Thirty One
Wala akong kibo habang nakaupo sa table, hindi mawala wala sa isip ko ang nangyare.
"Umayos kna, malapit ng mag 12." Sinimangutan ko si Ren. Kanina ko pa gusto umuwi kaso pigil siya ng pigil. Sa sitwasyon ko ngayon, nawalan na ako ng gana sa Party.
Uminom lang ako ng juice bago mag annouce ang nasa entablo.
"Find a partner by 11:55 pm, and you can remove the mask of your partner by 12 midnight " anunsyo nila.
Biglang umingay at nagtitili ang mga tao. Nilapitan din ako ni Tita.
"Tumayo ka nga diyan, nakamukmok ka lang. Sayang ang ginastos ko sa gown mo. Maghanap ka ng partner mo." Kinunutan ko siya ng noo.
"Ayoko nga"
"Isa..." pinandidilatan niya na ako ng mata kaya wala akong magawa kundi tumayo at nagkunyareng naghahanap ng Partner. Hinahanap din ng mata ko si Ren ngunit di ko siya mahanap.
Nagka-countdown na ang monitor na nasa unahan. Its 11:53 at nagkakagulo na ang iba dahil wala pa silang mahanap. Napahawak ako sa balikat ko at kukuha na sana ng maiinom ngunit biglang may humarang sa daraanan ko.
Unti-unti akong napalingon sakanya. Hindi ko siya maaninag dahil sa ilaw sa likod niya. Inilahad niya ang kamay niya saakin na animoy inaaya akong maging partner niya kaso napailing iling ako.
"Sorry, wala akong balak sumali sa mga pakulo nila" hindi niya ako pinakinggan.
Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako sa gitna. Napalinga linga ako. Nakita ko si Tita na nakangiti saakin dahil siguro nakakita na ako ng partner. Halos mapuno nadin ang harapan dahil halos lahat ay may partner na.
Napatitig ako sa lalaki, kulay gray ang suot niyang tuxedo. Kulay itim naman ang mask niya. Napakunot noo ako sa height niya, magkasing tangkad kasi sila ni Mr. Tahimik.
Ayan na naman ako kay Mr. Tahimik.
"Its 11:55pm, meron na bang partner ang lahat?"
Napuno na naman ng hiyawan ang pinagdarausan. Naiilang ako.
Tumahimik na ang buong paligid at nagsisimula ng ang napakagandang tugtog. Nagmasid ako sa paligid, halos lahat ng lalaki ay nag o-offer na ng kanilang mga kamay.
Kinakabog ang dibdib ko.
"May I dance you" ani noong lalaki at tsaka inilahad ulit ang kamay niya.
Biglang naghuhurmitado ang puso ko. Tiningnan ko lang ng ilang segundo ang mga kamay niya bago ko ito tuluyang tinanggap.
[Sa Aking Puso by Rachell Ann Go]
[Please play the songs.]
Uulit-ulitin ko sa 'yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo
Kahit kailanma'y hindi magbabagoInilagy niya ang kamay ko sa balikat niya at ang kanya naman ay dahan dahang nilapat sa bewang ko.
Hindi ako makahinga.
Nang maglapit ang mukha namin ay naiilang ko siyang binulungan. "Sorry, hindi ako marunong sumayaw"
"Just follow the song, hindi rin naman ako marunong." Ika niya.
Ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig
Wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisaPamilyar ang height niya, pamilyar na din saakin ang boses niya. Tsaka ko lang naalala na siya nga pala yung lalaking naglagay saakin ng band aid.
Di ko nais na mawalay ka
Kahit sandali sa aking piling
Kahit buksan pa ang dibdib ko
Matatagpua'y larawan moTinitigan ko ang mga mata niya. Matagal sobrang tagal.
Ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig
Wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisaBiglang may lumandas na luha sa mata ko at napatigil kaming parehas.
".... and now you can remove your partner mask"
Tumigil ang oras, alam ko na kung sino siya.
Hinayaan ko siyang tanggalin ang mask ko habang hindi ako makagalaw, patuloy parin sa paglandas ang luha sa mata ko.
Ngumiti siya saakin habang pinupunasan ang luha sa mata ko.
"Alam mo na pala kung sino ako" aniya habang pinupunasan parin ang luha sa mata ko.
Hindi ako nagsalita.
"Hindi sana ako attend kaso gusto ko lang maging selfish ngayon, Ayokong may ibang makakita sa ganda mo ngayong gabi. Thats why pinilit kong pumunta" ang lambing lambing ng boses niya.
Ipinikit ko ang mata ko para matigil na ang luha sa pagpatak at hinayaan siyang magsalita.
"You are beautiful tonight Enid." Idinilat ko ang mata ko at naglakas loob na tanggalin ang mask na nasa mata niya.
Napangiti ako ng masilayan ko ang napakagwapo niyang mukha.
"You were the first woman who remove my big glasses" ngumiti siya "... and now you are the only woman who have the right to see the beauty/ handsomeness inside of me"
Diba dapat galit parin ako sakanya? Pero mukhang hanggang dito nalang ang pagtitiis ko.
Hindi ko na kaya, ayoko ng pigilan ang nararamdaman ko.
Wala na akong pakialam sa kung ano ang meron siya, problema niya at kung ano pa ang sekretong meron siya, i just want to hug him.
Gusto kong ipagsigawan sa mga taong nandito na Finally Mr. Tahimik is really into me. I can see it, the sincerity of his eyes.
Bigla na namang tumulo ang luha ko, hindi dahil sa nasasaktan ako o ano. Napapaiyak ako kasi ngayon ko lang narealize kung gaano ako kaswerte sa bawat ngiting ibinibigay niya saakin ngayon.
It is beautiful.
Lumapit siya saakin. "I like you, Ms. Enid Vergara"
Wala na ata akong ginawa kundi umiyak ng umiyak, samantalang siya naman ay punas ng punas.
"Jelan, kayo nalang natitira sa gitna." Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Tita na nasa gilid ko na. Sinamaan niya ako ng tingin.
Napasulyap ako sa paligid at wala ng tao, bumalik na sa mga upuan nila. Bigla ako nakaramdam ng hiya.
Hinila ako ni Tita doon habang nakasunod naman si Mr. Tahimik.
Nakita ko rin si Ren na panay ang thumbs up saakin, inibahan ko siya ng tingin. Naidako ko rin ang paningin ko sa kasama niya si Rem ba yun?
Huwag niyang sabihin na si Rem ang partner niya? Omo!
Nakita ko rin sa di kalayuan si Aiza na ang sama sama ng tingin saaming dalawa ni Mr. Tahimik. Nagwalk out ito na kaagad din namang sinundan ni Raf.
Kahit hindi ko pa talaga alam kung ano ang kwento nila, base sa mga narinig, I just want her to find peace and love.
Pinaupo kaming dalawa ni Mr. Tahimik ni Tita at masamang tinitigan.
Patay talaga ako dito. Ito na ang sandamakmak na pangaral na magaabang saakin sa bahay.
Vote, Comment
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Teen FictionA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...