Forty Four
"Uuwi na ako." Paalam ko sakanya. Kanina parin ring ng ring ang cellphone niya. Isinignal niya lang saakin na sasagutin niya muna ito at hintayin ko siya kaya ganun ang ginawa ko.
Matapos niyang makipag usap ay nangungusap ang mata niyang tumingin saakin.
"Dito ka lang, pupuntahan ko lang ang E.R. Emergency daw" napatango ako sa sinabi niya. At bago siya tuluyang umalis ay humalik muna ito sa ulo ko.
"I will be back. Magpahinga ka muna." Aniya at tuluyan ng umalis.
Naiwan akong minamasdan ang kabuuan ng opisina niya, may mga awards din siyang nakuha sa pagiging Doctor niya.
Ngayon ko lang narealize kung gaano ako ka-proud saknya. Buti nalang at ginamit niya sa wasto ang pagiging matalino niya. Marami siyang natutulungang mga tao.
Napadako rin ang paningin ko sa isang Certificate.
Certificate of Completion for completing the Medical Mission in Saudi
For 5 years?
Nanirahan siya sa Saudi ng limang taon? Kaya pala hindi siya nagpaparamdam talaga saakin. Nalungkot ang mukha ko at naupo sa swivel chair niya.
It must be hard for him. Magisa siya doon at walang kilala.
Sunod kong pinagbubuklat ang mga Medical Records ng mga pasyente niya pero wala akong maintindihan kaya itinigil ko na-ngunit kaagad na napatigil ang mata ko ng makita ko ang Picture frame na nakapatong sa table niya.
Picture ko na nakangiti ang naka-display doon. Naka school uniform pa ako nito nung high school.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko ng isiping, patay na patay nga siguro talaga siya saakin noon at nagagawa niyang palihim na kinukuhanan ako ng litrato.
Sunod kong binuksan ay ang drawer niya ngunit mas lalo akong kinikilig ng makita kong puno ko ng mga picture ito.
Isa isa kong pinagtitingnan ito at halos lahat ng kuha dito ay itong mga nagdaang taon, may mga litrato rin siya simula nung College at hanggang sa nag OJT, First Interview at ng makapasok ako sa kompanya.
May binayaran ba siyang photographer para kuhanan ako? Halos lahat ng kuha ko dito ay stolen, may mga kuha din na may kausap akong lalaki at halos lahat ng mga lalaking iyon ay burado ang mata.
Bigla kong naimagine kung gaano niya kinaiinisan ito. Kung gaano siya nagseselos habang sinisira ang pagmumukha nito.
Cute.
Masyado na akong naaliw sa pagtitingin kaya nakaramdam na ako ng antok. Iniyuko ko ang mukha ko sa table at napapikit.
~*~
Nagising ako ng maramdaman kong may bumuhat saakin. Pagtingin ko ay siya lang pala, inilipat niya ako sa Bed niya rito sa kanyang Opisina. Dahan dahan niya akong inihiga at pinagmasdan.
"Nakita mo?" Nahihiyang sabi niya. Tumango ako.
Umupo siya sa tabi ko at hinahaplos ang aking buhok.
"Hindi ko sinasadya." Tanging naging sagot ko. Hindi ko maitago ang pamumula ng pisngi ko.
"Ngayon alam mo na kung gaano ako nanabik sa araw na ito" titig na titig siya saakin na animoy ilang segundo nalang ay matutunaw na ako.
"I miss you so much na gusto ko ng lumipad pabalik ng Manila para lang makita ka."
Pinakinggan ko siya, dahil wala ng mas lalambing pa sa boses at mga salitang binibitawan niya.
Nagpipigil ako ng ngiti dahil alam kong makikita niyang kinikilig ako sa mga oras na ito, napapaiyak na nga dahil sa mga comforting words na sinasabi niya.
"If pina-asa kita no huwag mong isipin yan dahil sa ating dalawa ako ang mas umasa, ako ang mas nanabik na darating ang araw na hindi na ako masasaktan kapag nasa harap na kita. You were my sadness and happiness at the same time."
Hindi ko n naikubli ang saya ng bawat luha ko.
Napangiti siya habang pinupunasan ang lahat ng iyon.
"I wish I was there when you need me the most."
"Pero itong pagkaduwag ko ay wala namang magandang naidulot. Inilayo ko lang ang sarili ko sa opportunity na maging masaya."
"Matulog kana, aalis pa tayo bukas." Sabi niya at nagtangka na sanang tumayo pero pinigilan ko siya.
"S-san ka pupunta?"
"Sa labas may-" hindi ko na siya pinatapos at pinaupo ko na rin ito. Inabot ko din sakanya ang kumot.
Napangiti siyang tumingin ng seryoso saakin. May sumilay na naman na kakaibang ngiti sa labi niya. Lumapit ako papalapit sa tenga niya.
"H-huwag kang magalala, kahit na gusto na kitang gapangin. Hindi kita gagalawin, manliligaw ka pa diba? Papatayin ako ni Tita." May kakaibang ngiti na gumuhit sa mukha ko ng makita ko ang nanghihinayang niyang reaksyon.
May pagnanasa talaga saakin to.
Maliit lang ang kama at pang isahang tao lang kaya sobra ang yakap niya saakin para hindi kami mahulog.
"Enid."
"Hmmm" sagot ko.
"Finally, I can hug you now, anytime, everyday and everywhere." Natawa ako sa sinabi niya.
"Bakit, sa panaginip mo lang ba ako nayayakap?" Hindi siya nagsalita kaya nagtama ang paningin naming dalawa.
"No. Masyado kang madamot, ilang beses kong pinagdasal na sana dalawin mo ako kaso hindi ka dumating." Hindi matigil ang pag ngiti ko sa mga sinasabi niya.
"Ikaw ba talaga si Mr. Tahimik ko?" Mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"Na miss ko ang pagtawag mo saakin ng ganyan, ilang beses kong pinaulit ulit sa sarili ko noon na sana pala nirecord ko iyan para umaga palang sa paggising ko. Naririnig na kitang tinatawag ako."
Natahimik ako. Bakit prang patagal ng patagal, ang corny na niya? O sadyang walang puwang ang kilig na nararamdaman ko kaya- pero seriously nasaan na ang tahimik na side niya?
Bakit ang daldal na niya.
"Goodnight." Bulong ko sakanya.
"Goodnight, please come and visit me." Huli niyang sinabi at pumikit na.
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Dla nastolatkówA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...