13: Surprise

60 1 0
                                        

Kali


“Damn! This is pissing me off!” Heaven snapped as he heavily collapsed his body on the oval’s grass carpet.

“I’m beat! What the H!” L supplied, pulling off his wet t- shirt and carelessly tossed it away.

“And I should be blaming the good- for- nothing- poet- wannabe for suggesting to shrug off the club meeting yesterday.” Ceyx remarked, as he kept tugging the lapel of his shirt to fan himself. Hindi yan maghuhubad ng damit kahit pa namamatay na ‘yan sa init. Takot lang niya kay commander Selene. Haha!

“Kahit ano pang sabihin niyo, 3 idots. You can’t shatter my happiness, dimwits!” I smirked as I barked at them.

Masaya ako. At hindi iyon masisira ng pagtatalak ng tatlo kong kaibigan na galing yata sa lahi ng mga parrot.

Yesterday was truly divine. Tuwing naaalala ko iyon ay napapangiti na lang ako basta. Pinigilan ko talaga ang sarili kong magtatalon sa tuwa ng makita kong nagustuhan ng dyosa ko ang muffin na ako mismo ang gumawa. Sulit ang pasensya sa akin ni mommy. Sinagad ko talaga ang pasensya ng dyosa kong nanay noong nagpapaturo akong mag- bake. Mabuti na lang at effective pa rin ang mga pagpapa- cute ko sa kanya kaya natyaga niya ako hanggang sa ma- bake ko ang mga muffins.

At hindi lang iyon, hinayaan pa ako ng dyosa ko na ihatid siya sa bahay nila! Kahit hanggang gate lang ako ay napakalaking improvement na iyon para sa akin. Aba, kung alam ko lang na iyon pala ang makakapagpalambot sa puso ng dyosa ko ay matagal na sana akong magpaka- henyo sa kusina.

Okay. Inaamin kong ako ang may suggestion na lumiban sa scheduled monthly training ng lahat ng athletes sa school. Supposedly ay nasa Tagaytay sana kaming lahat kahapon pero dahil nga maimpluwensiya akong kaibigan ay naaya ko ang pitong huwag sumama. Syempre pa ay nagalit ang club president namin at pinatakbo kami ng 10 laps dito sa oval.

“Hindi ako makapaniwalang nakinig ako kay Kalidasa.” Iritableng komento ni Rumi na tagaktak ang pawis. Nakatayo ito kahit pagod na pagod na. Sa sobrang arte niyan ay hindi mo ‘yan mapapaupo sa damuhan unless latagan mo ng tela.

“Huwag mo nga akong gawing excuse sa katamaran mo.” Nakasimangot kong sita sa kakambal ko. “Tinamad ka lang din talaga, mukha mo!” Ibinato ko sa kanya ang hawak na bottled water na nasalo naman nito. Basta na lang nitong binuksan iyon at ininom.

Hindi na ako nagtaka pa kung bakit bigla na lang may nagtilian sa paligid namin. Paano ay nag- live show na itong si Cloud. Hinubad nito ang t- shirt at basta na lang ibinuhos sa katawan ang dalang tubig. Papansin din talaga itong si Ulap e. Wala namang kaso sa akin maski gawin niya pa ‘yan kasi alam kong mas hot ako sa kanya. Pero ‘pag ginawa niya ‘yan sa harapan ng dyosa ko, aba, ibang usapan na ‘yon.

May dalawang babae na lumapit sa amin ni Kross at kiming nag- abot ng tig- isa naming energy drink. Tipid kong nginitian ang babae at inabot ang ibinibigay nito. Ganoon din ang ginawa ni Kross. Sabay pa kaming nagpasalamat. Tuwang- tuwa na umalis ang dalawa.

“Hey!” Pabiro kong hinampas sa balikat ang walang buhay kong kaibigan na gulat namang napatingin sa akin. “What happened to the holy krus? It seemed like you’re forgetting to breathe, man!” Natatawang sabi ko rito.

“Nah, just thinking of random things.” Pag- iwas niya habang wala sa sariling inaalis ang takip ng hawak na bote.

Hindi na ako nagkomento pa. Sigurado akong hindi random things lang ang iniisip ng isang ito. He was probably thinking about his bestfriend Nisha. Hindi pa rin sila naguusap hanggang ngayon at alam ko namang mamatay- matay ang lalaking ‘to ng hindi nakakasama ang bestfriend niya maski isang araw lang.

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon