37: Drop Ball

66 1 0
                                        

Haaay(*sighs*)... Para po sa mga nagbasa ng kwento ni Kalidasa, maraming salamat po. Wala man po kayong iniiwan na comments, alam kong may ilan pa ring nagbabasa kasi nadadagdan ng paunti-unti ang reads. I am not writing to impress,though, I am writing to express my thoughts and I thank you a lot for being with me from the very beginning of this chapter up to now that we're nearing the end.

Anyway, sinusubukan ko pong i-rebisa ang kwento ni Kross Yuna Ibarra, ang unang character ng Helix U series. And right now I'm on the process of writing Rumi dela Cuesta's story, the third character of the series. Susulitin ko na po ang pagsusulat habang bakasyon pa. Please support his story the way tou supported Kali's.

One chapter to go before we close the curtain to Cassidy and Kalidasa's tale.

Enjoy❤

🔹🔹🔹🔸

Kali

“Masakit pa ba?” Malambing na tanong ng dyosa ko habang marahang hinahaplos ang noo kong kanina lang ay nasapul ng bola. Dyahe, hindi pogi ang dating no’n kanina pero hindi ko pa rin mapigilang mapangiti ng malawak. Ganoon ang istura kong tumango.

“E bakit ka nakangiti?” May pagdududang tanong niya at agad ko namang sinupil ang ngiti ko para magkunwaring nakangiwi. Nsa clinic kami at kaaalis lang ng nurse kaya kaming dalawa na lang ngayon.

“Napapangiti lang ako kasi ang ganda mo, dyosa ko. Pero ang sakit pa rin talaga.” Kunwari’y napapikit pa ako sa sakit. Damn! Gusto kong tawanan ang sarili sa ginagawa ko. Pero masisisi niyo ba ako kung na- miss ko talaga ang girlfriend ko at gusto kong sulitin ang sandaling ito na napakalambing niya? And she just told me she loves me, damn it! Napapmura talaga ako sa sobrang saya!

“Masakit pa rin?” Nagaalalang tanong nito, “tatawagin ko ‘yong nurse.” Akma na siyang tatayo ng pigilan ko siya.

“Huwag na, dyosa ko.” Hinila ko siya paupo sa gilid ng kama kung saan din ako nakaupo, “Halik mo lang ayos na ‘ko.” Bulong ko pa at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng dumukwang siya at dampian ng magaang halik ang aking noo.

Shit! Double damn!

My heart felt like it sommersaulted as I felt her soft lips on my forehead. Pwede bang labi ko naman ang patamaan ko ng bola para doon na niya ako halikan?

“Okay na?” Tanong niya sa akin.

“Damn it.” Tila namamalikmatang bulong ko sa sarili.

“Bakit?” Nagtataka namang tanong niya, siguro ay naguguluhan sa inaakto ko.

“I love you, Cassidy.” Makatotohanan kong bitaw.

“Mahal din kita, Kalidasa.” Nakangiting sagot niya at pakiramdam ko’y may kung anong bumara sa lalamunan ko at bigla na lang akong napaubo. Binayo- bayo ko ang dibdib, sinusubukang ibalik sa normal ang paghinga ko. God! Ito na ang pangalawang beses pero para pa rin talaga akong nananaginip.

“Ikukuha kita ng tubig.” Natatarantang aniya pero mabilis kong nahawakan ang kamay niya para pigilan siya sa pag- alis.

“Ikaw lang ang kailangan ko.” Bitaw ko na nagpatigalgal sa kanya.

What the hell?!

Alam kong pinanindigan ko na ang pagiging makata pero para makapagbitaw ako ng ganoon ka- corny na linya ay alam kong seryoso na talaga ang tama ko. ‘Yong tama ng puso ko para kay Cassidy!

“Mukhang kailangan mong magpa- CT scan.” Pigil ang tawang sabi ng dyosa ko habang amused na nakatingin sa akin.

“Sa puso mo na lang ako magpapa- scan.” Natutulala ko pa ring sagot. She rolled her eyes in amusement.

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon