Cassi
Kung hindi lang nauso sa library ang ‘Observe silence’ ay kanina ko pa ipinagbabato ang hawak kong makakapal na libro sa pagmumukha ng engot na Kali dela Cuesta na ‘to! Kanina niya pa kasi ako ginigigil. Buti sana kung gigil na nacu- cute- an ako sa kanya pero hindi! Nanggigigil ako sa kanya dahil gusto ko siyang sakalin!
Paano ba naman kasi, imbes na magligpit ang ginagawa ay nandoon at kunwaring naga- assist ng mga babaeng estudyanteng hindi daw mahanap ang librong kailangan nila. Ang problema, mukhang hindi naman na- inform ‘tong si engot na may library pala dito sa school kaya nagkakandaligaw- ligaw na sila na parang mas ikinatutuwa pa ng mga babaeng kasama niya. Pansin ko pang mas marami kaysa normal ang mga nandito ngayon at karamihan ay mga babae… at mga feeling babae.
I should be in Café Uno right now, listening to the classic music, breathing in the rich aroma of their soothing teas and coffees. Kaya nga doon ako nag- apply dahil sa ambience doon. Dadaan ka pa sa butas ng karayom bago makapasa sa screenings nila. Ganoon sila ka- istrikto. At ngayon napilitan pa akong umabsent. I was aiming pa naman of the employee for the month but that is very impossible now. Kailangan kong mag- leave ng isang linggo dahil dito.
“Mabigat ‘yan. Ako na diyan.” Untag sa akin ng bwisit na Kali dela Cuesta pero hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang makapal na encyclopedia pero sa gulat ko ay kinuha niya sa akin iyon at siya mismong nagbalik sa may kataasang bahagi ng shelf pero sa tangkad niya ay hindi na niya kailangan pang tumiklay para ilagay iyon. “Ako ng bahala dito. Magpahinga ka na.” Sabi pa nito habang walang hirap na isinasalinsin ang makakapal na aklat sa shelf.
Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung nagpapanggap ba iyong gentleman o ano pero somehow ay may kaunting kurot iyon sa puso ko.
Dang! Did I say puso? Lumuluwag na yata ang isang turnilyo sa utak ko.
Nasa General Reference Section kami. Iyon lang ang ipinaaayos sa amin ni Mrs. Capinpin, ang matandang dalagang librarian, pero masyadong pabida itong se dela Cuesta at nag- aassist siya ng mga estudyante kahit hindi naman dapat. Ako tuloy ang naiiwan dito na mag- ayos mag- isa.Nagi- guilty siguro kaya bumabawi.
“Ako na ang bahala dito sa mabibigat na libro. Pasensya ka na kanina. Hindi ko kasi sila matanggihan e.” Tumingin ito sa akin at nahihiyang ngumiti.
Sa gulat ay ko siyang pinukol ng masamang tingin. Automatic response ko nay at sa kanya iyon pero bahagya din akong natigilan. Medyo pawisan na ito. Considering na fully airconditioned naman ang library ay hindi siya pagpapawisan ng ganoon unless napagod talaga siya sa ginawang paga- assist.
At lalo pang kumunot ang noo ko ng biglang may sumulpot na babae sa likuran niya. “Kuya Kali, can you help me look for this book?” Maarteng anang babae na itinaas pa ang hawak na napilas na papel. “I need it for my assignment kasi e.” Mas inartehan pa nito ang tinig.
Itong si engot naman ay halatang pagod na pero mukhang hindi alam tumanggi. Aba! Iiwan na naman akong mag- isang nagaayos sa mga makakapal na aklat dito?
“Miss.” Hindi ko na naitago pa ang pakla sa tinig ko. Pagod na talaga kasi ako. At mukhang mas doble ang pagod ni engot. Pero hindi ko ‘to gagawin ng dahil sa kanya noh. “Maraming assistant diyan. We are only assigned here on the General Reference Section at ‘yang pinapahanap mo mukhang nasa third floor pa nitong library.”
Limang palapag kasi ang library. Nasa first to third floor ang mga aklat at ang 4th to 5th floor ay ang digital library.Tila wala naman sa loob na tiningnan ng babae ang nakasulat sa papel na hawak, halatang isinulat lang nito iyon para magpapansin sa engot na kasama ko ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/136532844-288-k291119.jpg)
BINABASA MO ANG
Helix University 2: Kalidasa dela Cuesta
Dla nastolatkówBukod sa pagiging sobrang gwapo ay hindi rin maintindihan ng Golden Foot ng Helix U's Soccer team na si Kali, Kalidasa dela Cuesta sa totoong buhay, kung bakit isinunod ng kanyang dyosang ina ang pangalan sa isang Indian poet. But when Cassidy Alqu...