28: Foot Trap

50 1 0
                                        

WARNING: A very short update. Grammar flaw and mispelled words ahead.

🔹🔹🔹🔸

Cassi

“Cassi, hija, tulog na ‘yong mama mo. Pumasok ka na dito sa loob.” Aya sa akin ni Manang Delia. Tipid ko itong nginitian.

“Susunod na lang po ako, Manang.” Sagot ko.

“Sige. Basta sumunod ka na rin agad. Alas nueve na, mahamog dito sa labas baka sipunin ka.” Bilin pa nito bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Napangiti na lang ako sa concern na ipinapakita nito sa akin. Buti pa si Manang Delia. Kailan kaya magiging concern ulit sa akin ang mama ko?

Mula sa Café Uno ay nagdesisyon akong umuwi dito sa bahay namin. Alam kong ayaw akong makita ni Mama pero pakiramdam ko ay kakalma lang ang pakiramdam ko kapag nandito ako sa bahay. Pero nang makita ako ni Mama ay nagsimula na naman siyang magbasag ng mga kasangkapan at pilit akong pinaaalis. Kaya nga nag- stay na lang ako dito balkonahe hanggang sa makatulog siya.

Huminga ako ng malalim at pinahid ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. And I bit my lower lip to suppress my sobs upon thinking of Kalidasa. Sa sobrang galit ko sa kanya’y hindi rin kami in good terms ngayon ni Lia. Sobrang gulo na ng utak ko at lalo pa iyong gumugulo tuwing nararamdaman ko ang sakit na dulot ng panloloko niya sa akin.

Kinuha ko ang cellphone n inilapag ko kanina sa tabi ko ngunit wala man lang ni isang text o missed call mula sa kanya. Lalo pa akong napaluha. Nakakainis! Bakit ba umaasa pa rin akong magpaparamdam siya matapos ng mga sinabi ko kanina? I swiped on my phone’s screen and clicked on one tab. Bumungad sa akin ang stolen shot ni Kalidasa habang nakatayo siya at nakatunganga sa eksaktong lugar kung saan ko siya iniwan kanina. Bakit niya kailangang gawin iyon? Bakit niya pa pagmumukhaing tanga ang sarili niya gayong siya ang nagloko sa aming dalawa. Pareho lang sila ng daddy ko, mga cheaters.

Pero nang maalala ko ang huling sinabi sa akin ni Lia ay naguguluhan pa lalo ako. There was a part of me that wanted to listen to Kalidasa but there’s a bigger part of me that wanted to totally take him out my system. Hindi ko talaga siya gusto noong umpisa but his efforts had grabbed my resolved making me fell down. Nahulog na pala ako ng hindi ko namamalayan at sa pagkahulog kong iyon ay nahila pa niya ako lalo pailalim.

I hate this feeling but little by little I learned to love the famous Kalidasa dela Cuesta and now I’m crying in pain because of that love… because of him.

Napaigtad ako sa kinauupuan ng tumunog ang message alert tone ng phone ko at nag- flash sa screen ang pangalan ni Kalidasa. Nanginginig ang daliring binuksan ko ang mensahe niya.



✉️Yabang:
I’m sorry na, dyosa ko. Ipapaliwanag ko sa’yo lahat bigyan
mo lang ako ng pagkakataon. Don’t give up on me, please.
Please don’t break up with me, Cassidy.




Dumaan ang ilang sandaling nakatingin lamang ako sa screen ng cellphone ko. My whole body was shaking, my chest heaving fast as if the other part of me believed on those worded lies again.

Text pa lang ‘yan, Cassidy, malapit ka ng maniwala. Paano na lang kaya kung sabihin pa niya sa’yo ‘yan ng harapan?

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Tama ng pinaniwala ko minsan ang sariling seseryosohin siya ng isang gaya ni Kalidasa dela Cuesta. Oo at may bahagi ng utak kong nais kumapit sa mga sinabi ni Lia sa kanya kanina at sa nakita kong mga larawan ni Kalidasa na mistulang wala sa sarili dahil sa akin pero saan ako dadalhin ng mga iyon? Ngayon palang ay masakit na, paano na lang kung maulit pa?

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon