36: Goal Kick

61 2 0
                                        


We're nearly in the end of this tale. Please hang on 'til the last update. Thanks❤❤.

🔹🔹🔹🔸

Cassi

“Cassi, ang putla- putla mo na. Dalhin ka na namin sa clinic.” Nagaalalang sabi sa akin ni Abi. Pinipilit kong tapusin ang assignment ko na hindi ko nagawang tapusin kagabi kahit pa nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa lumalalang menstrual cramps. I was trying to act okay but my pale color just couldn’t let me lie.

“Darating na maya- maya si sir, kailangan kong tapusin ‘to.” Sagot ko sa nanghihinang tinig. Pinigilan kong mapangiwi ng mag-cramps muli ang lower abdomen ko.

“Ako na lang ang pupunta sa clinic. Hihingan kitang gamot.” Pagpiprisinta ni Lia ngunit napaigilan ko na ito bago pa man makatayo.

“Huwag na. Tapusin mo na din ‘yang assignment mo. Abi, tulungan mo na siya para mabilis.” Sabi ko pa sa paos na tinig.

“Ano ba kasing pinaggagawa mong babae ka? Mukha ka pang lalagnatin.”Pumapalatak na ani Lia, “Mag- usap na kasi kayo ng masinsinan ni Kali ng—”

Agad din itong tumigil sa pagsasalita ng sikuhin ni Abi at senyasan. Mabilis naman nitong itinikom ang bibig.

Itinigil ko ang pagsusulat ang tinungangaan ang mga numero sa notebook ko. I’ve been crying the whole night and my head is throbbing like hell right now. ‘Yong issue kay Mama, sa amin ni Kalidasa at issue sa sarili ko, halo- halo  ang mga iyon sa dibdib ko at pakiramdam ko’y nilulunod ako ng mga iyon hanggang sa ‘di na ako makahinga.

For years I’ve been trying to act cool, to act strong as if I can survive without anyone’s help. Mahirap ang masanay na sumandal sa isang taong hindi naman mapaninindigan ang pananatili sa buhay mo. Akala ko ay habangbuhay na nandyan si Daddy dahil siya ang ama ko, pero mali ako. Mula noon ay hindi na ako umasa pa sa iba, hindi na nagpakita pa ng kahit na anong kahinaan dahil ayokong kaawaan. Ayoko ng tulong na mula sa kahit kanino. But Kalidasa happened. He thought me how to rely to him. He pulled me out from the world I made for myself. He thought me how to love him. And now that he’s showing signs of walking away, I don’t know how to teach myself how to be okay.

“Cassidy…” Tila naaawang bigkas ni Lia sa pangalan ko. Hindi ko pa malalamang tumutulo na pala ang mga luha ko kung hindi pa nabasa ang notebook ko.

“Bakla, tahan na.” Alo naman sa akin ni Abi habang maingat na idinadampi ang tissue sa mukha ko upang tuyuin ang mga luha ko.

“Alquon! May naghahanap sa’yo!” Tawag ng kaklase naming lalaki na nakatayo sa may pintuan na bahagyang nakabukas. Nakahawak ito sa door knob.

Nagkatinginan kaming tatlo. Binalingan ni Abi ang classmate namin.

“Sino daw?” Tanong nito.

“Sobrang gandang chic!” Pasigaw na sagot nito kapagkuwa’y sumilip muli sa labas ng pintuan. Nang bumaling ito sa amin ay sobrang lawak na ng ngiti, “Nisha daw!”

“Uy, ‘yong girlfriend ni Kross Yuna Ibarra ‘yon ‘di ba?” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Lia.

“Sa College of Architecture and Fine Arts pa siya ‘di ba? Baka sobrang importante ng sasabihin sa’yo, bakla. Puntahan mo na.” Si Abi, “teka, kaya mo bang tumayo?”

Tumango lamang ako at pinilit tumayo ng hindi ngumingiwi nang hindi na sila pagaalalahanin pa. Mabilis akong kumilos upang hindi paghintayin ng matagal si Nisha sa labas ng classroom namin. Paano’y naroon pa rin ang babaerong classmate ko na nakasilip pa rin kay Nisha.

“Maupo ka na.” Malamig na sabi ko dito. Nadidismayang napakamot ito sa ulo at umalis sa pagkakaharang sa pintuan upang maupo na. Nang lumabas ako ng silid ay nakita kong nakatayo si Nisha patalikod sa classroom namin at napansin ko ang mga lalaking napapadaan sa corridor na sinasadyang  bagalan ang paglalakad upang tingnan ito.

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon