Thirty
Nagising ako ng maaga dahil sa lakad namin ni Ren. Alam narin ni Tita na magtitingin kami ng damit na susuotin para sa Acquitance Party.
Naligo lang ako at nagayos ng sarili. Palabas na ako ng unit ng tinawag na naman ako ni Tita, bibigyan lang pala niya ako ng pera.
Out of Service ang elevator kaya pahirapan kami sa pagbaba at pag-akyat sa hagdan. Kagabi pa ito.
Bumaba na ako ng hagdan ng makatanggap ako ng tawag kay Ren.
“Nasaan kana? Nandito na ako sa labas ng apartment mo. Kasama ko si Kuya, hahatid daw tayo sa Mall.”
“Eto na, pababa na. Sira kasi elevator kaya hagdan ako ngayon.”
“O’sige. Nga pala nakasalubong ko si Mr. Tahimik. Magtago ka. Makikita mo siya, pero nasayo padin. Baka gusto mo siya masilayan bago tayo umalis.” Kaagad kong pinatay ang tawag niya at nagtago sa 2nd floor sa dulo. Naghintay ako ng mga limang minuto bago lumabas ulit ngunit kaagad akong napatigil sa paghakbang ng makita ko siya sa harapan ko.
Naiilang akong tiningnan siya.
“B-bakit?” utal utal na sambit ko. Namumula ako.
“Alam kong pinagtataguan mo ako.” Hindi ako makatingin sakanya.
“H-hindi ah, may hinabol lang akong pusa na pumunta dito.” Pagpapalusot ko.
Nakita ko ang pagngiti niya. Tunaw na naman si Enid.
“Anong ngini-ngiti mo diyan?”
“Halata kasing nagpapalusot ka lang” lumapit siya saakin at bumulong. “Narinig ko talaga ang sinabi sayo ni Ren kaya alam kong magtatago ka” Napalunok ako at itinulak ang malapit niyang mukha saakin.
“H-hindi pa tayo bati, lumayo ka nga saakin.” Para akong tangang tumatakbo sa kung nasaan siya ngayon. Dali-dali akong bumaba kila Ren. Napatingin pa ako sa 2nd floor. Nanduon parin siya, nakatingin saakin.
“Long time no see Enid” bati saakin ng Kuya ni Ren ng makapasok ako sa kotse. Nginitian ko lang si Kuya at umalis na kami.
Makaraan ng ilang minuto ay nasa tapat na kami ng Mall, hindi na saamin sumama si Kuya dahil may lakad pa daw ito.
Kaagad na kumapit saakin si Ren at kinikilig na nagtanong.
“Nagtago ka no” bungad niya saakin habang naglalakad papasok sa Mall.
“Ou.” Humaglapak siya ng tawa.
“Hindi naman halatang iniiwasan mo siya. Sorry pero sinadya ko talagang iparinig sakanya yun, hindi ko naman kasi alam na totohanin mo.” Sinamaan ko siya ng tingin at binatukan.
“Alam mo ba kung gaano ako ka-awkward nung makita kong nasa harapan ko siya?”
“Sorry, sorry.” Tawa padin siya ng tawa. Bahala ka diyan, nagpanggap akong galit sakanya at nauna ng maglakad.
Nasa mga pambabaeng mga boutique na kami. Kaso nakakaisang oras na ata kami sa kakatingin, wala parin kaming nahahanap na maganda.
Pagod kaming napatingin sa isat-isa. “Nauuhaw ako.” Anyaya niya.
“Tara, bili muna tayo ng maiinom.”tumango-tango siya sa sinabi ko at nagtungo kami sa Foodcourt ng Mall para maghanap ng maiinom.
Lemon juice ang napili naming inumin, umupo lang kami habang inuubos ang inumin ng may pamilyar na babaeng dumaan sa harap namin.
“Si Aiza ba yun?” pangu-ngumpirma ko kay Ren. Sinundan niya ang tinitingnan ko.
“Ou. Baka mamimili din ng susuotin.” Sagot niya kaso bigla kaming natahimik ng biglang sumulpot si Raf. Pareho kaming napakunot noo.
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Novela JuvenilA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...