34: Yellow Card

46 1 0
                                        

Kali

“How were you able to wing it without a hitch?” Heaven exclaimed as he looked at Rumi’s perfect 100 exam in Chemistry.

Rumi didn’t review at all. Nakipaginuman pa nga ito sa amin kagabi kaya hindi talaga inaasahang mape- perfect nito ang exam sa Chemistry. Samantalang kami ni Heaven ay pumasang- awa lang kanina sa mga exam quiz namin.

“You’re a freakin mad scientist, dude!” Namamanghang sabi pa ni Heaven habang ‘di pa rin naiaalis ang mga mata sa mga chemical symbols sa papel ni Rumi.

“Kung tititigan mo ba ‘yan madadagdagan score mo sa quiz mo kanina?” Pangaasar ni L kay Heaven na tumapik- tapik pa sa braso nito.

“Hoy, Kalidasa! Huminga ka naman, dude! Kinakalimutan mo na yatang mabuhay?” Puna sa akin ni Ceyx. Tila nagising namang napakiurap- kurap ako.

“No message at all?” Tanong ni Kross sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak na cellphone.

“Monthsary namin ngayon.” Wala sa loob na sabi ko.

“Tch! Kaya nga makipagbati ka na.” Si Ceyx.

“Ayaw nga niya akong kausapin. Pinapatayan niya ‘ko ng cellphone. Seen lang lahat ng messages ko sa kanya.” Naaaburido kong sagot.

“Ano ‘yan? Iinom na naman tayo mamayang gabi?” Tanong ni Ceyx, “sira na mga atay natin, dude.”

“Huwag mo munang hawakan ang bagay na mainit pa. Mapapaso ka lang.” Komento naman ni Ten na himalang cellphone ang hawak at hindi aklat.

“Hindi uubra sa kanya ang flowers at chcolates.” Sabi naman ni Heaven.

Mapait akong natawa, “I know. Baka ihampas niya lang sa mukha ko mga ‘yon.”

“Kantahan mo na lang ulit.” Natatawang sabi ni L. The problematic Heaven snorted.

“Maawa ka sa future ng OPM, Kalidasa. Kumanta ka kung hindi ka tunog- palaka.” Nasimangot na anito.

“Tss! Ano ngang gagawin ko?” Naiinis kong tanong saka frustrated na naihilamos ang palad sa mukha, “Ang hirap- hirap naman e.” Humahapdi ang lalamunang anas ko.

“Just give up.” Rumi butted in.

“Paano ako susuko e mahal ko ‘yon.” Yamot na sagot ko habang exasperated na napapakamot sa ulo.

“’Yan na nga bang sinasabi ko e.” Napapapalatak na sabi ni L, “ganyang- ganyan talaga kapag natamaan ang mga former babaero.”

Tumayo ako sa kinauupuan ang dumiretso sa pintuan ng quarter palabas. Dire- diretso ako sa elevator at nang makapasok ay mabilis na pinindot ang palapag kung nasaan ang dojang ng Taekwondo. Nang bumukas ang elevator ay nagmamadaling tinungo ko ang dulong silid kung nasaan ang dojang. Nang buksan koi yon ay bumungad sa akin ang mga estudyanteng abala sa kanya- kanyang pageensayo. Hindi ko pinansin ang mga nagtatakang tinging ipinukol nila sa akin at lumapit sa kinaroroonan ni Cassidy na nakasuot ng puting Taekwondo uniform. Magulo ang pagkakatali niya sa buhok at bahagyang namumula ang pisngi dahil marahil sa pagod.

Helix University 2: Kalidasa dela CuestaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon