Three

707 25 0
                                    

Three

Dinala ko siya sa sikat na sikat na kainan malapit sa school. Umupo ako at gayun din siya. Nagpalinga linga lang siya sa paligid at inalisa ito.

"First time?" kuha ko ng atensyon niya.

Tumango siya. "Sa tagal na nating nagaaral dito, first time mo talagang puntahan ito?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ou." Lumapit pa ako lalo sakanya kaya agad niyang inilayo ang sarili niya saakin.

"Hindi kita hahalikan, may sasabihin lang ako." Binigyan niya lang ako ng kakaibang tingin at tsaka napatikhim. Napahalakhak ako.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Wala lang, para kasing patay na patay ako sayo kung umakto ka ng ganyan" hindi parin ako natigil sa pagtawa hangang sa nauna na siyang umorder ng makakain niya.

Pinagmasdan ko lang siya habang umoorder.

Pagbalik niya ay ang pagtayo ko naman at umorder. Buti nalang at kakaonti lang talaga ang tao ngayon dahil oras pa talaga ng klase.

Pagbalik ko sa table namin ay nagbabasa na naman siya ng libro. Seriously, wala na ba talaga siyang alam gawin kundi ang magbasa ng magbasa ng libro. Padabog kong inilapag ang order ko na nagpakuha ng atensyon niya.

"Galit ka?" malumanay na tanong niya.

Inirapan ko lang siya at tumingin ulit sa librong hawak niya.

"Wala kana bang alam gawin kundi magbasa ng magbasa, Ou alam kong matalino ka pero pati ba naman dito?"

Iniabot niya saakin ang kutsa at tinidor at tiniklop niya narin ang librong hawak niya.

"Ito lang kasi ang alam kong gawin."

Napatingin ako ng seryoso sakanya. "Im not like you, I don't have friends."

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon