Kali
I excitedly entered the library while ruffling my still wet hair with my fingers. Matinding pahirap ang inabot ko kay senior Mino pero sulit ang pasakit. Aba, ikaw ba naman ang dalawin ng irog mo para bigyan ng moral support, tingnan ko lang kung ‘di ka din kiligin.
Although walang sinabi ang dyosa ko kanina, sapat na sa akin ang makita siya para i-consider na moral support iyon idagdag pang dala niya ang bulaklak na bigay ko. At ‘yong nakasulat sa post- it, sino pa ba namang makakapag- isip n’on ku’ndi ang isang henyo lang na gaya ko? Huwag muna kayong masyadong mabilib sa akin dahil break- in pa lang ‘yon.
Agad akong dumiretso sa counter kung nasaan si Miss Capinpin upang mag- report. Matapos ng kaunting Qand A, sa wakas ay hinayaan niya na rin akong gawin ang trabaho ko. Kaya naman handa na ang kagwapuhan ko para sa tatlong M na misyon ko.
Magtrabaho. Mag- aral. Manligaw.
May tuldok na ‘yan para hindi niyo mamisunderstood. Tatlo talaga ‘yan.
Lalo pang lumawak ang pagkakangiti ko ng makita ko ang dyosa ko na abala sa pagliligpit sa Literature section. Naramdaman niya marahil ang presensya ko dahil napalingon siya sa akin.
Damn! Natamaan yata ‘tong puso ko?
Pagmamahal mo lang ang makakagamot nito.
Hulaan niyo kung anong ginawa niya? Hehe! Sigurado akong kikiligin kayo.
Inirapan niya ako. Shit! Irap pa lang niya halos mabaliw na ako. Paano na lang kaya kung ngingiti pa siya? Lumapit ako sa kanya at mabilis niyang isinara ang hawak na makapal na libro. It was an Afro- Asian Literature book and it was so thick.
“Ako na.” Maagap kong sabi ng akmang ibabalik niya na sa shelf ang libro. Mabigat e. Baka mapilayan pa ang dyosa ko. Hindi siya umiimik so I decided to start the conversation. “Kumusta na dyosa ko?” Tanong ko ngunit hindi pa rin naimik. Tumikhim ako. Mukhang kailangan ko pa talagang mag- aral. “Nagustuhan mo ba ‘yong bigay ko?” Pangungulit ko pa.
Tumingin siya sa akin. Nakatikwas ang isang kilay pero ang ganda niya pa rin. Grabe, that was another fierce blow!
‘Wag ganyan, Cassidy. Lalo kitang minamahal e!
“’Yung alin? ‘Yung plastic mong bulaklak?” She challenged. Iyong ngiti ko tuloy naging ngiwi. Napakamot ako sa sentido.
“Allergic ka sa tunay, e.” Alanganin akong napangiti.
“Just stop pestering me, Kalidasa.” She said flatly but it was as if I was struck once again by Rumi’s arrow. Oo, hindi si Kupido pero si Rumi. Sharp- shooter kasi ‘yon at nabulls- eye talaga ako.
She just said my complete name but I didn’t feel any trace of annoyance or distaste. In fact, I’m starting to like my cursed name now that it was graced by her sweet lips. Siguro ay matatanggap ko din maski Bentong na pangalan basta ba manggagaling sa mga labi niya iyon.
“S- Say it again, please.” I know para na akong tanga. But I was really desperate to hear my name through her lips again.
Her forehead furrowed. “What? To stop pestering me?” Iritable niyang tanong.
“No. My name.” I replied, looking directly to her fierce eyes. Wala na akong pakialam masunog man ako ng mga apoy na nagniningas na doon.
Bigla siyang natigilan. The furrows on her forehead softened and I was given the chance to revel at the beauty sculpted on her face. Natural. Glorious. A masterpiece.
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Ficção AdolescenteBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...
