Twenty Four

409 18 0
                                    

Twenty Four

Medyo inaantok pa ako habang palabas sa Unit namin, nauna na saakin si Tita dahil may tatapusin daw ito, kaya magisa ako ngayong maglalakad papasok. Pinindot ko na ang elevator ng makita kong pababa sa hagdan si Mr. Tahimik.

Napaiwas kaagad ako ng tingin sakanya.

“Pero kung may gusto ka sakin, dapat sakin ka lang” bigla na namang pumasok sa isip ko ang sinabi niyang iyan. Nauna akong pumasok sa elevator habang sumunod din naman siya saakin. Ako na din ang pumindot ng Ground floor. Bigla akong nailang sakanya.

“Morning” bati niya saakin.

“Morning din” awkward na sagot ko. Napalunok lang ako habang hindi makatingin ng diretso sakanya.

“About kagabi-” di na niya natuloy ang sasabihin niya at nagbukas na ang pinto ng Elevator. Nauna na akong humakbang ngunit maagap niyang hinawakan ang kamay ko. Nagtataka ko siyang tiningnan at hinintay ang sasabihin niya ngunit-wala na naman akong napala.

Napapikit ako at kusang kumawala sa pagkakahawak niya.

“Bakit ba ang hirap hirap mong basahin” huling sambit ko bago ako maglakad palayo sakanya.

Ang simple simple lang naman ng gusto ko, kung ayaw niya saakin sabihin niya. Hindi yung palagi nalang akong nagmumukhang tanga.

~*~
Nagpa-grouping ang Math subject namin kaya dahil sa bobo ako sa Math, nanahimik na lang ako sa isang tabi pero ang swerte nga lang naman ng mga ka-grupo ko. Ako, Mr. Tahimik, Ren at Raf. Si Mr. Tahimik lang ang matino saamin.

Hindi ko siya matingnan sa mata habang nagsasabi siya ng mga kung anong isasagot namin sa oras na tawagin ang grupo namin. Nalutang na naman ako.

Basta kapag Math talaga, wala akong maintindihan. Tinabihan ako ni Raf habang nagso-solve siya ng problems at itinuro pa saakin.As if naman na maiintindihan ko?

“Nage-gets mo na?” umiling iling ako. Bigla niyang ipinatong ang kamay niya sa balikat ko at itinutok ang ulo ko sa papel niya. Ang lapit na ng mukha naming dalawa.

“Ganito kasi yan-blah-blah-blah.” Otoke! Umiikot ang paningin ko sa mga sinasabi niya, wala akong maintindihan talaga. Napatingin ako kay Mr. Tahimik, para na siyang mangangain ng buhay. Bigla kung itinanggal ang kamay ni Raf sa balikat ko at umayos ng upo.

Nagtama na rin ang tingin naming dalawa. Inis na inis ang mga tinging ibinibigay niya at padabog na napatayo.

Nakita kong sinundan siya ni Raf, buti nalang at lumabas sandali yung guro namin kaya hindi sila napansin. Hinila na rin ako ni Ren para siguro sundan sila.

Nagtago kami sa pintuan ng Rooftop habang nasa loob sila. Gusto ko na sanang umalis pero ang higpit ng pagkakahawak ni Ren at pinipilit niyang dito na muna kami.

Binuksan niya konti ang pinto para makita sila ngunit nanatili lang ako sa pwesto ko, hinayaan ko lang na si Ren ang nakasilip doon.

“Ano bang problema mo?” galit na bigkas ni Raf kay Mr. Tahimik.

Wala akong narinig na tugon sakanya.

“Kung may problema ka saakin, sabihin mo. Napapansin ko kasing palaging iba ang tingin mo kapag nakikita mong madikit kami ni Enid.” Ipinikit ko ang mata ko nung narinig ko ang pangalan ko. Napahigpit din ang pagkakahawak ni Ren sa kamay ko.
Bakit ganun, wala pa naman akong naririnig na masasakit na salita pero may luha ng pumapatak sa mata ko.

“Why would I?” rinig kong sambit ni Mr. Tahimik.

“Umamin ka nagseselos ka ba?” napalunok ako.

Narinig ko ang pagtawa niya. “Ako magseselos? Sino ba siya?” at tuluyan ng nagunahan ang luha sa mata ko.

“I’m not even in love with her, ni wala ngang maramdaman ito, and you’re telling me na I’m jealous?” tuluyan na akong bumitaw sa pagkakahawak saakin ni Ren. Dahan dahan niya naring isinarado ang pinto para samahan ako pero mas pinili kong mapagisa.

Alam kong nagaalala siya, pero mas natatakot ako sa sarili ko. Hindi ko alam.

Umalis ako sa lugar na iyon na parang paulit-ulit na tinutusok ng karayom ang puso ko.

Nawala ako sa sarili at naglalakad sa kahabaan ng highway habang umuulan.
Naaawa ako sa sarili ko, pati pagpatak ng ulan hindi ko na na malayan.

Ine-expect ko naman na ito, na alam kong walang mapapala ang pagibig ko. Pero ang sakit-sakit lang, yung umasa ako sa mga sinasabi niya. Umasa ako sa bawat kilos niya, umasa ako sa mga coldness na ipinapakita niya pero ang unfair lang ng mundo, dahil kung kailan nagkakaroon kana ng pagasa maglalaho lang din pala.

I’m in’ love with him for 2 years, hinabol-habol ko siya, ginawa ko lahat para mapansin niya. Pero hindi pa pala sapat ang lahat ng iyon.

Ano pa ba ang dapat kung gawin para makita niyang karapat-dapat din akong mahalin, na karapat-dapat na suklian ang pagmamahal ko? Pero Enid, tama na. Maawa kana sa sarili mo.

Nanginginig akong pumasok sa Unit namin at nagdiretso sa kama ko, gusto kong matulog. Gusto kong mawala itong patuloy na tumutusok sa dibdib ko. Gusto kong magkasakit dahil baka sa oras na may sakit ako ay baka makalimutan ko siya, gusto kong manuod para mawala siya sa isip ko.

Ang dami kong gustong gawin, naiiyak nalang ako sa dami.

Ayoko siyang makita. Ayoko na sa lugar na ito.

Mababaliw na ata ako…

Ipinikit ko ang mata ko at huling nakita ang mukha niya, please umalis kana. Parang awa mo na…

You always broke my heart, ayoko na sayo. Hindi na kita mamahalin and I know in that moment alam kong magaalala ng sobra ang mga taong nakapalibot saakin.

I just miss my family. I want to see my Mom and Dad, gusto kong magsumbong sakanila. Na nasasaktan ako.

VOTE, COMMENT

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon