Nine
Masaya kong binuksan ang baunan ko habang nasa harap ko naman si Mr. Tahimik, si Ren naman ay umorder ng kanyang makakain.
Napangiti ako ng Chicken Adobo at Boiled Egg pala ang niluto ni Tita kanina. Napatingin ako sa pagkain ni Mr. Tahimik pasta at may ibat ibang uri lang ng fruits.
Napasimangot ako.
"Why?" Tanong niya habang naguumpisa ng sumubo ng pagkain.
"Yan lang ang kakainin mo? Nakakalungkot naman" sabi ko.
"Hindi naman ako malakas kumain katulad mo" wala sa wisyong sagot niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagumpisa na din kumain.
Di rin nagtagal ay nasa tabi ko na si Ren. Ang daming kwento ni Ren about sa bahay nila saakin, kaya kahit na gusto ko ng kulitin si Mr. Tahimik ay hindi ko magawa dahil sa madaldal kong kaibigan. Haist.
Matapos ang ilang minuto ay sabay sabay na kaming napatayo at nagtungo sa classroom.
Gusto pa sanang magpahangin ni Ren sa field kaso tinanggihan ko nalang at sumama kay Mr. Tahimik, wala na ding nagawa si Ren at sumunod.
Pagdating sa classroom ay nagbuklat kaagad si Mr. Tahimik ng libro. Napasimangot ako at bigong umupo sa upuan ko. Kinalabit ako ni Ren.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong niya.
Napakibit balikat ako. "Matulog kana lang" sambit ko ngunit napabusangit lang siya at yumuko roon.
Napasulyap ako kay Mr. Tahimik at nagbabasa parin siya ng libro. Kailan ko pa kaya masusundan yung nasa List niya?
END OF FLASHBACK
Napatingin ako sa nagri-ring kong phone at inilapag ang aking kinakain.
Si Tita pala ang caller.
"Yes po" sagot ko sakanya habang sumusubo na ulit ng pagkain.
"Pwede mo ba ako samahan ngayon?" Sabi niya.
"Saan Ta?"
"Maghahanap tayo ng malilipatan" napahinto ako sa pagkain.
"Why Ta?"
"Naisip ko lang kasi na baka mas makakabubuti kung lumipat tayo sa mas maliit na bahay, masyado kasing malaki ang bahay para saating dalawa. At malayo din siya sa school" sandali akong napaisip dahil sa sinabi niya.
"Sige po, magaayos lang ako." Sabi ko
"Okay, hintayin kita dito sa labas ng school. Magsimula tayong maghanap dito sa malapit lang."
"Sige po"
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na ako sa pagkain gayun din sa pagaayos ng sarili.
Nilock ko ng maayos ang bahay at naglakad patungo sa sakayan patungong school.
Mabuti na din siguro na lumipat kami ni Tita, hindi na ako mapipilitan magising ng maaga para lamang hindi malate sa pagpasok at hindi na rin ako mahihirapan sa dalawang tricycle at isang jeep papasok.
Nang makarating ako sa gate ng school ay kaagad kong tinawagan si Tita para alam niyang narito na ako at hindi pa nga nakaka sampung minuto ay nasa harap ko na siya.
"Ang bilis mo" pambungad ko sakanya.
"Kanina pa ako tapos sa Lesson Plan, hinihintay lang talaga kita"
Napabusangot nalang ako at sinundan siya sa paglalakad.
Nang medyo malayo layo na kami sa school ay napatingin na ito saakin.
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
JugendliteraturA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...