8: Kick backed

61 3 0
                                        

Kali



“Pasalamat ka at napakabait kong senior. Alam mo bang pinagalala mo ako kahapon? Saan ka pa makakahanap ng captain na kasing concerned ko?”

Mahina akong napamura habang tinatapos ang isang daan kong push ups.Prenteng nakaupo sa tabi ko ang napakabait kong captain at nakapatong ang mga paa sa likuran ko habang kumakain ng Chippy, ‘yong kulay green. Damn Chippy!

Madalas ay pinabibigat nito ang mga paa para mahirapan akong umangat. And he just farted twice a while ago! What the hell?!!

Ganito lagi ang eksena tuwing may kapalpakan akong nagagawa. Lahat naman kami ay pinahihirapan niya lalo na kapag training pero binibigyan talaga niya ako ng special treatment. Hayop na special treatment ‘yan! Ganitong- ganito ang special treatment niya sa akin. Kaya nga wala lang sakin ‘yong bugbog na natamo ko kahapon sa library dahil sanay na ako. Ikaw ba naman ang may napakabait na captain?!

“Sandali, sumasakit din ‘tong likod ko.” Sabi pa nito na bahagyang iniangat ang pwetan kaya napunta sa mga paa niya na nakapatong sa likuran ko lahat ng bigat ng kanyang katawan.

What the fuckin’ hell?!!

“Kailangan ko ding magpa- ospital. Bigyan mo ‘kong discount, huh?” He added mockingly. No, scratch that. More on teasingly. Binibwisit na naman ako ng henyo kong captain! Note the sarcasm there.

“Alvaro!” Maya- maya pa’y malakas niyang tawag sa kateam- mate kong nag- AWOL din kahapon. “Pakiabot nga ‘yong tubig ko, please!” Anito at sarkastiko akong napabuga ng hangin. Idinagdag pa ang please e halata namang hindi nakikiusap.

Hayan na at patalon- talong lumapit si Brix sa captain naming nabibilaukan na yata sa nginangatang Chippy. Paanong hindi nagpapatalon- talon e magkadikit na nakatali ang dalawa nitong mga paa. Pawis na pawis ito ng makarating kay captain Mino. Paano’y katatapos lang ikutin ang buong oval ng gano’n ang itsura.

“Saan pa kayo makakahanap ng senior na kasing- bait ko?" Bragged senior Mino again as he gulped down his water. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa dahil graduating na siya, ibig sabihin mawawalan na kami ng senior na daig pa ang dragon kung bumuga ng apoy. Sa kabilang banda, mawawalan din kami ng napakahusay na captain. At walang halong sarcasm iyon.

Sa wakas ay natapos din ang isandaan kong push ups kaya naman binagsak ko ang sarili ko at hapong nagpagulong palayo kay senior Mino dahil mamaya ay baka magpasabog na naman ng bomba niya pero aksidenteng naisama pati mga paa niya kaya naman ng gumulong ako ay nahila siya pabagsak sa damuhan. Nauna ang pwetan niya at hawak na nito ang leeg dahil nabilaukan sa tubig na iniinom.

Shit!

Imbes na tulungan si captain Mino ay halos mamatay na sa katatawa itong si Brix na nagpapagulong- gulong na rin sa damuhan kakatawa habang nakatali pa rin ang mga paa. Tatakas na muna ako bago pa ako mabugahan na naman ng apoy ng dragon!

Gumapang ako palayo at unti- unting bumangon ng marinig ko ang nakabibinging pagtawag ni senior Mino sa akin.

“KALIDASA DELA CUESTA!!!”

Napangiwi ako. Pero mas pinangingibabawan ng takot ang inis ko. Unti- unti kong nilingon si senior. Napangiwi ako ng makitang nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at hawak na nito ang tenga ng namimilipit na si Brix.

“GIVE ME 500!!!” Tila kulog sa pagdagundong ang boses ni senior Mino at sinabayan pa talaga ng biglaang pag-ulan.

Damn!




Cassi



“What the hell are you doing here again? Wearing that?!”

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon