Forty Five
Napahinga ako ng malalim at nagtatalon sa kwarto, Omygod. Yung puso ko, ang saya-saya. Gusto kong hampasin ang aking sarili dahil sa mga nangyayare.
Napahilamos ako sac r at napangiti sa sariling salamin.
Ang landi landi mo na naman Enid. But it's good to see you smiling, parang bumabalik ako sa pagka-high school. Kumuha ako ng face towel at padampi itong dinadampi sa mukha ko. Sinagot ko rin ang napakingay na tunog ng cellphone pagtingin ko ay si Ren lang pala.
"Yes..." sagot ko sakanya.
"Ano na, kinukulit ako ni Lucas kung kalian ka ba daw niya ulit makikita."
"Sabihin mo, hindi na ako makikipagkita."
"Ha! Why?"
"Liligawan na ako ni Mr. Tahimik." Kilig na kilig na sambit ko sakanya. Narinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya.
"...at why? Nagpauto ka na naman." Inis niyang bigkas.
"Hindi no, I just realize ang na marami na palang nasasayang na panahon saamin. At alam ko na ang lahat. Alam ko na ang reason niya sa lahat."
"At ano naman aber?"
"Usap tayo next time, masyadong mahaba kapag sinabi ko sayo thru phone." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at tuluyan ng nagpaalam.
Makaraan ng ilang minuto ay napalabas ako ng kwarto dahil sa pagdoor-bell. Pagkabukas ko ng pinto ay kaagad na nakangiting si Mr. Tahimik ang bumungad saakin.
"B-Bakit?"
Pasulyap niyang tinitingnan ang kabuuan ng unit ko.
"Anong bakit? Can I come in." Humindi ako. Jusko hindi pa ako nakakapaglinis at yung maleta ko na dala sa Japan, nakakalat pa. Hindi pwede.
"Bakit?" siya naman ang nagtanong nito sakanya.
"Hindi pa pwede." Nagisip ako ng idadahilan. "Kasi magagalit si Tita kapag nalaman niyang nagpapapasok ako ng lalaki dito." Inibahan niya ako ng tingin.
"Don't worry, hindi ko huhusgahan kung gaano kakalat ang Unit mo. Pangarap ko lang talaga makita ang loob nito." Wala na, talo na naman ako. Tuluyan na naman siyang nakapasok sa loob. Bakit ba ang bulaklak ng mga sinasabi niyang mga salita. Mas gusto ko pa na tahimik lang ito kaysa sa napaka vocal, pakiramdam ko kasi lalayasan na ako ng puso ko kapag pinagpatuloy niya ang pagsasalita.
Nasa sala na ito at natatawa sa mga nakikita niya-OmyG. Nanlaki kaagad ang mata ko ng makitang nagkalat ang mga undies ko, naiwan ko nga palang nakabukas ang maleta. Dali-dali kong sinipa ang Maleta para masara ito pero wala na, huli na ang lahat.
Natatawa siyang lumapit saakin at bumulong. "As expected you are really my Enid." Aniya at tsaka tumingin sa dibdib ko. Naiwan akong nanlaki ang mata sa mga sinasabi niya.
Huwag niyang sabihin na naalala niya pa yung Bra incident. Omy! Kaya ba siya tumingin sa dibdib ko. Pinaghahambing niya ang bra at ang-Haist. Nevermind.
Naupo siya sa parang Bar Counter ko, binigyan ko lang siya ng maiinom at tsaka seryosong tumingin sakanya.
"Ikaw nga magtapat ka saakin, kalian mo pa ako sinusundan?"
Napangiti siya habang pinagmamadan ang basong hawak niya.
"Eversince I went to U.S." tumingin siya ng seryoso saakin "Palagi akong nakikisuyo kay Raf na kuhaan ka ng picture. Kapag may free time siya, minsan naman naghire mismo ako ng susunod sayo dahil sa sobrang wala akong idea sa mga ginagawa mo. I miss you badly na umabot sa punto na gusto kong bumalik dito sa Pilipinas para ako mismo ang sumunod-sunod sayo. Did I feel you uncomfortable?"
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Dla nastolatkówA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...