Kali
Snickers- check.
Jeans and shirt- check.
Varsity jacket- check.
Hair- check.
Kagwapuhan- definitely a big check!
I checked out my reflection on the elevator's door and once again feel satisfied with what I see. I wink at my reflection and the elevator's door opens. Napapahiyang nginitian ko na lamang ang mga nasa loob na nagkataong mga babae. Hindi magkamayaw sa impit na pagtili at pagtutulakan ang mga ito. Napakamot ako sa batok. Bakit ba tuwing kinikilig ang mga babae e nananakit pa? Kinikilig na nga ay mambubugbog pa.
Kinawayan ko ang mga ito bago kumaripas ng takbo paalis doon. Narating ko ang tapat ng pintuan ng Taekwondo dojang at inayos muna ang suot na jacket bago tuluyang pumasok. As usual ay may mga napalingon na naman at kinilig sa kagwapuhan ko. Aba e nginitian ko sila. Sayang naman ang effort nilang kiligin. Kaya hayun, naghampasan na naman.
Pero hindi sila ang gusto kong makita. Kumunot ang noo ni Cloud na tumigil sa panonood sa mga trainees niyang nagsasagawa ng hyeong( iyong katulad ng kata sa karatedo. Bakit kaya hindi nag- taekwondo si Heaven? Kalahating koreano 'yon, e. Siya ang mas nakakaintindi ng mga hyeong- hyeong na 'yan.
I jogged towards Cloud. Don't get me wrong, hindi ang ungas na 'to ang sadya ko dito. Hindi pa ako makaget- over sa pangtri- trip nila sa akin kahapon pero dahil kailangan ko siya para mapalapit sa dyosa ko ay forgive and forget muna. Hindi ko makakalimutan ang nakakapikon na itsura ng koreanong Langit na 'yon habang halos mamatay na sa kakatawa ng komprontahin ko sila. Hindi ko daw kasi ginagamit ang utak ko. At pati 'tong sina Ceyx at Lourd na missing in action kahapon ay nakitawa rin. Mga hipon! Mga katawan lang ang maganda sa kanila. E ako, whole body! Pati ingrowns ko pogi.
"Hey, Cloud!" Bati ko ng nakangiti.
"Psh. May kailangan ka na naman." Patamad na anito. Laging tinatamad makipagusap pero ang sipag naman makipagsipaan.
"Anong oras break niyo?" Napasulyap ako sa wristwatch ko.
"May pera ako. 'Di mo ako kailangang ilibre." He said flatly. Malamang, haciendero ba naman. Pero pinigilan ko na lang ang sarili kong barahin siya kahit kanina niya pa ako sinusupalpal.
Pasimple akong nagpalinga- linga sa paligid, 'di mapakali sa pagtiklay- tiklay habang nakabulsa ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jeans ko. Magkandahaba- haba na ang leeg ko pero 'di ko pa rin nakikita 'yong dyosa ko.
"Naligaw ka yata. Sa 7th floor ang dance studio." Cloud remarked after noticing me fidgeting. I threw daggers at him. Umismid lamang ito at iniwan ako doon. Syempre hinabol ko. Ang sama na ng tingin sa akin ng isang grupo ng mga lalaki doon dahil nasa akin na ang atensyon ng halos lahat ng mga babae sa dojang.
Cassidy "Cassi" Alquon
Katatapos ko lamang ligpitin ang mga gamit ko sa loob ng locker ng aligagang pumasok ang tatlong juniors sa locker room. Impit na tumitili ang mga ito, nagtatalunan at nagtutulakan. Napakunot ang noo ko. Ugh, girls. Malamang ay kinilig na naman sila kay senior Cloud. Gaya na lang 'nong sikat na artistang ginawang tambayan itong dojang dahil kay senior.
Well, Senior Cloud is a real catch, I must admit. Rich, intelligent, undoubtedly handsome, exceptionally gifted in Taekwondo, what more can a girl ask for? Sa edad nitong 20 ay dan na ito, ang pinakamataas na ranggo sa taekwondo. Kahit sinong babae naman talaga ay kikiligin sa kanya. Kung nagkataon nga lang na babaeng- babae lang ako ay isa na rin ako sa mga tumitili para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Novela JuvenilBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...
