Forty Six
Tamad kong pingbuksan ng pinto, kanina pa doorbell ng doorbell ang ingay! Humihikab pa ako ng tuluyan kong makita kung sino ito. Tamad kong minulat ang mata ko.
"Why? Ang aga aga pa?" nakabusangot na sambit ko sakanya. Napangiti siya sa itsura ko.
"Magbihis ka, aalis tayo." Aniya. Napatingin ako sa wall clock. Its 7:00 am palang ng umaga.
"Maaga pa." tamad na sabi ko sakanya. Mabilis niyang sinalo ang ulo ko na gume-gewang gewang dahil sa antok.
"Dali na, may pupuntahan pa tayo." Inis akong tiningnan siya at nagtungo sa kwarto. Humiga ulit ako. Bahala siya diyan, 5 minutes please. 5 minutes...
Kaagad akong napabangon ng maramdaman kong may bumubuhat na saakin papasok sa cr.
"Yah!" sigaw ko sakanya.
Ngumingiti pa siya habang binuhat ako papuntang bathtub.
"15 minutes na ang nakakalipas akala ko nakaligo kana, buti nalang sumilip ako sa kwarto mo at tinulugan mo lang ako." Daldal niya. Napahinga ako ng malalim at umokay-okay na.
Inabot ako ng isang oras sa pagaayos ng lumabas ako sa aking kwarto. Sakto naman ang pagtayo niya at pagpatay ng T.V.
Naka-short at simple t-shirt ang suot ko, samahan mo din ng Rubber Shoes. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa.
"Palitan mo short mo, mag pants ka." Napa-what look lang ako sakanya at pumasok ulit sa kwarto.
What the hell. Inaantok pa ako kanina tapos sapilitan niya akong pinaligo tapos ngayon naming nakashort ako mag-je-jeans ako, ang iinit kaya sa labas. At saan ba kami pupunta?
Nilagyan ko lang konting style ang tshirt ko at lumabas na, mukhang aprobado narin naman ito sa gusto niya kaya lumabas na kami ng Unit. Sabay kaming pumasok sa loob ng Elevator at binigyan ko siya ng kakaibang tingin.
"Saan ba tayo pupunta? Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko sakanya.
"Wala, nagleave ako." Tipid na sagot niya at tuluyan ng bumukas ang elevator sa Parking Lot. Tamad akong naglalakad habang siya naman ay hinihila ako. Hindi pa nga niya sinasagot kung saan kami pupunta at kahit na nakaligo na ako ay inaantok padin ako.
Pagpasok palang ng sasakyan at maagap na niya akong inunahan sa seatbelt ko. Nangiti-ngiti pa siya habang ang lapit ng mukha saakin. Kaya wala na din akong nagawa, napangiti na din ako.
"Nakakainis ka." Sabi ko sakanya.
"Why?"
"Ang aga mo magpakilig. Inis ako sayo." Pabulong bulong ko sakanya. Nakikita ko siyang ngumingiti sa isang suloko habang nagda-drive. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng ihinto niya ang sasakyan sa Drive thru.
Jollibee.
Cluless ko siyang tiningnan, malayo ba ang pupuntahan namin at kailangan naming mag drive thru pa? Tinanong niya lang ako sa order ko at umorder na siya. Panay lang ang titig ko sakanya ng kakaiba hanggang sa sumuko na siya.
"Okay, Pupunta tayo sa Tita mo." Teka, saan daw?
Tita? Napatingin ako sakanya ng seryoso. "Kay Tita?" tumango siya "Ko?"
"Ou nga, liligawan kita ng formal at tama dahil alam kong mas deserve mo iyon." Natawa ako sa mga sinasabi niya.
"Nagbibiro ka lang diba?" umiling iling siya.
"Seryoso? Alam na ba nila Tita?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Ou."kalmadong sambit niya. Nanlaki ang mata ko. "Paano?"
"Kinuha ko sa phone mo kahapon ang number niya." Ika pa nito. Kahapon? Kahapon, ano bang nangyare kahapon. Kaya ba ayaw niya umuwi sakaniila at tinulungan niya akong maglinis ng bahay dahil may binabalak na siya. Woah. Gusto ko siyang palapakan sa mga pinaplano niya.
