Thirty Five
Mr. Tahimik / Jelan Lopez POV
Napa unat ako ng aking mga kamay dahil sa posisyon ko kanina sa pagtulog. Nabasa kasi ni Jamie ang damit ko kaya nanghiram muna sila Mom ng damit sa Nurse at Hospital gown ang ibinigay saakin, nanatili pa ako roon ng ilang pang minuto nang biglang mapansin ko ang isang babaeng pamilyar saakin.
"Kilala kita." Sabi pa niya. Yumuko ako at inayos ang aking salamin. Medyo Malabo kasi ang mukha niya.
"Classmate kita diba?" sabi niya ulit. Naaalibadbaran ako sa presensya niya. Maingay.
Ahhh, kaklase ko nga siya. Siya yung isa sa pinakama-ingay sa loob ng klase. Naglakad ako palayo sakanya. Ngunit ng lumingon ako ng bahagya sakanya ay lumapad ang ngiti nito at nagpakilala. "Enid nga pala, Nice to meet you." Napairap lamang ako sa kawalan at tumuyan ng umalis.
Kilala kita Ms. Enid Vergara.That was the first time na nagkainteres ako. You're cheerful voice makes me shiver.
~*~
Ang akala kong natapos na usapan sa Rooftop ay nasundan, I don't know. Ang kulit niya, siya yung tipo ng taong hindi titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya.Alam kong nasa harap ko siya pero mas lalo kung itinuon ang sarili ko sa pagbabasa ng libro kaso may bigla siyang sinabi na nagpakuha ng atensyon ko.
"Sa totoo lang Mr. Tahimik. I'm sick." Ibinaba ko ang librong binabasa ko at seryosong napatingin sakanya. Bigla kong naalala si Jamie.
"Yung Hospital, na-confine ako talaga ako. I have a year to live" tinitigan ko lang siya. Hindi naman ako mahilig makipagtitigan sa ibang tao pero iba siya. She really have a talent to capture the persons heart kahit lang sa mga titig niya.
Dati ko pa siya napapansin, madalas ko din siyang titigan dahil ang cheerful niyang tingnan. Iyon bang para kang may pinapanuod na Romance Comedy kahit tingnan mo lang, she also has a beautiful smile.
Among our entire classmate she was the one who approach me first. Kahit noong First day of school, hindi ko iyon makakalimutan ang bawat ngiting ibinibigay niya kahit nagtatanong lang ako ng direksyon.
At hindi ko inaasahan na magiging malapit kami sa isat-isa. Kahit na maypagka-cold ako sa pagtrato sakanya, at siya ang kauna-unahang taong hindi ako iniwan. Kaya gusto ko siya.
Pigil ang bawat pagngiti ko sa tuwing nakaksalubong, tinitingnan at nakakausap ko siya. Ayokong makita niyang naghihina ako kapag kaharap ko siya. Ayokong makita niya akong nagseselos sa tuwing may kasama siyang iba.
Pikit mata ako sa bawat tingin niya kahit alam kong naririnig niya ang bawat pagtibok ng puso ko.
Bawat umaga sa paggising ko napapangiti ako dahil nasa ilalim na sila ng tinutong-tungan ko, ang kwarto ko ay ang kusina nila.
Ang aga ko palaging nagigising, para lang mag-abang sa balkunahe kung lalabas ba siya, gumagawa ako ng paraan para lang makita siya o makasabay man lang kahit sa Elevator.
At sa bawat paglipas ng araw, buwan at taon ay mas lalong lumalalim ang puwang niya sa puso ko.
At ang aga pa para husgahan ang panahon but this girl, I really deserve her. She is the woman I want to spend the rest of my life with.
Para akong pinapatay sa tuwing hindi ko siya masilayan ng kahit isang minuto o oras lang.
Ipinangako ko rin sa sarili ko na kahit kalian hinding-hindi ako ang magiging sanhi ng bawat pag-iyak niya pero nabigo ako.
Ilang beses ko sinubukang saktan ang sarili ko dahil sa mga pang-gagagong ginawa ko para sakanya, ilang beses akong naduwag para sa feelings ko.
Ilang beses akong nagpakatanga para protektahan siya sa mga taong alam kong masasaktan siya but it turns out na isa ako sa mga taong magbibigay sakanya ng walang pagpapahalaga.Enid Vergara, your name is the most beautiful word that I've said in this life.
I will be missing your gaze, smile and soft voice.
I just hope na sa susunod nating pagkikita, you will be successful as you deserve.
At sana huwag kang magpapaligaw, ako lang dapat ang may karapatang manligaw sayo.
Sinabi mo saakin na "The Stars Above us will never be the same again" pero hindi ako naniniwala.As long as nandito ka sa puso ko, You will always be my Star.
~*~Mahigpit ko siyang niyakap habang tinatawag na ang flight namin, ayokong umalis. Paano ko pa makikita ang bawat ngiti niya kung hindi lang isang pinto, isang building at kundi ilang milya ang pagitan naming dalawa.
Pinakawalan na niya ako pero ayaw kumalas ng katawan ko sakanya.
Sa huling pagkakataon, niyakap ko ulit siya ng napakahigpit at sandaling tinitigan.Hindi ko mapigilan, kusang gumalaw ang mukha ko at lumapat ang labi ko sa labi niya.
"You were my first kiss, Enid. Don't forget." Bulong ko sakanya
Sorry, Tita. Sana pagbigyan mo ako kahit ngayon lang.
Nagulat siya sa ginawa ko at may pumatak na namang luha sa mata niya. Tinawag na ako nila Mom kaya napatalikod na ako sakanya at nagsimulang lumabas luhang kanina ko pa pinipigilan.Goodbye, Enid.
Bago tuluyang pumasok sa loob, napalingon ulit ako sakanya. Napapikit ako habang nakikita ko parin siyang kumakaway saakin.
"I am willing to be your servant in our next life line, Enid."
________ End of High School Life______
Hi Guys, sa mga silent at active reader. Usap naman tayo sa ibaba. Badly need your feedback. Last update for today.
Kamsahamnida <3
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Teen FictionA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...