Twenty One
Kaagad nagsipagtayuan ang mga kaklase ko ng marinig nila ang bell, kinuha ko lang din ang bag ko at inilabas doon ang baunan ng biglang may lumapit sa pwesto namin na magandang babae- siya ata yung muse ng klase na ito.
Nagkatinginan kami ni Ren at sabay na pinagmasdan yung Girl.
"Jelan, uhmmm" nahihiya niyang tawag. Napatingin ako sa mga kasama niya at mukhang hinihintay lang din nila ang sasabihin ni Girl.
Tinitigan ko din ng maigi si Mr. Tahimik at naghihintay lang din ito ng sasabihin niya.
"P-pwede bang makasabay ka sa paglunch" ani noong babae.
Napasimangot ako. Kung nasa Section E lang kami baka kanina ko pa pinigilan ang sasabihin nitong babae ito pero di ko naman teritoryo ito, bigla ko tuloy namiss ang classroom ko.
Sinenyasan lang ako ni Ren na "tara na" kaya sumunod na din ako ng bigla akong magtaka dahil hinawakan ni Mr. Tahimik ang braso ko.
"Hindi pwede, may kasabay na ako" aniya, pinandidilatan ako ng mata. Awkward akong napangiti doon sa babae habang hinihintay nito ang isasagot ko.
"Ah-e. Ou, magkasabay pala kami" iyon na lang ang naging tugon ko habang hindi ko maitago ang kabog ng dibdib ko dahil sa nakahawak niyang kamay sa braso ko.
Magkakasabay kaming tatlo patungong canteen, kapansin pansin din ang mga kinikilig na mga ngiti sa bawat nakakasalubong naming mga babae.
May magnet ata siya dahil hindi lang ako ang nakukuha niya.
Nauna kaming maupo ni Ren sa upuan at hinintay ang bumibiling si Mr. Tahimik.
"Laki ng pinagbago niya" sabi saakin Ren. Tumango ako.
Pinagmasdan ko ang bawat tinging ibinabato sakanya ng mga babae sa paligid. Bigla akong natahimik.
Kung dati ay ang kasungitan at katahimikan niya lang ang kaagaw ko sakanya, ngayon ay madami na sila.
"Oh, diba dapat masaya kana kasi nakabalik na yung crush mo" sabi saakin ni Ren.
Huminga ako ng malalim. "Mas gugustuhin ko pa na Nerd nalng siya kaysa sa ngayon."
"Nagseselos ka?" Hindi ko maitanggi.
"Ano ka ba, hindi naman nadadaan sa ganda yan, nasa determinasyon yan" kinindatan niya pa ako sa sinabi niya. Nanahimik nalang kami dahil dumating na si Mr. Tahimik. Tumabi pa ito saakin kaya yung mga nanlilisik na mga mata ng bawat estudyate na narito ay nakatingin saakin.
Para bang mali na nasa akin siya ngayon.
"Kamusta bakasyon mo?" Tanong kaagad ni Ren saknya.
"Good" napatitig ako sakanya. Kamusta kaya yung pagpapagamot niya, okay na kaya siya? Gusto kong hilain ang dila ko para matanong ito sakanya pero nagdadalawang isip ako, baka kasi kapag nalaman niyang alam kong may sakit siya ay lumayo ito saakin kaya minabute ko na lang na ilihim nalang muna ito.
"Kumain kana" aniya. Napabalik ako sa sarili ko.
Nakita ko pa ang paghalakhak ni Ren at matiwasay na kaming kumain.
Matapos nun ay bumalik na din kami sa classroom, pareho kaming napayuko ni Ren sa table, nakaharap ako kay Mr. Tahimik samantalang si Ren naman ay piniling pumikit na lang.
Pinagmasdan ko ang bawat paglipat niya ng pahina. Napapangiti ako.
Kahit pala paglipat lang ng pahina ng libro nakakainlove na.
Tinitigan ko siya at nung magtama ang tingin naming dalawa.
Bigla akong nagsabi ng "I miss you" na kinadahilan ng pamumula sobra ng pisngi ko. Hindi ko maipaliwanag. Iniba ko na ang direksyon ng mukha ko at tinampal tampal ang labi ko.
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Roman pour AdolescentsA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...