Forty Seven

459 22 1
                                    


Forty Seven

Wala akong imik habang pauwi na, nakatanggap narin ng tawag si Mr. Tahimik kaya pabalik na ulit kami sa Condo.

Hindi ko alam pero nainis ako bigla, hindi pa ako handa. Ni hindi ko pa nga naaayos ang sarili ko. Kanina niya pa ako tinatanong kung bakit nagiba ang mood ko pero tamad na tamad akong sagutin siya.

Iniisip ko kung ano mangyayare sa trabaho ko. At wala pa kaming profer way, omy nasaan na ang pagiging Maria Clara ko. Tahimik akong dumating sa Unit, hindi narin ako nagpaalam sakanya. Kaya medyo mabigat ang dibdib ko ng makaupo sa Couch ng Unit ko.

Tamad na tamad din akong kumuha ng tubig ng makaramdam ako ng tawag mula kay Ren.

"Hmmm" sagot ko.

"Asan ka? Bar tayo?" kaagad nagdiwang ang bibig ko. Minsan nakakatuwa rin na kaibigan ko siya, alam niya kung kalian tumaming at alam niya kung kailan ako lugmok na lugmok.

"Sige, dating gawi? Dito ka ba tutulog?" tanong ko rito.

"Ou. Makukuha mo na ba kotse mo ngayon?" buti nalang pinaalala niya. Ou nga pala ngayon nga pala yun.

"Ou nga no." tanging naging tugon ko. Natawa siya sa kabilang linya.

"Baka may date ka ah. Tapos sasama ka saakin, baka patayin ako ni Jelan niyan."

"WALA!" Sigaw ko sakanya.

"Whoo, chillax. Mukhang mahaba habang usapan ito ah. Teka magaayos na ako, kita tayo sa talyer."

"Ok." Tanging naging sagot ko at binaba na niya.

Ang kaninang pants ay pinalitan ko ng short, nagpalit din ako ng pang itaas. Bahala siya kung magalit siya saakin.

Hapon palang ng tuluyan na akong makalabas sa Condo, nagpara ako ng taxi at nagtungo sa talyer. Nang dumating ako roon ay nakaabang na kaagad si Ren. Napangiti pa siya ng makita ako. May mga nakakalokong ngiti siyang binibitawan saakin.

"Ready kana ba?"

"Sa?"

"Sa mga kwento mo. Excited na ako kanina pa." masiglang sambit niya saakin. Dahan dahan akong napangiti sa sinabi niya. Habang naghihintay ay sinimulan ko na ang kwento, yung mga dahilan kung bakit hindi siya nagparamdam at tanging pagkanganga lang ni Ren ang nakikita kong reaksyon sa mukha niya.

"Woah." Paulit ulit na sambit niya. Tumingin ako sa gumagawa ng kotse ko at nag-approve na ito na pupwede na daw namin itong magamit. Sumakay na ako doon at ganun na din ang ginawa ni Ren.

"Tapos, anong ginawa mo?" tanong niya saakin.

"Of course naiyak ako, pero mas lumamang saakin ang mga panahong nasasaktan siya." Tumingin ako ng seryoso sakanya. "Hindi ko lang talaga kayang intindihin ang sarili ko sa panahong yun, ang pumasok lang bigla sa isip ko ay siya." Pinalakpakan niya ako.

"Iba ka talaga, Enid. Iba din talaga ang takbo ng isip mo. Kaya rin siguro inlove na inlove sayo yun. Pero kung ako magmamahal hindi ako tutulad sa pagmamahal mo." Ika pa niya. Natawa ako sa sinabi niya.

"Talaga lang ha, baka lulunukin mo yang mga sinasabi mo."

Nakaalis na kami doon sa Talyer at tutungo na sana sa Bar kaso masyado pang maaga. Nakita ko ang biglang pagkislap ng mata niya.

"Punta kaya muna tayo sa Hospital." Inibahan ko siya ng tingin.

"At bakit naman, may masakit ba sayo?" taking taking tanong ko sakanya.

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon