ko susuyuin si Cassidy. Kahapon ng tanghali ang huling pag- uusap namin bago umeksena ang wirdong babaeng fling ni Rumi! She never replied to my messages and she always cut off the line everytime I try to call her!
“Bago ‘yan, brad, a?” Heto pa ang isang usyoserong dumating. Si Orix na goalkeeper ng team. “Dati kapag nagtatampo mga girlfriend mo nakikipaghiwalay ka na agad. Ngayon daig mo pa si detective Conan kung maka- imbestiga!”
Loko ‘to a? Paano niya nalamang ini- stalk ko sa social media si Cassidy?
Inginuso niya ang likuran ko at nang lingunin ko iyon ay nagulat ako ng naroon na pala halos lahat ng team mates namin na malamang ay kanina pa sumisilip sa ginagawa ko sa cellphone ko. Nagsingisian pa ang mga unggoy at sabay- sabay na nagfinger- hearts. Mga hayop!
“’Yong black belter ‘yon ‘di ba? Cassidy ang pangalan.” Komento ni Chino na dahilan ng mabilis kong pagpihit paikot at patalikod na nag-jog. Pinanlisikan ko ito ng mga mata. Bakit niya kilala ang dyosa ko?! Mukhang naramdaman naman nito iyon dahil tila sumusukong itinaas nito ang dalawang kamay. “Easy lang, brad. Lagi kasi siyang nakwekwento ng pinsan kong member ng Taekwondo team.” Pagpapaliwanag nito.
“Loko ‘yon a!” I bursted. “Sinong pinsan mo ‘yon?” Naiiritang tanong ko. May gusto ba ang unggoy na iyon sa girlfriend ko? Baka gusto niyang bangasan ko siya sa mukha? Nagsitawanan ang mga team mates ko sa reaksyon ko. “May gusto ba siya kay Cassidy?” Inis ko pang usisa na muli nilang ikinatawa. Mga hunghang!
“Hindi ka ba aware na kinatatakutan sa team nila ‘yang girlfriend mo?” Amused na tanong ni Chino. “Pati mga lalaki tiklop sa katapangan niya e.”
“Good.” Relieved na sagot ko na ikinapalatak ng iba samantalang ang iba ay amused na nagsitawa. Muli akong pumihot paharap ng lampasan kami ni Brix at hinampas pa ako sa likuran.
“Hoy mga panget na creatures!” Pagtawag nito at pumihit paharap sa amin. “Kapag nakita kayo ng team captain nating pinaglihi sa inahing manok pagagapangin niya kayo paikot ng oval!”
“Hanapan mo kasi ng girlfriend ng hindi ‘yon talak ng talak!” Komento ng dumating na si Cairo na nakiagapay na rin sa slow- mo naming pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Novela JuvenilBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...
