Forty One

437 16 0
                                    

Forty One

Nakalabas na kami ni Ren ng Hospital kaya medyo wala pa akong ganang magkilos kilos. Kanina parin ako nakatulala sa TV na pinapanuod ko dito sa unit ko.

Tamad kong binuksan ang nagdoorbeel at kaagad napangiti ng makita kung sino ito.

"Tita!" mabilis ko siyang binuhat habang nagtuloy tuloy naman si Tita sa pagpasok.

"Ta, hindi niyo man lang sinabi saakin na dadalaw pala kayo." pinaghahalikan ko si Asha ang anak ni Tita.

"Na-miss kita baby ko." kaagad akong sinamaan ng tingin ni Tita.

"Buti hindi ka natuluyan no' at nilihim lihim mo pa saamin ang nangyare. Alam mo bang halos hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sayo!" kaagad ko siyang niyakap habang karga karga ko si Asha.

"Sorry na, ayoko lang naman na pinagaalala ka." nakatanggap lang ako ng batok sakanya. Hinaayan ko lang si Tita na ilagay ang mga pinamili niyang grocery sa ref ko samantalang nilalaro ko naman si Asha.

"Jusko, Enid. Puro nalang delata ang laman ng Ref mo, magluto ka nga minsan." daldal niya habang nasa kusina.

"Okay lang yan Ta, hindi naman ako gaanong kumakain dito." mas lalong sumama ang tingin niya saakin.

"At talagang gusto mong pinapatay ang katawan mo, puro betsin nalang ang laman ng katawan mo. Ilang beses ko bang sinasabi sayo na wala akong tiwala kahit saan ka pa kumakain. Wala ng mas ihe-healty kapag ikaw mismo ang gumawa ng kinakain mo."

Humalikipkip siya sa harap ko.

"Sa bahay kana lang kaya tumira. Ayokong pinagaalala mo ako." Tumayo at pinakalma ko si Tita sa mga pagalit niya saakin.

"Huwag na Ta, pamilyado ka ng tao. at tsaka malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko."

"Yan ang mas kinakatakot ko ang maiwan kang mag-isa. Kakausapin ko ang Tito mo about sa pagbalik mo sa bahay-" hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"Ta, hindi na. Kaya ko na nga at tsaka sayang naman ang condo na ito kung hindi ko titirhan at mas accessible ito sa opisina ko. Ang layo kaya ng bahay niyo." Sumuko na siya at hinayaan ko na lang na magluto siya ng makakain namin.

Nilalaro ko lang si Asha. Simula ng grumadate ako ng College, nag-asawa na din si Tita. Natagpuan niya si Tito Juwan nung College ako at halos tumagal sila ng 4 years bago magpakasal kaya natutuwa talaga ako dahil nakapa-swerte ni Tita sa asawa niya. Napakabait nito.

Maganda rin si Asha. Tatlong taon palang ito at nakakawala talaga ng stress kapag nakikita ko siya. Panay lang ang halik ko sakanya buong maghapon.

~*~

"Papasok kana bukas?" tanong ni Tita habang naghahanda na sila na umalis sa unit ko.

"Ou." tipid na sagot ko. Humalik lang ako kay asha at Tita, tuluyan na silang nagpaalam.

Napahinga ako ng malalim at humiga sa kama. Ako na naman mag-isa.

Ipinilit kong matulog para makapagpahinga ng mahaba ngunit sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako sa kaluskos na likha ng kabilang unit.

Mukhang may bagong lipat na sa kabila, naguurong siya ng mga gamit niya. Tinakpan ko ng unan ang tenga ko para hindi ito marinig kaso sobrang lakas talaga. Haist.

Inis kong kinuha ang headset sa bag ko at nagpatugtog na lang.

Maaga ako nagising kinabukasan kaya mas mahaba ang oras na makakapag-ayos ako.

Nag-Taxi ako papunta office dahil ginagawa pa ang sasakyan ko. Nakipag hello lang ako sa receptionist at ngumiti.

Maaga pa masyado kaya maaayos at malilinis ko pa ang office ng boss ko.

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon