I'm sorry for the slow update (kung mayroon mang nagbabasa ng story na ito). I am currently so hooked with a chinese drama series entitled A Love So Beautiful at mukhang natamaan talaga ako sa lead actor na si Hu Yi Tian😅. At dahil nga doon ay nakalimutan ko si Kali dahil si Jiangchen ang inatupag ko ng ilang araw. Hope this chapter would make it up with my slow update.
Another raw update. Expect for mispelled words and grammatical errors.
Thanks❤❤❤
🔹🔹🔹🔸
Cassi
“Anong meron? Bakit sila nagkakagulo?” Nagtatakang tanong ko kay Lia na busy sa kase- selfie gamit ang bagong biling iphone niya. Katatapos ko lang ilagay sa compartment ng bus ang maleta ko katabi ng napakalaking maleta nito na akala ko ay mangingibang bansa ng isang buwan. Nakatingin ako sa isa sa mga professors naming pinagkukumpulan ng mga estudyanteng babae.
“Nagpapalipat sila ng grupo.” Sagot ni Lia na panay pa rin ang ngiti at pa- cute sa front cam ng iphone niya. Isang linggo na rin ang lumipas mula ng nagkaroon kami ng kaunting misunderstanding at naayos din naman namin agad iyon. Pero matapos kong magsorry rito ay nagpalibre naman agad ito sa Café Uno para daw makumpleto ang peace offering ko.
Mayroon three days excursion ang buong College of Commerce sa probinsya para sa isang field study tungkol sa mga businesses at hotels sa mga syudad sa Norte at sa Isabela na- assign ang grupo namin dahil currently ay tatlo na ang syudad doon.
“Bakit naman sila nagpapalipat?” Napalakas na bulong ko. Noong meeting kasi ay halos walang may gustong pumunta sa Isabela. Ang mga pamimiliang probinsya kasi ay Ilocos, Benguet, Pangasinan, La Union, Cagayan at Isabela at halos wala man lang gustong pumunta ng Isabela noon at halos ayaw ng sumama ng mga estudyanteng gaya namin ay na- assign sa isa sa pinakamaunlad namang probinsya sa Pilipinas.
“Sigurado akong may himalang nangyari kaya nagpapalipat ng grupo ang mga ‘yan.” Singit ni Abi na kadarating mula sa cafeteria upang bumili ng tubig na kinalimutan ni Lia na bilhin. Nagkasundo kaming tatlo na magboluntaryo na lang sa grupo ng Isabela since hindi pa kami nakakapagtravel doon. Isa pa ay tiyak kong maganda ang patutunguhan ng field study namin doon dahil sa mabilis na progreso ng probinsya.
“Lia, na- print mo na ba ‘yong mga gagamitin nating materials para sa pagiinterview natin sa manager ng Andrea Hotel sa Cauayan City?” Tanong ko kay Lia at ipinagkibit balikat na lang ang nangyayaring kaguluhan na gawa ng mga estudyanteng nagpapalipat ng grupo. Marahil ay late lang nilang na- realized na maganda talagang puntahan ang Isabela para sa field study.
“Yes naman! Ako pa ba?” Kinindatan pa ako ni Lia sabay posed ulit sa front cam niya at inikutan ko na lang siya ng mga mata.
“Hoy babaita! Selfie ka ng selfie d’yan! Inumin mon a ‘yong bonamin mo, bakla! Wala ka pa naman dalang plastic. Baka mahilo ka sa Sta Fe!” Sermon ni Abi na nagpapakananay na naman sa pasaway naming kaibigan.
“Akyat na ‘ko sa bus.” Sabi ko at hinayaan na lang ulit na magbangayan ang dalawa. Swerte naming tatlo dahil nagsisimula sa letter A ang mga apelyido namin kaya’t sa iisang bus lang kami. Dumiretso ako sa assigned seat ko na nasapanglimang hilera sa hanay ng driver. Kinandong ko na lang ang back pack ko kung saan nakalagay ang hygiene kit at iba pang necessities ko.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa cellphone ko at agad din namang napangiti ng makita ang pagpop- up ng message ni Kalidasa sa screen.
💌Yabang❤:
May water ka na ba? Dadalhan kita?
Kagat ang ibabang labing nag-compose ako ng reply. Alam niyang may excursion kami ngayon at mas excited pa yata siya sa akin sa pagaayos ng mga gamit ko kahapon. Eversince that reconciliation at the hospital, he became extra sweeter and caring and I know that it’s so not me but I would’t like it any other way. I love him, okay. Hindi ko nga lang iyon nasasabi pa sa kanya. Gusto ko kasing gawin din ang giawa niya. ‘Yong hindi niya nga sinabi noon na mahal niya ako ngunit nararamdaman ko naman iyon sa mga kilos at effort niya. I want to do it, too. I want to make Kalidasa feel how I feel even without me saying it.
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Teen FictionBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...