Kung kanina ay inaantok ako, ngayon ay gising na gising na. Kinakabahan ako kapag nagkaharap na sila ni Tita. Mga sasabihin niya, dahil paniguradong magtatanong yun kung bakit hindi ito nagparadamdam sakanya.
Papaano kung ayaw na sakanya ni Tita, paano na? Tatanda na ba akong dalaga?
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Ngumiti siya saakin at inginuso ang pagkaing hawak ko. "Hindi mo ba ako susubuan, gutom na ako."
Medyo nawala ang iniisip ko habang naaliw sa companion niya, nagbalik lang ulit ito ng maging pamilyar na kami sa Village na pinapasok namin. Natigil na din ako sa pagngiti at napangunahan na ng kaba. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko, sinulyapan ko siya. Kahit hindi naman niya sabihin, alam kong mas kinakabahan siya saakin.
Pareho kaming napahinga ng malalim ng matanaw ko na ang bahay nila Tita. Kalmado siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Tinitigan ko siya ng seryoso at alam ko at basa ko na seryoso talaga siya sa gagawin niya.
Nauna na niyang pindutin ang doorbell. Inayos ko lang ang sarili ko at sumunod narin sakanya. Si Tito Juwan ang nagbukas ng pinto, niyakap niya lang ako at kinamayan naman si Mr. Tahimik. Masigla siyang pinapasok kami sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kung natutuwa ba ako sa nararamdaman ko, palagi naman akong narito sakanila. Pero bakit parang sasabog ang dibdib ko sa kaba?
First time ko lang din naman kasi na may iharap na lalaki sakanila, at mas lalo na kay Tita.
Mas lalong tumindi ang kaba ko ng makita ko na si Tita, pababa ng hagdan. Si Asha naman ay nakangiti habang paulit-ulit akong tinatawag na "Tita! Tita."
Pareho kaming bumati ng magandang umaga sakanila, ibinigay muna saakin ni Tita si Asha. At sumenyas na lumabas muna ako.
Mas naging doble ang kaba ko dahil naiwang mag-isa si Mr. Tahimik doon, walang akong idea kung ano na ang ginagawa nila. Baka nilalagare na yun, or baka naman kinakatay na pero base sa labas mukha namang tahimik ang paguusap nila.
Inaliw aliw ko si Asha sa labas hanggang sa narinig ko na ang pagbukas ng pinto, nakita kong iniluwa nito si Tita. Kinuha niya saakin si Asha. Inibahan niya ako ng tingin.
"Ikaw..." aniya. Bigla akong napalunok sa sinabi niya. "Malaki kana, kaya mo ng magdesisyon sa sarili mo. Kung kanino at saan ka magiging masaya, susuportahan kita." Napasulyap siya sa loob ng bahay at napangiting tumingin ulit saakin.
"Jelan is really a great guy, kaya ipapaubaya na kita sakanya. Marunong din siyang tumupad ng pangako. Hindi ko aakalain na makikita ko ulit siya in person na hinihingi ang kamay mo." Kaagad napakunot ang noo ko.
"Hinihingi ang kamay ko?" bulalas ko kay Tita.
"Ou. Hinihingi na niya ang kamay mo for marriage." Naiwan akong nakanganga sa sinabi niya. Nablanko ang utak ko.
"This past few days, nakausap ko na ang Mom ang Dad niya, kaya yung about sa issue no need to worry about. Hindi ko naman kayo pwedeng hadlangan" lumapit siya saakin at bumulong. "Mas lalo ng alam ko kung gaano ka kabaliw sakanya noon at pati ngayon." Kumindat pa siya saakin na animoy nangaasar pa.
"Ta naman!" Napahalakhak siya.
"Enid, you must be really gorgeous kung naka wedding dress kana at medyo tumatanda kana. Ayoko rin namang magisip kung sino ang mapapangasawa mo at ini-stress mo lang ako. Atleast since andiyan na si Jelan, alam ko naming mapapasaya niyo ang isat isa" Na-blanko na naman ang utak ko.
Seriously? Hindi panliligaw ang pinunta niya dito? Kundi panghihingi ng blessing?
Woah. Napapalakpak nalang ako sa mga pinaplano mo. Dr. Tahimik.
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Novela JuvenilA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...